"Ah gano'n hini-hindian mo na ako? Tignan natin kung maging kahawig mo pa ang anak natin kaka-no mo sa akin." inirapan niya ako. Akala niya ata ay hindi ko siya nakita kanina na busy mag-search kung saan namin dadalhin si Xerena.
"I was kidding, my love. My baby wants, my baby gets." I kissed her cheekbone.
"Love, bayad daw." she pouted. She's so cute I want to kiss her lip.
"Bakit hindi ka kumakain?" tanong niya sa akin. Kagandahan mo palang busog na busog na ako.
"My love, makita lang kitang kumain busog na ako." mas lalo niya akong pinaningkitan ng mga mata niya.
"Siguro kaya mo ko hinahayaan na kumain nang kumain para kapag tuluyan na akong tumaba iiwan mo na kami at hahanap ka na ng ibang babae yung mas sexy." inilapag niya yung burger sa irita at inirapan ako. Oh my jealous baby.
"My love, hindi ko gagawin 'yon. Tatlong taon kitang inantay na bumalik kaya wala na akong iba pang nakilala na babae na mas worth it sa'yo." inirapan niya ulit ako bago kumain ng burger.
"Siguraduhin mo lang." grabe talaga magselos ang cute.
"Oh my baby." hays Katana why you're so cute?
Tinaga ko talaga sa bato na lalaki na ang baby namin dahil ayaw ko na sundan pa. Wala naman akong problema sa mga cravings niya kahit ano pa 'yan bibilhin at gagawin ko maubos pa pera ko. Naaawa lang ako sa kaniya sa tuwing nagigising siya ng madaling araw at umiiyak dahil nasusuka siya. Kaya mas pinipili ko nalang na mgtrabaho sa bahay dahil maselan ang pagbubuntis niya.
"Baby boy!!!" sigaw ko.
"Xyriel!" natatawa niyang sigaw dahil binuhat ko siya sa sobrang tuwa.
"Thank you, my love!" binaba ko na ulit siya at pinaulanan ng halik sa buong mukha.
"I love you!" ani niya.
"I love you too!" I kissed her again.
"Xylo Kirsten, napakaganda ng pangalan." ani ni Tita Tess.
"Asawa ko po ang nagpangalan." sagot niya. Bukod sa ako ang gumawa kay Xylo ako rin nagpangalan.
"Alam ko. Excited na excited siya magfill up kanina ng name ni baby." tumingin siya sa akin at ngumiti.
Isa lang na-realised ko sa mga oras na ito ang contentment. Masaya na ako na ganito nandito ang buong pamilya ko kumpleto kami. May babae at lalaking anak ako, at napakagandang asawa. Sobrang sarap tignan sa mga mata na andito silang lahat sa tabi ko. Hinding-hindi ko na talaga sasayangin pa yung pagkakataon na ibinigay nila sa akin. Hindi na talaga. Kahit magsawa ka pa sa pagiging clingy ko Katana, habang buhay ka ng akin.
Kakatapos lamang ng 1st birthday and binyag ni Xylo siguro ito na yung tamang oras para mag-propose alam kong late na ako sa mga ganitong bagay, pero nasa isip ko walang late kung mahal mo talaga yung tao.
"Xyriel..." naluluhang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Sorry for doing this now unexpectedly... hindi ko na kasi kaya pa ipagpa-bukas. This is not a question but a statement, Ma'am." kaya natawa siya.
"Katana Elouise Madrigal-Joaquin, marry me again." at saka kk isinuksok sa ring finger niya yung engagement ring na may malaking diamond, matagal na itong nakatago sa akin nagpaplano palang kami para sa celebration ng birthday at binyag ni Xylo. Kinausap ko na ang mga magulang niya at magulang ko about sa pagpapakasal namin sa simbahan hindi nila ako tinutulan bagkus naging masaya pa sila sa naging desisyon ko.
"Alam mo naman na kahit hindi mo na ito gawin di ba? kasal naman na tayo." umiling lamang ako.
"No baby, gusto ko pa rin na ikasal tayo sa harap ng Diyos at aware rin ako kung gaano kahalaga ang kasal para sa mga babae. Kaya mahal, marry me again please." para akong baliw na nagmamakaawa rito alam ko naman na tatanggapin niya ito pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.
"Oo naman, Xyriel Diego Joaquin kahit hindi ka na magpropose papakasalan pa rin kita, Thank you I'm so happy, love." niyakap niya ako gano'n din ako sa kaniya.
"Thank you for marrying me again, but this time infront of Jesus, our kids, family, friends, and world." after I said that, I kissed her passionately and after that we made love that night. Iba pala ang feeling kapag engaged tapos nag-make love.
And now, walking down the aisle, the most beautiful bride that I have ever seen. Umiiyak siya habang papalapit sa akin kaya naman hindi ko na rin napigilan din ang emosyon ko. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang dalawang anak namin hawak si Xylo ng Nanay Lisa niya, samantalang hawak naman ni Eli si Xerena. Tuwang-tuwa ang mga ito lalo na nung makalapit na sa akin ang mahal ko. Pinunasan ko ang luha niya, humarap siya sa gawi ng mga anak namin at nagflying kiss nagpalakpakan naman ang mga tao.
"You're so beautiful." hindi ko mapigilan na ibulong sa kaniya.
"You're so beautiful too, Love. Thank you for marrying me."
"Para sa'yo gagawin ko lahat." ani ko.
"You may now kiss the bride." dahan-dahan kong inangat ang kaniyang veil at pinunasan muna ang mga takas na luha niya saka ko hinawakan ang mga pisngi niya at hinalikan. It was a passionate kiss wala na kaming pakialam nung sinasaway na kami ni Juancho na nasa simbahan kami. Mabuti nalang si Katana na ang bumitaw kung hindi baka hindi na kami natapos. Nagtawanan ang mga tao dahil doon. I mouthed sorry sa crowd lalo nasa mga magulang namin. Xyriel kasi naman hindi malugar ang kalandian.
Binalik ko ang tingin ko kay Katana at nakita ko na naman siyang umiiyak.
"My emotional wifey." pinalo niya ng mahina ang kamay ko kaya natawa naman ako saka ko siya ulit hinalikan dahil nagrequest ang crowd.
Kahit na ipanganak pa tayo nang paulit-ulit sa iba't ibang panahon, sa'yo at sa'yo pa rin ako magpapakasal at bubuo ng pamilya, mahal na mahal kita my Katana Elouise Madrigal-Joaquin.
The End.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love
RomanceSi Katana Elouise Madrigal ay may matagal nang pagtingin sa kaniyang kababata na si Xyriel Diego Joaquin, ngunit ayaw sa kaniya nito. Isang problema ang magiging dahilan kung bakit sila magkaka-lapit. Magiging worth it nga ba kung paiiralin niya ang...