Chapter 3

1.3K 23 0
                                    

"Nandito ka rin pala." na patingin ako sa gilid ko. Kung minamalas nga naman talaga.

"Yes, and may problem ka ro'n?" taas  kilay kong tanong sa kaniya.

"Wala naman. I'm glad you're here, actually." natigilan ako ro'n, baliw ba 'tong si Xyriel ikakasal na pero ang landi. Wait is he flirting with me?

"Xyriel, I just want to say na I don't like the idea na maging kabit mo, kaya p'wede ba stop flirting." he laughed sarcastically.

"Me? flirting? whom? you?!" tumawa ulit siya. Nainsulto ako bigla sa tawa niya. Sa totoo lang ang pogi ng tawa niya sobrang lalim ng mga boses niya paano kaya siya kapag umuungol? huy.

"I'm sorry kung gan'on yung dating sa'yo. I know you're pretty pero mas maganda pa rin ang Celine ko. She's so kind unlike you. I know that you like me, so now stop your feeling towards me, because I don't like you." seryoso niyang sabi na parang may pinalidad na dahilan kaya nag-init ang dulo ng mga mata ko.

This bitch? How? all this time ako pinupuri ko siya sa isip ko, pero ganiyan pala ang iniisip niya sa akin?

"Ooh... Who told you that? Hindi kita gusto. Assumera ka naman." maang-maangan ko pero ang totoo niyan, naiiyak na ako.

"really?" he smirked na kinainsulto ko.

"Yes!" muntik na akong pumiyok, please layuan mo na ako gusto ko nang umiyak ngayon.

"K." bumaling siya sa harapan niya dahil parating na ang bulto ni Celine.

"Baby." he kissed her cheek.

"Baby naman magkasama naman tayo, so stop kissing me." natatawang sabi naman ni Celine rito.

"I apologize. I can't help myself you're so beautiful tonight." he laughed again but this time out of joy. I left them there, hindi ko na hinayaan pa na kausapin ako ni Celine.

I didn't contact Kuya Ton and Eli, hindi rin ako nagpaalam kay Mom and Dad na umuwi na ako. Hindi ko na kaya sobra akong nasasaktan. Tanginang happy crush kasi na 'yan umabot ng isang dekada. Ayaw nga kasi sa'yo ng tao Katana Elouise Madrigal, stop na.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mansion. Iyak ako nang iyak pagka-uwi ko ng mansion, kahit si Yaya Lisa nagtataka kung bakit mag-isa ako na umuwi. Pagagalitan niya panigurado ang mag-ama niya dahil hindi nila ako kasabay. Magso-sorry nalang ako sa kanila kapag okay na ako.

"fuck you, Xyriel Diego Joaquin! Hindi lang naman ikaw ang gwapo sa mundo!" sabi ko sabay punit ng picture niya na nakadikit sa vanity mirror ko.

Maya-maya pa narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Mommy. Ready na ako sa mga wrath niya, pero wala ni-isang lumabas sa bibig niya bagkus awa lang sa mga mata niya. Marahil nakita niya kung gaano kapula ang buong mukha ko dahil sa kaiiyak. Nakabihis na ako ng pantulog, ready na ako na itulog nalang ang sakit.

"Anak." she came to me and hugged me and because of that I cried again.

"Mommy!" para akong bata na inagawan ng laruan dahil sa iyak ko.

"Ssshh. Go on cry, my baby. Mommy's here." pag-aalo niya sa akin kasabay ng paghahaplos niya sa buhok ko.

"Mommy, I hate him so much!" I hugged Mom very tightly. No one can take away my pain, not unless I release it myself.

"Ssshh... I know everything, anak. I know. I tried my best to make Xyna and Daniel marry their son to you. Since Xyriel and Celine broke up. But they don't want to agree, they also think differently about you, Anak." dahil do'n napatingala ako sa kaniya.

"You tried?" nakanguso kong tanong.

"Yes. Alam ko naman na kahit hindi mo hilingin, alam kong gusto mo siya. To be honest me, and your Dad, we talked to them last time. I even offer my own shares in our company to them. They will only consider our offer. I told them that we should do an arrange marriage. They thought about it, they talked with Xyriel. Pero si Xyriel ang may ayaw. He really loved Celine. Nagkabalikan sila kaagad, and we can't do anything about that, Anak." lalo akong napa-iyak. So gan'on kalala ang pandidiri sa akin ni Xyriel? He even rejected me two times.

"I'm so sorry, darling. We don't know kung paano ka namin mapapasaya, at sobrang sakit sa'min ng Daddy mo na makita ka kanina na naririnig ang rumors about sa engagement nila." she wiped my tears. So aware sila Mom and Dad?

"But Mom, can I ask you something?" tumigil naman na ako sa kakaiyak pero naroon pa rin ang hikbi.

"Sure, darling. Ano 'yon?"

"Sabi ni Xyriel, inutusan niyo raw siya na bantayan ako sa school?" napabuntong hininga si Mommy.

"Yes. Para lang sana baka magbago ang desisyon niya at mabigyan ka niya ng chance, hindi iyong palagi niya lang na nakikita ang napapansin niya sa'yo. You're kind, anak. Bakit hindi ba siya naging nice sa'yo?" I just shrugged, hindi na sumagot tho naging mabait naman siya.

"Gusto mo bang lumipat ng school?" she wiped my tears ulit. Umiling lang ako.

"No, Mommy. It's okay. Kung ayaw sa atin, ayaw sa atin. Hindi na po ako magpapakita ng motibo sa kaniya." She smiled sadly, me too.

Kinabukasan, maaga akong pumasok, ayaw ko kasi na makita niya na naman ako sa hallway at sasawayin niya ako. Ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kaniya. Wala akong friends bukod kay Eli na sa ibang school naman nag-aaral. Kaya normally ang kamalditahan ko lang talaga ang pumoprotekta sa akin dito sa school na 'to. I'm here because of Xyriel, oo na bobo na ako sinundan ko siya, mahal ko eh. Kaso ayaw ko naman umalis ng dahil sa kaniya baka sabihin niya OA ako, wala naman something sa aming dalawa.

Naging ganoon lang ang everyday routine ko nakikita ko siya pero tinitignan niya lang ako mula sa malayo, na halata niya siguro na I don't want to talk to him nor see him. Talagang pinanindigan niya yung pakiusap nina Mom and Dad na bantayan ako. Wala ba siyang class? Sabagay, SSG President nga pala siya, at trabaho niya ang ganito. Pero sana generalized niya naman ang pagbabantay, huwag lang ako palagi.



*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon