"Hindi mo ako masisisi Xyriel! Napagod na ako. Nilaban ko naman pero kung si Celine ang kalaban ko matatalo na agad ako kung ikaw ang premyo." nakita kong may lumandas na luha sa kaniyang mga mata.
"Baby, no more Celine okay." napatingin ako sa kaniyang mga mata.
"Paano ako maniniwala sa'yo, nalaman ko na engaged pa rin kayo."
"Baby, trust me. Hindi kami engaged okay? I don't know kung saan mo narinig 'yan." kay Mom and Dad ko kaya.
Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Hush. Magigising ang anak natin." tumahan naman ako agad.
Hindi na ako pumunta pa sa shop, sinabi ko kay Eli na may biglaan akong gagawin ganoon din si Xyriel nagmaneho lang kami nang nagmaneho hanggang sa makarating kami sa Tagaytay, andito kami sa pinakamataas na part kitang-kita ang mga buildings at sasakyan na umaandar. Napakagandang tignan, sigurado ako bawat sasakyan at buildings na 'yan yung mga tao na laman niyan ay may mga problema rin katulad ko. Nawa'y sabay-sabay natin na malagpasan ito.
Inabot na rin kami ng gabi kasi nagpaikot-ikot lang naman kami sa buong Manila at late na nakapag-decide si Xyriel na pumunta kami sa Tagaytay. Tinanong ko siya kung bakit kami nagpaikot-ikot lang ang sabi niya para makapagpahinga siya. Humihinto naman kami sa mga restaurant or fast food para kumain.
9pm na and lagpas na sa bed time ito ni Xerena natatakot ako at the same time nakakahiya kung sususo siya sa akin gayon andito ang Daddy niya. Nasa loob lang ako ng kotse dahil sobra akong nilalamig, yung mag-ama nasa labas binalot lang ni Xyriel si Xerena ng kumot na binili namin kanina nung napadaan kami sa Baclaran para hindi ito lamokin at malamigan. They are watching the whole city lights! At siguro pinupunan lang ni Xyriel ang tatlong taon na wala siya sa pamamagitan nang pakikipagusap sa anak namin. Ang mga bituin at mga ilaw sa langit ang nagsisilbing ilaw namin, kaya kahit hindi ko naririnig nakikita ko naman na tinatawag siyang Daddy si Xerena.
About sa Family Van, pinasundo ko siya kay Kuya Ton sa Mall, para maiuwi at pinasabi ko na kasama namin si Xyriel mukhang wala naman problema sa mga magulang ko.
Nag-aayos ako ng mga gamit namin ni Xerena nang kumatok si Xyriel, mula sa labas kita mo na nag-iiyak si Xerena na-alarma naman ako at binuksan ang pintuan at saka sila pumasok.
"What happened?" agap kong tanong.
"May dala ka bang gatas niya?" agad na tanong ni Xyriel. Shit, heto na 'yon.
"Wala. Pero akin na siya." akmang kukunin ko na si Xerena ng hindi siya ibigay ni Xyriel sa akin.
"Bakit ka umaalis na walang gatas ang bata?" aba bad mom ba ako? eh nasa dibdib ko ang gatas niyan.
"Kahit naman magdala ka pa ng bote kung papa-dedein mo siya ngayon hindi niya naman gagalawin kasi nasa akin ang gatas niya."
"What?"
"Akin na muna si Xerena." ibinigay niya naman ito agad sa akin.
"Mommy, milk." sabi ni Xerena sabay yawned. Nanlaki ang mata ni Xyriel nang hilain ni Xerena ang damit ko.
"Wait, anak." tumingin ako kay Xyriel.
"P'wede bang huwag ka munang tumingin kapag pinapa-suso ko ang anak mo?" buti nalang nakapatay ang ilaw ng kotse at hindi niya nakikita ang pamumula ng pisngi ko.
"No. Go on. It's okay." itinaas ko ang damit ko at sumuso na si Xerena sa nipple ko. Nakita kong ilang beses napalunok si Xyriel habang pinapanood ang pagpapa-suso ko sa anak namin.
"Bakit ba ganiyan ka makatingin? She is only two. Baby pa siya Xyriel, parang ang sama ng loob mo na sumususo ang anak mo sa akin." pang-aasar ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love
RomanceSi Katana Elouise Madrigal ay may matagal nang pagtingin sa kaniyang kababata na si Xyriel Diego Joaquin, ngunit ayaw sa kaniya nito. Isang problema ang magiging dahilan kung bakit sila magkaka-lapit. Magiging worth it nga ba kung paiiralin niya ang...