Chapter 12

1.3K 22 0
                                    

Gaya nang sabi niya nasa kitchen kami ngayon. Um-order siya ng sinigang na baboy, giniling, adobong sitaw, at kanin. Tumayo siya at lumapit sa color pink na fridge.

"What do you want for your drink?" pinakita niya sa akin ang laman nito. Mayroon na tubig, can of beer, can of soda, juice, yakult, kape, at gatas.

"Tubig nalang sa akin." he nodded at kumuha ng tubig, at can of soda naman para sa kaniya.
Ready na kami umuwi, inaantay ko nalang siya na may inaayos saglit sa mga files. Nakita ko na nagring ang phone niya at sinilip iyon. Tumatawag si Xyren. I tapped his shoulder tinignan niya naman ako agad.

"Tumatawag si Xyren, honey."

"Answer it." ayaw ko sana pero dahil sabi niya kinuha ko yung phone niya sa lamesa at sinagot ito. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Xyren?"

"Kuyaaaa!!!" boses iyon ni Xyren na sobrang excited.

"Kuya is that you?!"

"Xyren, it's me. Si ate Katana mo, sabi ng kuya mo sagutin ko raw ang tawag mo dahil busy siya."

"Hmmp! I don't need you. I need my brother ibigay mo ang cellphone sa kaniya. Now as in now." I rolled my eyes, as if makikita niya, this bitch talaga lumala ang ugali nang dinala sa States.

"Honey, she doesn't want to talk to me." ibinigay ko ang phone ni Xyriel sa kaniya at nakita ko ang pagbuntong hininga ni Xyriel dahil busy siya at kinukulit siya ng kapatid niya.

"What is it, Xyren? I said fix your attitude right? lalo na kung kausap mo ang ate Kata----" hindi niya na naituloy ang panenermon niya, dahil may sinabi ata si Xyren na kinagulat niya. Lahat nang files na hawak niya ay naglaglagan sa sahig.

"H-honey? what happened? may nangyari ba sa bahay niyo?" agap kong tanong dahil binaba niya na rin ang phone niya at nakatingin nalang sa kawalan. Nakita ko na nagsasalita pa sa kabilang linya si Xyren pero binaba nalang din ang tawag.

"Let's go home." hinawakan niya ako sa braso at agad na naglakad.

"wait! yung mga files mo?"

"Hayaan mo na 'yan, secretary ko na gagawa niyan." hindi nalang din ako kumibo pa bigla kasing naging cold ang awra niya.

Nakarating naman kaming maayos sa mansion ayon nga lang, buong biyahe ay tahimik siya. Hinatid niya pa nga ako sa kwarto ko, buong akala ko pa naman magsasama na kami sa master bedroom dahil isang kwarto lang naman kami sa opisina niya, pero hindi pala.

"Magpahinga ka na." lalabas na sana siya ng pigilan ko siya.

"May problema ba, honey?" mahina kong tanong sa takot na baka magalit siya sa akin.

"Bumalik na siya." ayon lang ang sinabi niya at lumabas na. Ako naman sa kabilang banda tatlong salita lang 'yon pero kilala ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Parang gumuho lahat ng pangarap ko sa mga salita na iyon, sinasabi ko na nga ba panandalian lang ang lahat ng kasiyahan ko. Hindi ako agad nakatulog sa isipin na bumalik na ang babaeng unang minahal ng asawa ko, hindi pa nakatulong na narinig ko ang sasakyan ni Xyriel mukhang pinuntahan niya si Celine ngayon. Yeah, never akong magiging Celine.

Pumasok ako na walang kagana-gana hindi kasi umuwi si Xyriel kagabi. Gusto ko siyang tawagan pero may pumipigil sa akin na, huwag tandaan mo ikaw ang pumasok sa eksena. Tinawagan ko si Eli para sabayan ako sa pagkain namimiss ko na ang luto ni Yaya Lisa kaya nagpadala ako.

"Tana, grabe yung power mo ah. Akala ko nga kanina hindi ako papasukin ng guard kasi nalimutan ko yung gate pass ko. Pero nung nalaman nila na pupuntahan kita pinapasok agad ako. Buti nalang talaga kasi baka pagalitan ako ni mama kung hindi ko ito maaabot sa'yo."

"Salamat Eli, nga pala kailangan mo ba ng allowance?"

"Hindi muna, wala naman akong ginagastusan ngayon na mga school projects. Marami pa akong pera galing sa'yo." natawa siya pagkatapos.
Ngumiti nalang din ako at binuksan ang dala niyang pagkain. Adobong baboy ito namiss ko talaga ito sobra.

"Kain ka lang ng marami kung gusto mo pa ng kanin ako nalang o-order."

"Thanks, Eli." We ate lunch peacefully. Umuwi na rin si Eli, sinabihan ko na bumili siya ng dalawang cake para sa kanila at sa Mom and Dad ko.

Natapos nalang ang klase ko pero walang text galing sa asawa ko kung susunduin niya ba ako ngayon. Mag-isa lang tuloy ako na nag-aantay ng taxi ngayon.

"Hey! why are you here? Hindi ka ba nasabihan ni Xyriel?" napalingon ako sa likod ko.

"Juancho, ikaw pala. Hindi eh, ano bang meron?" tanong ko sa kaniya.

"So, hindi mo alam?" ano bang sinasabi niya?

"let's go to my car, sasabihin ko sa'yo, baka kasi magpanic ka bigla rito." wala sa sariling sumunod ako sa kaniya sa kotse niya na nakaparada malapit lang sa kung saan ako nag-aantay ng taxi.

"So ano 'yon? tell me Juancho." diretso lang ang tingin ko kay Juancho na kakapasok lang.

"Umuwi na si Celine pero..."

"Yes, alam ko umuwi na siya. Pero ano bang meron sa kaniya?"

"Umuwi siya dahil nagka-depression siya. She lost their unborn child, hindi niya alam kasi busy siya na gawin ang passion niya sa modeling at the same time nag-aaral din siya sa Paris. The last thing I heard, he needs Xyriel for her healing." and by that I lost the chance that Xyriel and I still had hope.

"May anak sila?" agap na tinignan ako ni Juancho, he hold my hands at tinignan ko naman iyon dahil anytime babagsak na ang luha ko.

"Yes. Pero huwag kang magalit kay Xyriel, wala siyang alam. Kagabi niya lang din nalaman na nagka-baby sila pagkauwi ni Celine galing Paris. Dumiretso agad sila ng ospital kagabi dahil inaatake na naman si Celine."

"How? I mean bakit pa siya tumuloy sa Paris kung alam naman pala niya na buntis siya?" seven months? For God sake.

"I heard na hindi rin aware si Celine na may buhay sa sinapupunan niya. Four months na nung naisipan niya magpacheck-up at doon nalaman na buntis siya. Balak niya pa sana na i-surprise si Xyriel sa pagdating ng baby nila. Hindi naman ganoon kahalata ang tyan niya, kahit na seven months na 'yon nagmomodel pa rin siya, pero na aksidente siya. Nahilo habang naglalakad sa runway, kaya nalaglag siya sa stage." tama siya balingkitan si Celine so may tendency na maliit lang siya magbuntis. Ang bobo niya naman na naisip niya pa rin ang passion niya at hindi ang unborn child niya.

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito, Juancho?" tumikhim muna siya bago ako sagutin.

"Andon ako kagabi sa ospital kung saan dinala si Celine nung inatake siya. Nahilo kasi ako bigla at humingi ng medicine sa ospital. At nakita ko rin ang asawa mo nagmamadali. Kaya akala ko alam mo, until now nando'n pa rin siya."

Nagpahatid nalang ako sa mansion, ayaw sana akong iwan ni Juancho pero sabi ko kailangan niya rin magpahinga. I didn't cook nor order foods wala rin kasi kaming helper kapag gabi kaya mag-isa lang ako ngayon, wala akong gana nasa kwarto lang ako at nakatingala sa bintana, umaasa na uuwi si Xyriel at ieexplain niya ang lahat sa akin. Siguro naman deserve ko malaman 'di ba? I'm his wife after all. Papikit na sana ako nang marinig ang pamilyar na tunog ng kotse na iyon. Agad akong lumabas ng kwarto at sinalubong si Xyriel na nagmamadali na pumasok sa kaniyang kwarto at kumuha ng isang bag at kumuha ng mga damit.


*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon