Prologue

2.9K 35 2
                                    

Break time na, at naglalakad na ako papunta ng cafeteria suot ko na naman ang attitude ko para hindi ako anohin ng mga students dito. Nang biglang may humila sa kamay ko at dinala ako sa madilim na part ng hallway sa Psychology Department.

"Ouch!" nauntog ako sa pader dahil sa lakas ng pwersa ng pagkakatulak sa akin.

"You planned it, right?!" boses iyon ng taong kilalang-kilala ko. Boses galit at nagtitimpi ito.

"X-xyriel?"

"You heard my question, right? Answer me!" sinuntok niya ang pader sa gilid ko. Kaya napasinghap ako.

"Ang ano?" natatakot kong tanong.

"Ang kasal natin?! Bobo ka ba ha? imposibleng hindi mo alam!" napapikit ako dahil sa pag-sigaw niya.

"Wala akong alam." mahina kong sabi.

"Liar! Right after Celine and I broke up. Kinausap ako ni Mom and Dad about sa offered ng Mom mo para masalba ang company. And for sure sobra ang saya mo, ano?" gigil niyang sabi.

"Please, Xyriel let me go. Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Ano bang meron diyan sa kokote mo at kinausap mo ang mga magulang mo na gawin akong asawa, gan'yan ka ba kadesperada na mapansin kita?"

"No. Sila lang 'yon, wala akong idea na kakausapin nila ang parents mo."

"See? lumabas din ang totoo, at alam mo ang lahat ng ito. fuck!" sinuntok niya ulit ang pader sa gilid ko, at wala na akong nagawa kundi umiyak.

"You're happy now, huh? I have no choice, Katana. Kahit parents ko hindi mahindian ang suhol ng Mom mo. Ito ang tatandaan mo, the moment na ikasal tayo hanggang papel lang 'yon. Hindi tayo bagay, sobrang sama ng ugali mo. At wala ka rin pakialam sa business ng mga magulang mo, so paano mo ako matutulungan, huh?"

"Sabi naman ni Mom, matutulungan naman kita sa bagay na kaya ko lang." pageexplain ko, fuck umiiyak na naman ako.

"Matutulungan sa kaya mo lang?" pagak siyang natawa.

"Ni-hindi mo nga maiperfect mga exams at quizzes mo puro ka lang pa-ganda." grabeng insulto.

"Si Celine rin naman ah, puro paganda lang!" pambawi ko pero alam ko na walang-wala ako kay Celine. Natawa ulit siya na puno ng sarkastamo.

"You compared yourself to my Celine? walang-wala ka kay Celine, Katana. Kayang-kaya niya maging academic achiever kasabay ng passion niya. Eh, ikaw wala kang passion, ang ginagawa mo lang ang mag-paganda dahil doon ka lang magaling!" I slapped his face. Hard.

"Enough!" I cried so hard.

"Oo na! Tama ka, bobo ako! Masaya ka na?!" tinulak ko siya at umalis.

*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon