Mag-isa akong kumakain ng lunch ngayon. Umorder ako ng tulad lang dati vegetables salad at lemon juice. Nakasanayan ko na ito kahit na hindi naman na ako nagmo-model. One day makakabalik din ako. Nakakasira ng araw ang tingin ng mga tao kapag mag-isa ka lang kumakain. Wala akong nagawa kundi magtaray every time na may tumitingin sa akin. Nakakapagod na maging maldita. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may biglang umupo sa harapan ko. It's Juancho may dala rin siyang tray ng pagkain may spaghetti, two burgers, at kape iyon.
"Juancho?" may laman pa ang bibig ko nang banggitin ko name niya.
"Yes, It's me." nakangiti niyang pag-agree. Agad-agad ako kumuha ng tissue at pinunasan ang labi ko.
"Why are you here? I thought kasabayan ka ni Xyriel so dapat graduate ka na rin ngayon."
"Ouch." napahawak siya sa dibdib niya, pero may munting ngiti naman sa mga labi niya.
"Ang sakit naman, Tana gan'on din ba iniisip mo sa akin?"
"huh?" nagtataka kong tanong. Ngunit tumawa lang siya.
"Joke lang. Tinatapos ko lang yung second course ko. Kaya andito ako sa harapan mo." wala sa sariling napatango ako.
"Ayaw ko naman ng business pero wala akong choice kaya kumuha ako ng second course, gusto kong mag-bartending."
"So.. Hindi ka pa bartender nung time na ginawan mo ako ng drink?" tumango siya.
"Yep. Natutunan ko lang 'yon from my class. And it's also my way to see you na rin." napainom ako ng juice dahil naginit na naman ang mga pisngi ko.
"Hays. Sa tuwing nakikita kita palagi ka nalang naka-diet. Hindi ka ba nagsasawa sa mga damo na 'yan?" napa-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
"What? damo?"
"Yes! Iyan na kinakain mo, damo tawag ko riyan kasi puro dahon." hagalpak na naman siya na natawa.
"Pakialam mo ba. Nasanay na kasi ako na puro ganito ang kinakain ko." sabi ko sabay subo ng salad.
"Here. I bought this for you. Alam ba ni Xyriel na puro ganiyan ang kinakain mo, napakaraming p'wedeng kainin diyan pero pinipili mo yung damo." Kinuha niya yung isang burger at binuksan pa talaga at saka ipinuwesto sa aking bibig.
"kainin mo na. Hindi kita titigilan diyan, Tana." kinuha ko nalang at kinain kasi nakakaagaw na kami ng eksena rito.
"Ayan ako ang cheat day mo." nanlaki ang mga mata ko.
"What? c-c-cheat day? What is it?" nakakaloka anong cheat ang tinutukoy nito.
"Hindi mo alam? Ayon ang tawag ng mga taong nagdidiet kapag gusto nila kumain muna ng mga pagkain na hindi nila madalas kainin, dapat alam mo 'yon. Sabagay, nasanay ka na nga pala kumain ng salad at mukhang hindi ka naman sinasaway ng mga tao sa paligid mo." sabi niya sabay kain din ng sarili niyang burger. Napatango nalang ako.
"Akala ko pa naman kung anong klaseng cheat." natawa ako.
"I am willing." biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Kung hindi magiging okay ang sa inyong dalawa, andito ako para sa'yo sasamahan kita."
"H-h-haha ano bang iniisip mo riyan? Okay kami ni Xyriel, ano." sabay kagat ulit ng burger.
"Kapag lang naman. Tawagan mo lang din ako kung gusto mo ng comfort food at marami akong ipapatikim sa'yo." tumango nalang ako at ngumiti.
"Thank you, Juancho." hinatid ako ni Juancho hanggang sa labas ng room ko.
Inaamin ko na napagaan ni Juancho ang pakiramdam ko. Sana maging okay na ulit sila ni Xyriel, mukhang masaya silang makita na magkasama.
Nagring ang phone ko. Naka receive ako ng text mula kay Xyriel.
"I'll fetch you later. Kakain tayo sa labas." Kinilig ako sa nabasa kaya nagreply ako ng "Sure. Thank you, honey."
Gaya ng sabi ni Xyriel inantay ko siya sa labas ng gate huminto sa harapan ko ang kotse niya kaya tuwang-tuwa ako nung masilayan ko ang mukha niya.
"Pasok na." agad akong pumasok sa loob at tumabi ako sa kaniya sa harapan.
"Wear your seat belt." agad niyang paalala na sinunod ko naman at saka pinaandar ang kotse.
"Saan mo gustong magdinner?" tanong niya sa akin. Hindi ako agad nakasagot dahil na distract ako sa kagwapohan niya. Mejo madilim na kaya ang ilaw ng city lang ang nagsisilbing ilaw namin.
The lights of the city hit Xyriel's face, highlighting his pointed nose, long eyelashes and kissable lips. His hair was also loose and the first two buttons of his white polo shirt were open, he was also not wearing a tux. My husband's white polo shirt is really tight on his biceps, obviously he just came from work.
The window to his left was open and his left arm rested there, while biting his thumb, while his right hand was on the steering wheel, obviously he was really waiting for my answer.
"P'wede bang ikaw nalang ang kainin?" mahina kong sabi na kinataka niya kaya napabaling ang atensyon niya sa akin.
"What?" nang maalala ang sinabi ko napatingin ako sa labas.
"Ah wala! sabi ko kahit saan." bahagya siyang natawa.
"Alright, I'll pretend I didn't hear what you said." My cheeks suddenly became hot.
"Narinig mo naman pala bakit pinapaulit mo pa?"
"Nothing." he laughed again.
"So cute." pahabol niya dahilan kaya napangiti na rin ako.
We arrived at a Japanese restaurant, not far from our mansion. I wanted to ask why he suddenly invited me out to eat but I stopped myself from asking. I eat a lot because Juancho said I can have a cheat day, I'll just take back what I eat today during my work-out the next day.
"Nakakapanibago na ang lakas mo kumain ngayon?" confused niyang tanong. Pinunasan ko naman agad ang bibig ko ng tissue at sinagot siya.
"Nakasabay ko kasi kanina si Juancho na kumain, tapos sabi niya p'wede naman daw ako kumain ng marami at ibawi ko nalang sa work-out ko kinabukasan lahat ng kakainin ko ngayon. Tawag niya pa nga ro'n ay cheat day daw 'yon." masaya kong sagot na hindi niya ata kinatuwa.
"Do you still have communication with him?" his jaw tightened and his eyes darkened.
"Ah... Siya yung lumapit kanina sa akin. Kanina nalang ulit kami nagkausap. Huwag kang mag-alala wala naman siyang ibang sinabi." maagap kong sagot.
"K. P'wede naman kayong maglandian huwag lang kayong papahuli sa akin." sabi niya sabay kain ulit.
"landian? bakit ko naman gagawin 'yon? may asawa na kaya ako." kumirot ang puso ko. Parang wala lang sa kaniya kung manlalake ako?
"I don't care kung anong namamagitan sa inyo. Ayusin niyo lang." nangilid ang luha ko at walang ganang binaba ang chopstick na hawak at inayos ang mga gamit. Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ako sa braso.
"Saan ka pupunta? kumakain pa tayo." pinunasan ko ang luha ko.
"Uuwi na ako. Nawalan na ako ng gana na kumain. Sa tingin mo ba gagawin ko yung sinasabi mo pagkatapos na paulit-ulit na may nangyari sa atin? don't think of me like that, Xyriel. Yes, I may have had a bad attitude but I am not a cheater. Maybe you're doing that to me? is that right? And one more thing, don't ask me to eat if you're just going to insult me." inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso.
"Thanks for the dinner. Mauuna na ako." umalis na ako sa harapan niya. Nagpahatid nalang ako sa taxi hanggang mansion. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon nag-iiyak.
*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍
A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

BINABASA MO ANG
The Unwanted Love
RomanceSi Katana Elouise Madrigal ay may matagal nang pagtingin sa kaniyang kababata na si Xyriel Diego Joaquin, ngunit ayaw sa kaniya nito. Isang problema ang magiging dahilan kung bakit sila magkaka-lapit. Magiging worth it nga ba kung paiiralin niya ang...