Chapter 4

1.4K 24 1
                                    

"Nilalayuan mo ba ako?" tignan mo 'tong baliw na 'to sinundan ako hanggang studio kung saan ako may school photoshoot. Hindi ko siya sinagot.

"Katana, nilalayuan mo ba ako?" pag-uulit niya kaya hinarap ko na siya.

"Stop calling me Katana, wala kang karapatan at hindi tayo close." umalis na ako sa harapan niya at iniwan siyang nakalaglag bahagya ang panga dahil sa gulat.

It's been one month, hindi ko na talaga pinansin pa si Xyriel gan'on din siya sa akin pero madalas ko pa rin siyang makita na binabantayan ako from a far. Busy din ang Mom and Dad ko lately, madalas ay ako nalang mag-isa ang kumakain.

Kasalukuyan akong nag-aayos para maghanda na sa pagtulog nang biglang kumatok si Mom.

"Darling?"

"Yes, Mom?" I kissed her cheek nung lumapit siya sa akin.

"I have a good news for you." I pouted my lips.

"Ano 'yon, Mom?"

"Yung engagement ni Xyriel and Celine, hindi na itutuloy pa." she smiled widely, while me napatulala.

"What?"

"Yes! You heard it right. Xyna, contacted me last night, and she still considering my offered to her the last time that we talked. See, the universe is making a way for your happiness, darling. And us, as your parents will do everything for your happiness." I don't know how to react. I should be happy, right?

"Nalaman ko rin na si Xyriel may chance na pumayag dahil na rin nakailang pakiusap na siya kay Celine na balikan siya at ayusin nila ang lahat ng ito. Pero si Celine ang ayaw, I heard that she will be leaving for Paris today, dahil doon magpu-pursue ng passion niya sa modeling. Are you not happy?"

"I don't know, Mom. I want to marry someone who loves me and wants me. I don't want to be forced."  napayuko ako.

"But anak, kailangan tayo ng pamilya nila. Kailangan nila ng shareholders sa Joaquin's Media Corporation. At yung shares ko na ibibigay sa kanila ay malaking tulong na iyon para maisalba ang company nila sa bankruptcy. Besides, napag-aaralan naman ang pagmamahal, anak. You know that your Daddy and I also come from an arranged marriage. It works, that's why we had you." She kissed my forehead. Mommy's right. And Xyriel won't treat me wrong because my family helped them a lot.

"Graduation na ni Xyriel, next month ipapasa na sa kaniya ang company ng parents niya. At yung youngest sister naman niya ay babalik na rin galing States."

"Si Xyren?"

"Yes. Kailangan kasi siya na turuan ni Xyriel sa pagma-manage ng business nila."

"What about me, Mom? Why did you let me take Psychology and not the same as Xyriel knowing that we also have a business? Do I have any other siblings?" She laughed so hard.

"Mahalaga ba iyon, anak? simple lang, kasi ayaw mo. Hindi namin gusto ng Daddy Louis mo na ipilit ka sa mga bagay na ayaw mo. Kasi lumaki rin kami sa gan'on. Lumaki kami na hindi namin nagawa ang mga bagay na gusto namin. Kaya napagpasyahan namin na kapag dumating sa point na ayaw mong i-handle ang negosyo natin, okay lang." She wiped my tears again. My Mommy.

"Sino pong magha-handle ng company natin?"

"Maghahanap pa ba tayo ng iba? Para saan pa kaya nga gusto namin na maging son-in-law si Xyriel, kasi alam ko na kayong dalawa kaya niyo mapatakbo ang negosyo ng bawat pamilya. Hindi man namin ibibigay ang pangangalaga ng company sa'yo, anak. Nakapangalan naman sa iyo ito. Iyong-iyo iyon lahat. Kailangan lang natin si Xyriel, at ikaw bilang asawa tutulungan mo siya para maging successful ang mga business natin."

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon