Chapter 24

1.4K 24 3
                                    

"I see. So totoo nga ang sabi ni Xyriel may sarili ka ngang jewelry shop. I love everything that in here, right Xyren?" nakita kong tumango si Xyren.

"I'm sorry hija, baka natatakot ka sa amin don't worry anak wala kaming gagawin, itataboy kami ni Xyriel kapag sinaktan ka namin. Kung natatakot ka about sa nangyari dati hindi ka namin sisisihin malaki rin ang naging kasalanan namin sa'yo." si Tito Daniel iyon. Tipid na ngumiti lamang ako, hindi ko sila maintindihan.

"That's true. We're here para sana kunin ka as supplier sa upcoming debut ni Xyren." sabi ni tita Xyna, nagtaas ako ng tingin kay Xyren na ngayon ay nakayuko lang.

"Xyriel's suggested your shop. And para rin daw support sa kaniyang asawa." si Tito Daniel.

"Oh. Talaga po?" nahihiya kong tanong. Asawa talaga, huh.

"Yes. May maisu-suggest ka ba sa amin na p'wedeng maging souvenirs sa debut ni Xyren?" tanong ni tita Xyna na halatang excited.

"M-m-meron po. Sa taas nalang po tayo para mapag-usapan ng mabuti."

"Right. Let's go, darling and Xyren." umakyat kami sa taas para sa mga private customers. Pinaupo ko sila sa sofa, na ang mismong anak naman nila ang pumili.

"Totoo nga, wala kang masyadong binago rito sa shop na 'to." si Tita Xyna iyon habang tumatango-tango.

"Maganda naman na po kasi ang buong shop kaya hindi ko na po nagawang baguhin pa."

"right. Okay I think start na tayo, ano bang maisu-suggest mo, anak?" dali-dali naman akong may binuksan sa ilalim ng table na nasa harapan namin. At nilabas doon ang mga brochures na p'wede nilang pagpilian.

Habang nag-uusap sila mag-anak. Nakatingin lang ako sa kanila at kitang-kita mo yung tuwa sa mga mata ni Xyren at halatang wala siyang napili sa sobrang ganda.

"Ahmm... Ate Katana?" napatingin ako kay Xyren dahil sa pagtawag niya.

"Bakit Xyren?"

"Lahat po maganda, may isu-suggest po ba kayo ang theme ko po kasi ay fairy."

"Sure." tumabi naman ang mag-asawa at ako ang pumalit sa tabi ni Xyren.

"Ang color theme ko po ay violet and blue."

"Pero sure ka na sa earrings for girls and watch for boys?"

"Opo."

"Kung gusto mo na may touch pa rin ng violet and blue together with shimmering p'wede naman natin silang i-customized. I'll send you my ideas via email and kapag naapprove mo ang factory ko sa Canada ang gagawa."

"Sure po, Ate. Thank you po."

"I think we're done. May napili na rin si Xyren. Thank you so much, anak." niyakap ako ni Tita Xyna.

"Salamat, hija. Malaking tulong ka sa amin." si Tito Daniel naman iyon niyakap din ako.

"Walang anuman po."

"Ate Katana." napatingin ako sa likod ko.

"I personally invited you too." inabutan niya ako ng invitation card.

"Really?"

"Opo. Thank you so much. See you soon po." hi-nug niya naman ako at nagpasya na silang umuwi.

Hinatid ko sila hanggang sa makasakay sila sa sasakyan nila.

"Anong meron?" biglang sulpot ni Eli sa tabi ko.

"Eli, magsara na kaya tayo grabe yung harumentado ng puso ko e."

"Totoo ba?"

"Ano ka ba. Malamang hindi." inirapan ko siya, baliw talaga 'to hindi madaan sa biro.

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon