Chapter 30

1.3K 19 0
                                    

"I just realized na baka nadadalian ka sa mga nangyayari. I'm sorry kung nagdesisyon agad ako na dalhin kayo rito ni Xerena sa mansion. Pagkatapos ng nangyari dati, alam ko na hindi mo pa ako napapatawad pero andito ka ngayon sa lugar kung saan ka nasaktan ng sobra dahil sa akin. I'm so sorry, Katana alam kong may karapatan ka na pagsalitaan ako o kasuhan mo ako dahil sa ginagawa ko sa inyong mag-ina ngayon, tatanggapin ko 'yon." may mga takas na luha ngayon sa kaniyang mga mata habang sinasabi niya ang mga iyon. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa langit lang na puno ng bituin.

At hindi ko maintindihan kung bakit may kumikirot sa puso ko habang sinasabi niya iyon. Sa tingin niya ba iniisip ko na nagkakasala siya sa amin dahil kahit walang consent ko andito kami sa dati naming bahay?

"I know na ginagawa mo lang ito para sa kapakanan ni Xerena." he gave me a smile but full of pain.

"Kaya ko Katana, kakayanin ko." ang alin, Xyriel? tell me.

"Kung wala na talaga, kakayanin ko maging co-parent nalang tayo para kay Xerena." humarap na siya sa akin at kung kanina mga munting luha lang ngayon ay tunay na siyang umiiyak. And because of that, parang ang daming tumutusok sa puso ko at nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon na Xyriel na nasa harapan ko.

He look so sad, so sad. Na kahit siguro pumayag ako sa gusto niya na maging co-parent nalang kami, sasabihin niya okay siya, but the truth is hindi talaga.

"Hindi ko kasi kaya kayong mawala sa akin. Kahit magmahal ka nang iba, Katana. Okay lang ako basta just stay. Gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko ang baby natin. Gusto ko rin ikaw pero wala akong magagawa kung.... hindi na talaga p'wede." sa bandang dulo humina na ang kaniyang boses kasi kahit maging siya ayaw niya sa sinasabi niya. Napahawak siya sa kaniyang mukha, gusto niyang umiyak nang umiyak pero hindi niya mailabas.

"Bakit Xyriel, sumusuko ka na ba?"  I asked him, nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

"No, baby." lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga takas na luha ko.

"Then, why?! As long as hindi ako nagrereklamo at maayos ang pakikitungo mo sa amin ni Xerena hindi kami aalis at hindi ka susuko!" pinalo ko ang kaniyang dibdib. Parehas na kami ngayon na umiiyak. Sana lang hindi sila magising lahat.

"Kunting panahon lang naman ang hinihingi ko sa'yo. I can't say kung fully healed na ako. Pero isa lang ang masasabi ko, gusto ka rin namin makasama hanggang sa pagtanda ni Xerena." pinunasan niya ulit ang mga luha ko.

"Kaya itigil mo yung mga worries at insecurities mo na 'yan na magmamahal pa ako nang iba, kasi kahit na nasa Canada kami nang tatlong taon hindi naman kita nakalimutan, Xyriel. I'm still with you. Marinig ko lang ang pangalan mo, bumabalik ang lahat-lahat sa akin yung saya, kilig, at even yung sakit. Pero ano pa nga bang magagawa ko na pagmomove on sa'yo, kung binigyan mo ako ng anak na magpapaalala sa akin na minahal kita?" nakita kong natigilan siya.

"You love me?" I nodded my head. I need to give him assurance kasi nagkakaroon siya ng worries and insecurities na baka hindi namin siya piliin sa huli.

"Fuck. Heavens, thank you." he hugged me so tight na feeling ko mapipisat na ako.

"Oh goodness.. Ano bang ginawa ko sa past life ko para maging maswerte ako sa'yo?"

"Hindi ko alam." parang sarkastik ang sagot ko dahil totoo naman, hindi ko alam. Pero hindi naman niya binigyan ng ibang meaning yon kundi tumawa lang siya at hinalikan ako sa noo. Sabay lapit ng kanyang pisngi sa aking kaliwang tainga at may binulong.

"Happy 4th wedding Anniversary, wifey." natuod ako sa aking kinatatayuan, kundi pa ako hinalikan ni Xyriel sa labi ay hindi ako mababalik sa wisyo.

"Xyriel? I'm sor..." hindi niya na pinatapos pa ang sinasabi ko.

"Hussh. It's okay, my love. Alam ko naman ang dahilan pero andito naman ako para ipaalala at batiin ka ng wedding anniversary natin. Hindi mo kailangan mag panic kasi kahit wala ka sa tabi ko nang tatlong taon. I'll always remember this day and celebrate our wedding anniversaries without you." niyakap ko siya ng sobrang higpit to the point na naririnig ko na ang pintig ng puso niya.

"Happy Anniversary, Xyriel. Thank you and I'm sorry."

"Hush, it's okay. Masaya na rin ako na magkasama tayo ngayon. Happy Anniversary, my love." he kissed my head again.

Magkasama kami ngayong tatlo sa room ni Xerena, umiiyak na naman kasi siya nagising siya na wala ako kaya pinanood nalang namin siya ng Ms. Rachel sa kaniyang IPad dahil hindi na siya makabalik pa sa pagtulog.

"I'm thinking na ipasok na sa school si Xerena? what do you think, honey?" natigilan si Xyriel sa paghimas sa buhok ko. Magkatabi kasi kami ngayon, nakahiga kami habang si Xerena nakaupo sa tabi ko at nanonood sa IPad niya. Pinapagitnaan ako ng mag-ama.

"Honey?" nang ma-realize ko kung bakit siya natigilan ay namula rin ako. He swallowed so hard and cleared his throat.

"Of course, my love." he kissed the corner of my lips.

"Daddy, kiss me too." napunta ang attention namin sa anak namin, naka-pout ito ngayon at itinigil ang panonood sa IPad niya. Xyriel chuckled and raised his arms kaya naman tumayo si Xerena at lumapit sa amin, kumandong siya sa Daddy niya at hinalikan siya nito sa pisngi.

"Thank you, Daddy!! Don't kiss Mommy kung wala ako!" she rolled her eyes and bumalik na ulit siya sa pwesto niya at nagfocus sa IPad. We chuckled together.

"Hindi ko alam na may pagka-possessive pala ang anak natin." Xyriel kissed the corner of my lips again.

"Kahit ako rin, ano. Nagulat ako na may ganiyan na side si Xerena but I think dahil nandito ka kasi kasama namin."

"I missed you both so much." he reached my cheek and kissed it. Pinalo ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko dahil baka makita kami ni Xerena magagalit na naman ang anak niya.

"Why?" he chuckled my goodness he's so sexy!

"Makita tayo ni Xerena hindi ba sabi niya don't kiss me without her." bulong ko sapat lang na kami ang makakarinig sa isa't isa.

"Why? Nauna naman kitang baby bago siya."

"Xyriel, sinasabi ko sa'yo marinig ka ni Xerena a."

"I'm just kidding, my love" he kissed my cheek again.

"Balita ko, binili mo raw lahat ng Rights ng pictures ko kay Juancho?" iniangat ko ang kamay ko at inalis ang mga takas na buhok sa mga mata ni Xyriel nagustuhan niya naman ang gesture na 'yon dahil napapikit siya at kinuha ang kamay ko dinala sa bibig niya 'saka niya ito hinalikan.

"Ah yes, that fucker. Ayaw niya pa nga sana dahil nga may gusto siya sa'yo, susuntukin ko na sana kaso biglang tumawa joke lang daw. And then I said, hindi ako nakikipagbiruan. Good thing is binigay niya naman sa akin, binayaran ko siya ng isang million and I make sure na nakabura lahat ng copies na meron siya. Gusto ko ngang bilhin nalang ang laptop niya kaso sabi niya, gago ba raw ako nasa akin na nga ang copies ng mga pictures mo kukunin ko pa laptop niya. Anong magagawa ko what mine is mine." natatawa ako sa kwento, halata kasing until now naiinis pa rin siya.

"So nasaan na ang mga pictures ko?" he grinned.

"In my office, phones, laptops. Niloloko nga ako ng mga ka-shareholders ko para raw akong may sinalihan na kulto but sinabi ko na ganiyan ko ka-mahal ang asawa ko, I can't wait na makilala ka nila ang tagapagmana ng The Madrigal Model Agency." he kissed my cheek again, aba sumosobra na 'to.

"Pero hindi na ako nagmomodel, ano ka ba. Atsaka may anak na tayo"

"Why? wala naman mali, baby. Hayaan mo, I'll help you, okay. Para makabalik ka sa passion mo." I smiled and nodded my head.

"Patulugin na natin si Xerena dahil gusto na kitang ma-solo, no way hindi tayo matutulog dito, ano. Kailangan ng anak natin ng privacy. Shempre tayo rin." He grinned. Pinalo ko ang kamay niya na kumukulit sa loob ng night gown ko.

"Mommy, Daddy I'm sleepy." she yawned and rubbed her little eyes.

"Okay, anak come here." binigay niya sa akin ang IPad niya at dumiretso siya sa Daddy niya para ito ang magpatulog sa kaniya. Wow, Daddy's girl.





A/N* Hi good evening! next chapter mature update na. 🔥👀

My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon