Chapter 39

1.1K 13 0
                                    

Kabuwanan ko na ngayon at sabi ni Dra. Tess anytime pwede na lumabas si baby Xylo kaya naman si Xyriel ay kabadong-kabado sa sobrang kabado niya lahat ng gamit ni baby at gamit ko nasa compartment na ng sasakyan. Kinontact na rin niya yung hospital kung saan ako manganganak at pinapa-ready niya na ang mga ito.

Si Xyriel na nagtatrabaho sa bedroom namin at mga helpers lang ang nasa mansion. Si Xerena ay dinala muna kanila Mommy alam kasi nila na anytime manganganak na ako kaya kinuha si Xerena para iwas stress daw natawa naman ako dahil never naman naging stress si Xerena sa akin siya ang ball of sunshine ko.

Nandito ako sa terrace dahil si Xyriel simula 1pm nakatutok nasa laptop niya papatulogin niya sana muna ako kaso hindi ako makatulog kaya wala siyang magawa kundi magtrabaho habang tinitignan-tignan ako rito sa terrace. Lakad, upo, tayo ang ginagawa ko rito pinapanood lang ang mga hardinero na nagtatanim sa mini garden ng mansion.

Akmang tatayo na sana ulit ako sa pang-sampung beses nang biglang humilab ang tyan ko. At naramdaman na parang may tumatagas na liquid sa aking mga binti.

"Fuck. Ito na ba 'yon? Baby Xylo darating ka na ba?" ng mahimasmasan ako sumigaw na ako dahil manganganak na nga ako!

"Xyriel! Fuck manganganak na ako!"

"Xyriel! Tumingin ka sa akin!" naka-airpods kasi siya kaya hindi ako marinig.

"Fuck you, Xyriel!" sakto naman na nag-angat siya ng tingin sa akin at napatayo sabay nakita niya yung tubig sa sahig. Tinanggal niya yung airpods niya.

"Ano?! Titignan mo lang ako? Can you see?! Lalabas na ang anak mo, potangina!"

"My love!" agad siyang lumapit sa akin at binuhat ako na pa-bridal style kumapit ako sa leeg niya. Sobrang sakit na talaga.

"Fuck." sabi nito habang pababa na kami sa hagdan.

"Bakit ba ang tagal mo?!" tanong ko rito.

"Sorry, baby." hinalikan niya ako sa noo.

"Hala! Manganganak na si Ma'am."

"Celia, tawagan mo ang mga magulang namin at ipaalam na manganganak na ang Ma'am niyo. Kayo na ang bahala sa mansion muna."

"Opo, sir." agad na binuksan nito yung pinto. Mabuti nalang talaga ay nakaready na yung sasakyan na gagamitin namin papunta ng hospital sinigurado talaga lahat 'yon ni Xyriel.

Inayos ako ng pagkakaupo ni Xyriel sa shotgun seat.

"Calm down, baby okay. Inhale. Exhale. 20 minutes lang ang layo ng hospital kaya kayanin mo." hinalikan niya ang noo ko bago umikot papunta sa driver seat. Pinaandar niya na yung kotse.

"Baby, inhale. exhale. Please don't scared me." pinilit ko na maging kalmado dahil ayaw ko na matakot si Xyriel.

Nakita kong nilabas niya yung phone niya at may dinial.

"Tita Tess, it's me Xyriel. Paki-ready na po yung emergency room manganganak na po ang asawa ko."

Sa 20 minutes na biyahe nagawa lang ni Xyriel itong 10 minutes, hindi ko alam kung bakit ang bilis.

Agad akong nilipat sa kama ng hospital. Nakahawak lamang sa akin si Xyriel pagkapasok namin sa emergency room. Pinagsuot siya ng gloves at mask for safety protocols. Hawak ni Xyriel ang kamay ko habang si Tita Tess ang nagpapaanak sa akin.

"Katana, pagbilang ko ng tatlo. Push okay?" tumango ako.

"1... 2... 3... push!" kaya sinunod ko naman.

"aaaaah!!!"

"Baby, you can do it." bulong sa akin ni Xyriel.

"I love you. You're the best Mom." pinapaulanan niya ako ng mga words of encouragements.

"Nandito na ang ulo ni baby, isa pang push. 1... 2... 3... push!" after no'n isang iyak ng bata na ang narinig ko kaya napangiti ako.

"Thank you, my love." Xyriel kissed my forehead.

"Congrats Mr. and Mrs. Joaquin a healthy baby boy!" nagpalakpakan din ang mga nurse na kasama sa emergency room. Narinig ko na tinawag si Xyriel para sa pusod ng bata takot man siyang iwan ako. Sabi naman ni Tita Tess siya na bahala sa akin.

Nagising ako dahil sa panay halik sa mukha ko.

"Gising ka na, thank you, Jesus." hinalikan niya ulit ako sa noo.

"Mommy, awe you okay?" si Xerena iyon.

"Anak, kumusta ka?" si Mom iyon.

"Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Dad.

"Grabe ang kaba namin nung nag-faint ka kanina, anak." si Mommy Xyna iyon.

"Thank you po sa concern pero okay na po ako. Medyo pagod lang ang katawan ko para akong dinaanan ng 10 wheeler truck." pagpapatawa ko sa sitwasyon.

"Our baby?" dumiretso agad ang mata ko kay Xyriel na nasa aking tabi na parang tuko dahil laging nakalingkis.

"Dadalhin na siya rito." biglang bumukas yung pinto at niluwa no'n si Tita Tess kasama ang baby namin. Napuno ng "Awww." ang room ko dahil lahat sila nasilayan na ang baby Xylo ko.

"Mommy, hungry na si baby. Pero kahit na gano'n he's very healthy and cute." iniabot niya sa akin ang anak ko. Halos mapaiyak ako ganitong-ganito ang reaksyon ko nung kay Xerena.

"Xylo Kirsten, napakaganda ng pangalan." ani no Tita Tess.

"Asawa ko po ang nagpangalan." sagot ko sa kaniya.

"Alam ko. Excited na excited siya magfill up kanina ng name ni baby." tumingin ako kay Xyriel at ngumiti.

"Sige na pakainin mo na siya. Kanina pa 'yan humihilak ayaw tanggapin ang mga gatas na andito sa ospital. Sabi ko ay baka sa Mommy, kakain na." kaya ngumiti naman ako atsaka siya pinasuso tama nga si Tita Tess sa akin lang be-breastfed ang anak ko, parang automatic na nakilala niya ako!

" Ayan sabi na e kapag Mommy na kakain na. Pwede ko na kayo iwan kung gano'n. Joaquin and Madrigal family, congrats po may another baby na naman na lalaruin ang family." nagpasalamat naman lahat kami kay Tita Tess bago ito lumabas.

"Cute!" sabi ni Xyren sabay turo nito sa baby ko na busy dumede.

"Mommy can I play with baby Xylo?" inosenteng tanong ni Xerena.

"You can, anak. Pero hindi pa ngayon ang alam lang ni baby Xylo ay matulog at kumain, hindi pa siya makakapaglaro like you. Hmm... siguro once kapag 1 or 2 years old na siya pwede kayo makapaglaro." si Xyriel ang sumagot sa panganay namin.




A/N* Hello! Thank you fo reaching this far your madam author kinda emotional right now hihi after this chapter WAKAS na po then Xyriel POV na I'm working with it. Thank you everyone sa support na nare-receive ng story ko sa tiktok.

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon