"Katrina, listen. You too, Katana." umayos ako nang tayo at talagang iintindihin ko si Dad, hindi niya gagawin ito na walang dahilan.
"Ginawa ko 'yon dahil ang nasa isip ko si Xerena. Kung hindi ka maghahanap ng magiging asawa Katana, gawan mo nang paraan na maging okay kayo ni Xyriel, hindi para sa'yo kundi para sa apo ko." maawtoridad na sabi ni Daddy.
"Kung sa tingin mo papayag ako na lalaking walang ama si Xerena nagkakamali ka, anak. Sobrang precious ng apo ko para sa akin mahal na mahal ko si Xerena, kaya gusto ko na maranasan niya na lumaki na buo ang pamilya." hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Daddy, bakit hindi ko agad naisip 'yon? Bakit wala sa plano ko ang anak ko?
"Hindi ko hahayaan na maranasan niya ang broken family. Akala mo ba Katana, perfect kami ng Mommy mo noong nagsisimula palang kami?" nakita ko sa tabi ko na biglang napayuko si Mom na animo'y nakokonsensiya.
"Bakit Dad what happened?"
"Katrina, sorry Darling pero kailangan natin sabihin ito sa anak natin." parang humihingi ng pahintulot si Dad kay Mom.
"It's okay, Darling. Dati pa naman 'yon. Mahal na mahal na kita ngayon." tumikhim si Daddy at binigay ang buong atensyon niya sa akin.
"Gaya nang sabi ko sa'yo bunga rin kami ng arranged marriage ng Mommy mo. Ipinagkasundo ako ng mga lolo't lola mo sa Mommy mo. Dahil ang Mommy mo na ata ang pinaka-stubborn na babae na nakilala ko." napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo nasa bench siguro ayaw niya na rin maalala yung mga sasabihin ni Daddy.
"Alam mo ba na tatlong beses akong iniwan sa ere ng Mommy mo?" hindi naman tonong galit si Daddy parang nagkukuwento lang talaga siya.
"Una sa kasal namin, pangalawa sa honeymoon namin sa Canada, pangatlo nong pinagbubuntis ka niya."
"Darling, huwag mo na kayang ikwento?" si Mom iyon na nagmamakaawa. Tumayo si Mommy at pumunta kay Daddy. Aba't talagang sa lap pa siya ni Daddy umupo. Wow ang landi ng mga magulang ko, hindi naman na bago sa akin ito. Ever since ganiyan na sila kaharot sa harapan ko. Nagfe-french pa nga sila sa harapan ko dati ihahatid lang naman ako ni Daddy sa school. Akala mo naman aalis ng bansa si Daddy.
"It's okay, Darling. Hindi mo naman na ako iiwan ngayon 'di ba?"
"Of course, I love you." they even kissed. Oh my goodness!
"Anong tingin 'yan, Katana? Huwag mong sabihin na nandididiri ka, nagka-anak ka na." I rolled my eyes dahil sa sinabi ni Mom. Mukhang kay Mom ko nakuha talaga ang ugali ko.
"Dad, please continue."
"Okay. Me as a business tycoon kaya pinagkasundo kami ng Mom mo. Na yung Mommy mo dati sobrang daming boy toy." halos mapasinghap ako sa nalaman, hindi naman na ako magtataka kasi kahit ngayon naman na nasa 43 na si Mommy ay napakaganda niya pa rin, same kay Daddy. Yes, they had me in their 20s.
"Hindi ka makapaniwala, ano? gan'on ang Mommy mo dati. 25 years old palang ako pero parang puputi na ang buhok ko dahil sa konsumisyon sa Mom mo." 48 na si Dad. 5 years ang tanda ni Daddy kay Mommy.
"Kung saan-saan ko siya hinahagilap lagi, hindi ko tinigilan ang Mommy mo dahil aminado naman ako na gusto ko rin siya."
"And the idea na maipakasal ako sa kaniya, I grab the opportunity. Pero hindi iyon naging madali. Ghinost ako ng Mommy mo sa kasal namin. Andon siya kasama ng boyfriend niya that time."
"Darling, kailangan pa ba ikwento 'yan?" si Mom iyon habang nakakapit at nakasiksik sa leeg ni Dad.
"Ikaw Mommy ah, bad bitch ka pala talaga dati. Pinapahirapan mo ang Daddy ko?!" tinarayan lang ako ni Mommy si Daddy naman natawa lang.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love
RomanceSi Katana Elouise Madrigal ay may matagal nang pagtingin sa kaniyang kababata na si Xyriel Diego Joaquin, ngunit ayaw sa kaniya nito. Isang problema ang magiging dahilan kung bakit sila magkaka-lapit. Magiging worth it nga ba kung paiiralin niya ang...