Chapter 20

1.6K 25 0
                                    

Pagkababa palang ng eroplano, ramdam ko na agad ang simoy ng hangin na sobrang na-miss ko. Tatlong taon na rin ang nakakalipas nang mag-desisyon ako na umalis dito para makahinga, at hindi naman ako nagkamali sa naging desisyon ko na iyon. Sa tatlong taon na pag-alis ko wala naman akong pinagsisisihan.

"Welcome back po, Madam Katana." bati sa akin ng mga guards na sumundo sa amin. Binaba ko ang aking shades at binati sila.

"Good afternoon, kanina pa ba kayo? sa pagkakaalam ko ay 12 noon na so baka nagugutom na kayo?"

"Good afternoon po madam, okay lang po kami." isang tango nalang ang aking binigay.

"Finally, napauwi rin kita." si Dad sa aking tabi habang buhat-buhat si Xerena na ngayon ay tulog. Nasanay ang kaniyang body clock sa oras ng Canada. Sayang nga lang hindi niya makikita ang biyahe namin pauwi sa Mansion.

"Hindi ko kayo matitiis ni Mommy, Dad." hinalikan ni Mommy ang noo ko.

"Katana, ready na yung mga van natin pasok na kayo." si Eli iyon, dalawang van ang dala ng mga guards. Sa isang Van ang family ni Eli, sa pangalawa naman ay kami. Isang tango ang sinagot ko sa kaniya.

Habang bumibiyahe kami pauwi hindi ko mapigilan maging emosyonal, dito ako lumaki at kitang-kita ko ang mga unting pagbabago. Parang ang sarap tuloy sariwain ng mga nangyari sa akin dito three years ago, pero gusto ko yung masasaya lang.

Totoo ba na asawa pa rin kita?

"Welcome back, Madam Katana and Madam Xerena!" bati ng aming mga kasama sa bahay, gising na rin si Xerena tuwang-tuwa ang anak ko nung binati nila ito.

"Thank you." naka-ngiti kong sagot.

"Susan, pakidala na ang mga gamit ng anak at apo ko sa kwarto nila, nalinis niyo ba nang maayos iyon?" tanong ni Mommy.

"Yes po, Madam Katrina."

"good." agad nilang kinuha ang mga maleta naming mag-ina.

"Thank you, Katana." lumapit si Eli sa akin.

"For what?"

"Pumayag ka na umuwi na tayo rito."

"Ano ka ba hindi ba't sabi ko pag-iisipan ko yung sinabi mo, ito na 'yon. Sige na magpahinga na kayong pamilya."

"Salamat ulit." she hugged me.

"Mommy, is this youw woom?" sabi ng anak ko habang nagpapatalon-talon sa kama ko.

"Yes, baby ito ang room ni Mommy nung dito pa ako nakatira sa Grandma and Grandpa mo."

"Wow, eweything is pink, I love it Mommy!" she then kissed me.

"Love you too, baby." I kissed my daughter's cheeks.

"Mommy..." napahinto ako sa pag-aalis ng mga gamit namin sa maleta at napatingin sa anak ko na nakahiga. Gising pa pala siya.

"Ano iyon, anak?"

"Milk." tinuro niya ang dibdib ko. Oo nga pala simula nung umalis at dumating kami rito hindi ko pa napapa-suso si Xerena.

"I'm sorry, anak." agad kong binitawan yung maleta at pumunta sa tabi niya. Binuksan ko ang limang butones ng polo ko sapat na para maka-suso siya. At tama nga ako pagkakita niya sa nipple ko, sinunggaban niya agad ito. Napangiti ako sa ginagawa ni Xerena.

"Sleep well, baby." I kissed her forehead.

Hindi naman nagtagal si Xerena sa pagsuso sa akin, siguro mag-pump nalang ako para may mai-dede siya bukas dahil aalis ako. Hindi naman kasi ako umuwi rito sa Pilipinas para magbakasyon lang, kailangan ko pa rin ituloy yung plano ko na magpatayo ng branch ko rito sa Pilipinas. Sasamahan ako ni Eli maghahanap kami ng mga site na p'wedeng tayuan ng Shop. Maiiwan si Xerena rito kasama si Mom at Dad.

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon