Chapter 17

1.5K 26 0
                                    

Habang nag-iisip ako ng next design ko for jewelries, nakatanggap naman ako ng text galing kay Mom.

Mommy Katrina.
"Pupunta kami riyan, mag-i-stay kami hanggang sa graduation ni Elisha, miss na miss ko na rin ang beautiful Xerena ko."

Ang akala ko ay iyon lang ang text niya, may kasunod pa pala.

"Anak, baka gusto mo na umuwi rito sa Pilipinas? Hindi na kami pabata ng Daddy mo, kahit ayaw sabihin ng dad mo pero gusto niya na nandito kayong dalawa ni apo. Tuwing hapon sa kwarto mo siya natutulog dahil nando'n pa rin ang amoy mo at miss na miss ka na. Sana mapag-isipan mo anak ko. Miss ko na kayo ni Xerena."

The same thing na sinabi ni Eli sa akin kagabi. Wala sa sariling napatingin ako sa anak ko na busy sa IPad niya. Ang daming what if sa utak ko. What if magkita kami? What if magalit siya dahil tinago ko na may anak kaming dalawa?

Katana.
"Pag-iisipan ko po, Mommy. Napag-usapan na rin po namin ni Eli ang about dito. Pagdating niyo po rito sa Canada tayo naman po ang mag-usap. We missed you too, Mommy. I'll call Dad later para kumustahin siya."

Iyon nalang ang ni-reply ko, ayaw ko naman kasi sila umasa. Naisip ko rin ang kompanya, matanda na si Daddy nahihirapan na siya for sure sa pagpapatakbo rin no'n.

Maya-maya pa ay kumatok na si Ali, naka-alis na raw ang client. Lumabas naman na kami ni Xerena at pinagsaluhan naming apat yung binili ko para sa lunch namin.

"Big time po itong client natin, ate Katana. Ipang-gi-give away daw po kasi yung mga jewelries na bibilhin sa'tin sa Wedding Anniversary daw po ng parents niya sa Pilipinas." ani ni Zia bago kumagat sa chicken.

"Wow. Ang galing naman talagang dito pa sila sa Canada tumingin ng pang-give away ah."

"Ang sabi po nung client na-search niya raw po ang shop niyo tapos sakto naman na andito rin siya sa Canada kaya pumunta na siya para makita, at parang na-convince ko po siya mukhang kailangan na natin kausapin ang factory natin para gumawa ng maramihan. Big client po ito." napatango naman ako at napatingin sa paligid puno ng mga jewelries ang buong shop. Sobrang ganda sa paningin dahil kumikintab.

"Kung gan'on may napili na ba siya?"

"Opo. Sa katunayan po nag-down payment na siya. Halos kalahati ng babayaran niya sa atin." napanganga ako ro'n.

"Wow! Talagang desidido siya sa shop natin, well kailangan na natin sabihan sila George at ang factory for sure wala silang tulugan sa paggawa." natatawa kong komento.

Kinabukasan na ang graduation ni Eli, parang kailan lang hinahatid namin siya ni Xerena papasok ng school ngayon naman ay lahat kami papasok sa loob ng school kasama sila Mom and Dad at ang mga magulang niya, dahil bukas na bukas ay graduation na ni Eli. Tuwang-tuwa nga siya na dumating ngayong araw ang mga magulang niya kasama sina Mom and Dad. Ngayon ay nagpapahinga silang tatlo sa kwarto ni Eli.

"Hindi pa ba gigising si Xerena, anak?" tanong ni Daddy habang nasa kitchen area kami nagluluto kasi ako ngayon para sa dinner namin. Excited na excited siya na magising si Xerena, tulog kasi ito dahil sinanay ko na matulog sa tanghali.

"Maya-maya po Daddy, magigising na 'yon." nakita ko ang paghaba ng nguso niya, cute talaga ni daddy.

"Halos tatlong oras na nung dumating kami rito, hindi pa rin nagigising ang apo ko." pagkatapos sabihin ni Dad 'yon, sumigaw naman si Mom.

"Darling! Gising na si Xerena!" masayang sabi ni Mom, dali-dali naman na umalis sa kusina si Daddy nakakatuwang makita na sobrang mahal na mahal nila ang anak ko.

"Gwandma. Gwandpa." nakita ko na nagpalakpakan ang mga magulang ko nang sabihin iyon ni Xerena karga siya ngayon ni Mom at kinakausap siya, nakaupo sila sa sala.

"Apo ko. Napakaganda mo talaga." inilapag ko sa table na kaharap nila na may bote ng gatas ni Xerena. Nakita kong pinugpog ng halik ni Mommy ang anak ko.

"Mabuti nalang talaga na sobrang ganda ng Mommy mo at sobrang pogi ng daddy mo, kaya napakaganda mo rin aking apo." ani ni Daddy kaya napatingin kami ni Mom sa kaniya.

"Oops. Sorry totoo naman, anak. Isa ito sa mga pinagpapasalamat ko mabuti nalang gwapo siya, sobrang ganda ng naging combination niyo." nakita ko ang pag-irap ni Mom sa sinabi ni Dad.

Speaking of Xyriel, kumusta na kaya siya? Never akong nagtanong sa mga magulang ko about sa kaniya, kahit na alam ko naman na may idea sila sa ginagawa ngayon ng Daddy ni Xerena.

Kinabukasan, maaga kaming pumunta ng school ni Eli, excited na excited siya. Nakabihis din kaming lahat ang Mom and Dad ko proud na proud sa narating ni Eli, gan'on din naman ang mga magulang ni Eli. Kagabi nga halos ayaw na kami patulugin ng mag-asawa kaka-pasalamat.

Hindi naman naging matagal ang ceremony dito, pagkatapos nito ay kakain kami sa labas treat daw ng mag-asawang Salazar dahil nakapagtapos na ang unica hija nila.

"Congratulations, Elisha Anthoneia Chavez, cumlaude!" bati naming lahat sa kaniya pagkatapos nilang kunan ng litrato nang matapos ang Ceremony.

"Tata, congwatulations." bati ng anak ko na nasa stroller.

"Ay ang cute. cute. naman ng baby namin na 'yan, kiss tata nga." agad naman siyang hinalikan ng anak ko sa pisngi.

"Yieee. Kilig tata baby Xewene!" pang-gagaya niya ng pronunciation sa anak ko na bulol sa "r".

"Tara na po Ma'am, Sir kain po tayo sa labas sagot po naming mag-asawa, munting pasalamat lang po namin sa lahat ng naitulong ninyo sa pamilya namin, lalo ka na Katana." ani ni yaya Lisa.

"Walang anuman, Yaya Lisa. Malaki rin naman po ang naitulong ni Eli lalo na sa akin."

"Hay naku Lisa, Tonyo kahit magpasalamat pa kayo ng paulit-ulit. Malaki rin ang utang na loob namin sa pamilya niyo." ani ni Mommy na natutuwa rin.

Hindi regular na kotse ang dala ko, ginamit namin ang van ko para magkasya kaming lahat. Katabi ko si Eli sa passenger seat, sa likod naman sa pangalawang upuan nakaupo sila Mom and Dad, hawak ni daddy si Xerena na nakatulog dahil sa labis na pagod. Sa pinakadulo naman ang mga magulang ni Eli. Pumunta kami sa isang pinakamalapit na mall, para i-celebrate ang graduation ni Eli. Gaya nang napag-usapan hindi ako pumayag na lahat ng bill ay akoin ng mag-asawa. Ang pinabayad ko lang sa kanila ay yung cake ni Eli dahil sila ang nag-insist, pumayag na rin ako.

Hinayaan muna namin na umalis ang pamilya, inabotan ko rin si Eli ng pera ang sabi ko ilibot niya ang mga magulang niya. Kami lang ang natira sa bahay.

"Anak, napag-isipan mo na ba ang pagbalik ng Pilipinas?" tanong ni Mommy kaming tatlo ay nakaupo ngayon sa sala, habang karga ko naman si Xerena na kasalukuyang sumususo sa akin.

"Opo. P'wede po ba na bigyan niyo muna ako ng time kapag naopen ko na po ang isang branch ko sa Toronto at naisaayos ko na ang lahat, Promise Mom and Dad uuwi na po ako."

"Anak, kung pinag-iisipan mo na magbukas din ng branch sa Pilipinas p'wede naman nating i-partnership ang agency natin at ang jewelry shop mo, mapo-promote natin lalo ang mga gawa mo, mas papatok 'yon." suhestyon ni Dad. Wala sa sariling napatango ako.

"At isa pa, hanggang kailan mo itatago si Xerena?" si Dad naman ngayon.

"Honey, nasa kay Katana na iyon kung itatago niya o hindi si Xerena, siya ang may karapatan kay Xerena." saway ni Mom kay Dad. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata ni Dad.

A/N*  Daddy Luis niyo oh, boto sa Daddy ni Xerena.

*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon