Chapter 16

1.9K 28 5
                                        

Yes, I left the country where I grew up. I have left the management of Xyriel and left the Annulment paper to daddy. It's up to him if he doesn't sign it. I will not use his surname.

Three years have passed, I gave birth to our beautiful daughter my Xerena Khandria Madrigal, she is two years old and turning three soon.

Naging busy ako sa Canada, tulad ng napag-usapan isinama ko sa akin si Eli siya ang naging kanang-kamay ko sa pag-aalaga kay Xerena, hindi na ako nagtapos pa ng college dahil itinuon ko kay Xerena at sa jewelry shop ko ang aking attention. Si Eli ang hinayaan ko na makapag-aral dahil sa kagustuhan niya na makapagtapos talaga, with the help of my parents ini-enrolled siya sa malapit na university dito sa amin at ngayong taon na rin ang kaniyang graduation.

Lilipad pa-Canada sila Mom, Dad at ang kaniyang mga magulang. Katulong ko rin sa pagpapalago ng aking negosyo ko si Eli pati yung mga filipino rito na mga naging kaibigan ko na rin sina Zia at Ali. Madalas hinahayaan ko sila na mag-asikaso ng shop ko kapag wala ako dahil busy sa kay Xerena at bahay.

Hindi naman ako nagsisisi na kinuha ko sila bilang mga helpers ko dahil malaki rin ang ambag nila para sa mga ideas ko. Naging successful naman ang business ko at ngayon ay magbubukas na kami ng another branch sa Toronto naman at si Ali ang ipapaasikaso ko ro'n dahil taga-Toronto siya, malaki ang tiwala ko sa kanilang lahat kailanman ay hindi nila ako niloko tuwing gabi pagkatapos magsara ng shop ay pinapasa talaga nila sa akin ang sales buong araw at ang mga tip na nakukuha nila mula sa mga customers, grabe lang ang kanilang pagiging transparency sa lahat ng bagay.

Kasalukuyan ako ngayong naghahanda ng almusal namin. Si Eli naman inaayusan si Xerena. Gumagawa ako ng tortang talong, sinasanay ko si Xerena sa mga gulay napaka-arte kasi ng bata na 'yan, wala ng dapat 'pang sisisihin kung kanino siya nagmana, Oo na sa akin na. Combinations siya namin ni Xyriel. She got my hair long and wavy brown, my white skintone, my pink smooth lips, and my attitude. While she got Xyriel's eyebrow, long-eyelashes, hazel brown eyes, and pointed nose. Hindi ko maipagkakaila na sobrang ganda ng anak namin sobrang perfect niya kahit saan mo tignan.

"Andito na kami." dumating na galing kwarto si Eli buhat-buhat ang anak ko. Nakasuot siya ng pink dress at nakasaklop din ng maayos ang kaniyang mga buhok na may malaking ribbon na nakalagay dito. Nakakatuwang tignan dahil paborito ni Xerena ang color pink, kanino pa ba siya magmamana? wala naman atang choice ang anak ko pagkasilang niya palang sa mundo at pagdilat ng kaniyang mga mata color pink na ang kaniyang naabutan. Kaya nag-iinarte siya kapag hindi pink ang gamit niya.

"Good morning, my baby."

"Mowning, mommy." she can talked at the age of two, pero hindi naman gaano kagaling, nagtatagalog din siya. Mapa-tagalog o english ayon bulol sa "r",  napaka-cute lang ng boses ng anak ko kapag nagsasalita siya.

"Eli, akin na muna siya. Ikaw na ang mag-tuloy sa pagluluto, ibe-breastfeed ko siya." every morning at bago matulog pinapa-breastfed ko siya, utos kasi ng pedia na hangga't gusto ng bata na dumede sa ina at may gatas pa naman ako na naipo-produce, papadedein ko siya.

Huwag daw ako makinig sa mga karen sa paligid na nagagalit kapag nagpapa-breastfed, yes may kalakihan man si Xelena but still two years old palang siya at kailangan niya pa rin ang nutrition na galing sa akin. Sinabi rin sa akin na p'wede siyang kumain ng solid foods kaya bina-balance ko ang pagpapadede at pagpapakain sa kaniya ng tunay na pagkain.

"Okay." ibinigay sa akin ni Eli si Xerena nakita ko ang paglundag-lundag ng anak ko. She's always like that. Palaging excited kapag Mommy ang usapan.

"Hi baby." agap ko siyang binuhat.

"Mommy! Mommy!" nakita ko ang paghila ni Xerena sa damit ko, gutom na gutom na talaga ito.

"Okay, calm down, anak. Uupo lang si Mommy." pagka-upo ko sa high-chair tinaas ko na ang damit ko at nagmamadaling ipinasok ni Xerena sa kaniyang bibig ang aking nipple, at nagbuntong-hininga pa nga na parang finally nakasipsip na siya, parang hindi naman kita pinapadede, anak.

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon