"Mukhang hindi na tayo makakapag-make love ng mas madalas ngayon." sabi ko sa kan'ya habang nasa kotse kami pauwi nasa mansion, tinawagan ni Xyriel yung driver ng mansion hindi ko naman siya kilala dahil nagulat nalang din ako na meron pala kaming family driver.
Ako naman ay tinext ko si Mom na ihatid nalang si Xerena sa mansion at sinabi ko na okay na kami ni Xyriel at inamin ko rin na si Celine ang ka-meet up ko kanina at ang Mommy ay nagalit dahil baka raw na-stress ako ang sabi ko naman I'm fine and we're okay. Gusto niya rin daw ma-meet si Kennedy, tinanong ko nga kay Xyriel ang sabi naman niya baka daw hindi maging kumportable sa akin ang magkita ang parents ko at si Kenny ang sabi ko naman naging Daddy ka pansamantala ng bata kaya bakit ko pagbabawalan? baka nga napamahal na siya sa bata, saka okay na 'yon may makakausap si Xerena na kaedad niya.
Mali ata na sinabi ko 'yon kay Xyriel dahil bigla siyang bumangon sa pagkakahiga sa lap ko, kaya pinalo ko ang balikat niya.
"Why, my love?" nagpout siya ng labi na kinangisi ko naman.
"Why are you laughing? I'm serious I need you every night, my love."
"Xyriel, hindi na nga p'wede baka malamog."
"Alin ang malalamog?"
"Basta, hindi na talaga p'wede pinagbawalan na rin ako." joke lang talaga 'yon, mas masarap nga pasukan kapag buntis sabi sa mga nababasa ko a. Hindi naman niya ako napasukan nung buntis ako kay Xerena dahil nasa Canada kami!
"What? And who the fuck told you that?" mas lalo akong natawa sa reaksyon niya. Magsasalita pa sana siya dahil hindi ako sumasagot, pero napatigil siya sa sinabi ko.
"Buntis kasi ako."
"Buntis ka?" hindi pa nagsisink in sa kaniya ang sinabi ko.
"Yes."
"Baby, we're pregnant." tinuloy ko na dahil hindi na siya nagsasalita nakabukas lang bibig niya pero walang words na sinasabi.
"Fuck. Seryoso ba, love?"
"Oo nga paulit-ulit ka naman!"
"My love, thank you!" bigla niya akong niyakap sa sobrang saya niya, isiniksik niya sa aking leeg ang kaniyang mukha at naramdaman ko na naman na umiiyak na naman siya.
"Don't cry, love."
"Baby, that was my dream. Ang alagaan ka habang nagbubuntis ka. I promise this time I'll make sure na nasa tabi mo lang ako sa buong pagbubuntis mo. Alilain mo ako kahit mahirap ang cravings mo gisingin mo ako ng madaling araw at bibilhin ko 'yon." natawa naman ako sa mga pinagsasabi niya.
"Seryoso ka ba riyan? Si Eli nga hirap na hirap sa mga cravings ko e."
"Yes, baby kahit magpadala pa ako ng tauhan ko sa ibang bansa mabili ko lang ang gusto mong kainin." nag-angat na siya ng tingin sa akin at determinado talaga siya.
"Oo na basta kapag hindi ka tumino aalis ulit kami."
"Please baby don't, hindi ko na kakayanin pa." niyakap niya ulit ako.
"Kailan mo pa nalaman?" nag-angat ulit siya ng tingin.
"Nakaraang araw pa balak ko sana na sabihin sa'yo kagabi kaso nagkagulo."
"I knew it. Halata ko na talaga na may kakaiba sa'yo dahil masama pakiramdam mo kahit na hindi ka naman mainit, madalas din gusto mo lagi akong nakikita at yung isang araw din nakita kitang inaamoy yung hinubad ko na t-shirt." halos mamula ako sa mga pinagsasabi nito, what the fuck nakita niya pala ako.
"Pero baby kahit na gusto mo ako na maghubad sa harap mo gagawin ko kung 'yon ang magpapaligaya sa'yo gagawin ko. Huwag lang yung uutusan mo ako na umalis sa tabi mo kapag naiirita ka please baby, hindi ko 'yon kaya." humiga na ulit siya sa lap ko at hinalik-halikan ang tyan ko.

BINABASA MO ANG
The Unwanted Love
RomansaSi Katana Elouise Madrigal ay may matagal nang pagtingin sa kaniyang kababata na si Xyriel Diego Joaquin, ngunit ayaw sa kaniya nito. Isang problema ang magiging dahilan kung bakit sila magkaka-lapit. Magiging worth it nga ba kung paiiralin niya ang...