Chapter 14

1.7K 31 0
                                        

Sumakay ako ng escalator para sana mapuntahan si Xyriel at ibalita sa kaniya ito. Ngunit iba ang tumambad sa akin pagdating sa itaas. Si Xyriel at Celine iyon nasa rooftop garden sila ng ospital nagtatawanan sila na parang ang saya ng pinag-uusapan nila. Kasalukuyan siyang pinapakain ni Xyriel ngayon.

Hindi rin nakaligtas sa aking paningin si Xyren na busy sa pagdedecorate ng mga cupcakes. Sila Mommy Xyna at Daddy Daniel na kausap ang mga parents ata ni Celine. Nilibot ko ang aking paningin sa buong garden at nakita ko na birthday pala ni Celine, kaya pala kumpleto sila at masaya.

Samantalang ako narito, hawak ang sonogram ng aming anak habang ang ama niya masaya sa ibang babae, hindi pala ibang babae si Celine sa kaniya, totoong mahal niya pala.

Masakit man tumalikod na ako at bumaba na ulit. Kailangan ko nang ilabas ang hinanakit ko. I need my Mommy and my Daddy. Dumating ako sa mansion ng magulang ko, halata sa mukha nang lahat ng tao sa mansion na nagulat sila sa pagdating ko.

"Katana darling, napabisita ka ata. Where's your husband? wala ka bang class ngayon?"

"Wala po, Mommy." Mommy hugged me.

"Darling, nandito ang unica hija natin!" tawag ni Mommy kay Daddy na busy sa golf.

"My baby Katana, you're finally here." agad na naglakad si Daddy sa kinatatayuan namin ni Mommy at hinalikan ako sa noo.

"Akala namin ng Mommy mo, aantayin pa namin ang sembreak mo bago ka dumalaw dito."

"Sorry Daddy, ngayon lang po ako nakadalaw." I hugged his waist.

"Darling, are you okay? mukhang hindi maayos ang pakiramdam mo?" agap na tanong ni Mom nung humiwalay na ako kay Daddy.

"Mejo masama po ang pakiramdam ko."

"Lisa, paki-ready ang gamot ni Katana, may sakit siya."

"Mom! bawal po ako sa gamot." mahina kong sabi at ro'n palang nagkakutob na ang pamilya ko, sabay-sabay silang napatigil.

"Are you pregnant, anak?" takhang tanong ni Mommy halata mo ang excitement sa kaniyang mga mata. Tumango ako at sabay-sabay silang nagpalakpakan, Mommy and Daddy hugged me again.

"Wait, alam na ba ito ng asawa mo nila Xyna?" excited na tanong ni Mommy pero nang mapansin na hindi ako sumagot at parang paiyak na ako, nahalata agad nila na may mali.

"What happened, Katana Elouise? Nakakapagtaka rin na wala si Xyriel considering na you are pregnant pero mag-isa ka na bumiyahe rito?" nakataas na kilay na tanong ni Mommy sa akin.

"Mom-mm-mmy, Dad-dd-ddy." hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at umiyak na ako sabay yakap sa Daddy ko.

"What happened anak ko? may masakit ba sa'yo?!"  nagpapanic na tanong ni Dad.

"Bum--bum-bumalik na siya." taas-baba na ang balikat ko sa kaiiyak.

"Sinong siya?! Tell me Katana!" sigaw ni Mommy pero halata mo ang frustration sa kaniyang tono.

"Si Celine ba?" agap na tanong ni Eli. Tumango naman ako.

"Tangina, ayan na nga ba sinasabi ko Katrina, may alam ka ba rito?!" agad na tanong ni Daddy kay Mommy.

"Louis, wala. Ngayon ko lang din nalaman. Nangako naman si Xyriel at family niya na hindi na sila makikipag-communicate pa kay Celine!" sagot naman agad ni Mommy.

"Come here, anak. Maupo ka rito masama sa buntis ang sobrang pag-iyak." si Yaya Lisa iyon, inaya niya kami maupo sa sofa. Pagkaupo naming tatlo nila Mommy yumakap agad ako sa tyan ni Daddy at ipinatong ko ang aking ulo sa dibdib ni daddy at doon umiyak nang umiyak.



*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon