Chapter 13

1.3K 23 0
                                    

"Honey, saan ka pupunta?" hinawakan ko ang braso niya, kaso sobrang focus niya sa pagiimpake hindi ata ako narinig.

"Xyriel, please explain to me kung anong nangyayari at kung bakit ka nagiimpake aalis ba tayo?"

"I'm busy, Katana please!" at doon naubos ko ang pasensya ni Xyriel at naitulak niya ako natumba ako sa sahig. Naiiyak na tumingin ako sa kaniya, nahihiya ako dahil napakahina ko pagdating sa kaniya. Mukhang nagulat lang din siya sa ginawa niya sa aking pagtulak, kaya akmang lalapitan niya ako pero ako ang umiwas.

"I'm sor---"

"Stop. Diyan ka lang." mas dumikit ako sa dingding.

"Katana, please tumayo ka riyan." pakiusap niya sa akin pero tanging iyak lang ang kaya kong gawin.

"Kung hindi ka tatayo, aalis na ako." dala ang bag niya akmang lalabas na siya ng kwarto at iiwan na sana ako pero nagsalita ako.

"Pagdating sa kaniya may pasensya ka, pero kapag sa akin na asawa mo na natumba lang hindi mo mahabaan ang pasensya mo para mapatayo ako?" at doon hinarap niya na ako na namumungay ang kaniyang mga mata.

"Katana, please understand the situation..."

"May nangyari pala sa inyo no'ng pumunta ka ng Paris para sundan siya?" tumayo na ako at kinausap siya ng harap-harapan. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Paano mo nalaman?"

"May concern citizen lang naman ang nagsabi sa akin na nakunan si Celine sa baby niyo, at nagkaroon siya ng depression dahil nalulungkot siya sa pagkawala ng bata at ngayon halos 24 hrs mo na siyang inaalagaan!" singhal ko sa kaniya sobrang sakit na kasi ng puso ko baka ikamatay ko na 'to kung hindi ko ito iiiyak.

"Katana, kailangan niya ako ngayon. Nawalan kami ng anak at nakiusap ang parents niya na tulungan ko siyang maka-recover. Hindi mo kailangan mag-alala dahil alam nila na kasal na ako. May limitasyon ang lahat." paliwanag niya sa akin.

"Mukhang hindi naman gan'on ang nangyari. Yung concern citizen na 'yon sabi niya nakita ka niya sa ospital na nagmamadali at sobrang nag-aalala sa ex-girlfriend niya. Oh, ex-girlfriend nga ba?" pagak akong natawa.

"Alam ko naman na never akong magiging si Celine pero paano naman ako Xyriel? malungkot din ako. Hindi mo ako masamahan ngayon, nakikita mo bang mag-isa lang ako ngayon. Ni hindi ka nga nagtetext man lang kung nasaan ka. Buong araw ko na inaantay ang text o tawag mo sa akin. I know in the first place that you don't like this marriage, I'm just a victim too! Nasasaktan din ako. Huwag mo naman ipamukha sa akin na hindi ko kayang maranasan yung mga bagay na ginagawa ninyo ni Celine na magkasama. Tanggap ko na 'yon. Unting oras lang din ang hinihingi ko sa'yo, bakit hindi mo maibigay? pero buong atensyon mo kayang-kaya mo ibigay kay Celine isang tawag lang niya. Never ba talaga akong hindi naging mahalaga sa'yo?" nakita kong nag-panic siya at agad na kinuha ang mga kamay ko.

"Ngayon lang please, wife. Now lang. She needs me after this tatapusin ko na kung anong meron sa amin. Huwag mong isipin 'yan, mahalaga ka sa akin, okay?" nag-ring ang phone niya at tamad na sinagot iyon napapikit nalang siya 'saka binaba ang tawag at malamlam na tumingin sa akin.

"I'm sorry Katana, kailangan ko nang bumalik sa ospital. Hinahanap ako ni Celine kapag nagigising siya." he kissed my forehead bago nagmamadaling umalis.

Days, turned weeks na hindi umuuwi si Xyriel, after work dumidiretso siya sa ospital. Hindi naman niya napapabayaan ang dalawang kompanya. Sa tatlong linggo na iyon. Hindi pa aabot sa sampung daliri ko kung ilang beses niya akong inupdate.

Papasok sana ako ng school ng makaramdam ako ng hilo at pagsusuka, mahigit tatlong linggo ko na rin itong nararamdaman pawala-wala siya kaya pinagsasawalang-bahala ko. Pero ngayon sobrang lala na kaya nag-decide na ako na pumunta ng ospital.

The same hospital kung nasaan naka-confine si Celine. Gusto ko sana tawagan si Xyriel para samahan ako na magpacheck-up pero naisip ko na baka gising si Celine. Siguro mamaya ko nalang siya tatawagan.

"Mrs. Joaquin?" tawag sa akin ng nurse.

"Pasok na po. Tawag na kayo ni Dra."

"Okay po." isang matamis na ngiti lang ang ginawad niya sa akin. Nang marating ang desk ng Doktora, umupo na ako sa harapan.

"Katana Elouise M. Joaquin, 20 years old. Married." tumango-tango ito.

"P'wede ba kitang tanungin kung ano ang mga nararamdaman mo ngayon?"

"Nakakaranas po ako ng pagsusuka, at madalas po akong mahilo, masyado rin po akong maramdamin. Napapadalas din po ang pagtulog ko. Three weeks ko na po siyang nararamdaman pero pawala-wala lang po kaya hindi ko na pinansin. Pero this morning po, sobrang sama ng pakiramdam ko para po akong nilalagnat, kahit hindi naman."

"Kailan ang last period mo? Napansin ko kasi sa information mo na ibinigay, you're married." bigla naman akong napaisip kung kailan nga ba ako last nagka-period. At saka anong connect ng kasal na ako sa regla ko?

"Last month pa po." agap kong tanong pagkatapos magbilang sa daliri ko.

"Nag-take ka na ba ng Pregnancy Test?" at doon lang nag-sink in sa akin ang connection ng married at period ko.

"Maybe you're pregnant. Pero try pa rin natin. Nurse, Erica. Can you guide her kailangan niya mag-PT."

"Okay po, Dra. Tara na po Mrs. Joaquin." wala sa sarili akong napasunod ako kay Nurse Erica.

"Heto po yung PT bibigyan ko po kayo ng tatlo. Don't worry po hindi iyan cover ng babayaran niyo sa check-up free lang po 'yan, natutuwa po kasi si Dra. Kapag may mga nalalaman siya na possible na buntis. Kapag two lines po ibig sabihin buntis po kayo. Pasok na po kayo sa rest room."

"Nurse, I'm scared."

"Why, Ma'am ayaw niyo pa po ba magka-baby?" bigla ko naalala ang sabi ni Mommy na gusto na niyang magka-apo at ang sabi ni Xyriel na gagawa kami agad. Iyon na ba 'yon? yung gabi na ginawa namin 'yon?

"Wala po, Nurse. Sige po akin na ang mga PT." habang nasa rest room sa isipin na matutuwa si Xyriel at ang mga magulang namin na magkaka-baby na kami bigla akong naexcite. Nawala yung takot na nararamdaman ko kanina. Sinunod ko ang nasa pakete kung paano gagawin, nag-antay ako ng 5 minutes bago tignan lahat ng PT. At hindi nga nagkamali si Dra. Cleo I'm pregnant.

"Congratulations, Mrs. Joaquin. You're one month pregnant na. Grabe hindi mo man lang napansin 'yon. Eight months nalang lalabas na ang baby mo. Basta ang mga paalala ko sa'yo ah. Next time isama mo na ang asawa mo, para malaman niya ang mga bawal at p'wede sa'yo."

"Salamat po Dr. Cleo and Nurse Erica."

"Congratulations, Ma'am." sabi ni Erica bago ako ihatid pintuan. Hawak ang sonogram ng baby namin, buhay na siya dahil narito na rin ang heartbeat ng bata gustuhin ko man na maging kamukha ko siya mas pipiliin ko nalang na makuha niya ang looks ng Daddy niya.


*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon