Chapter 10

1.4K 18 0
                                    

I felt someone open my bedroom door. It slowly walked to my bed. Pinikit ko ang mga mata ko katamtaman lang sapat para isipin niya na tulog na ako.

"I'm sorry." rinig kung bulong niya sabay halik sa noo ko. Pagkatapos no'n ay lumabas na ulit siya. Napatayo ako sa gulat. Is he saying sorry to me?

Kinabukasan, wala akong pasok ngayon at dahil gusto ko mag-inarte sa asawa ko kahit na narinig ko na siya nag-sorry sa akin kagabi, kunwari hindi ko pa siya napapatawad. Hindi ako lumabas ng kwarto ko aantayin ko kung kakatokin niya ako, alam kong imposible itong iniisip ko bakit ba, kung seryoso siya kagabi sa sorry niya aayain niya ako mag-almusal.

"Nagugutom na ako potek na 'yon, pumasok na ba 'yon?" napakapa na ako sa tyan ko. Alas syete na so dapat inaaya na ako kumain no'n. Kung sinuswerte nga naman may kumatok.

"My wife?" tangina? my wife?! lumapit ako sa pinto.

"My wife, are you awake? Can I come in?" putangina, heto na 'yon seryoso siya sa sorry niya kagabi. Bumalik ako sa kama ko at kunwari bagong gising.

Binuksan niya ang pinto, pero hindi ko siya nilingon. Expression mo Katana dapat galit ka.

"Samahan mo ako kumain, uhmm..." may gusto pa siyang sabihin.

"Ano 'yon?" nakatingin lang ako sa picture namin na nakasabit sa dingding katapat ng kama ko, magkasama kami ro'n. Birthday 'yon last year ni Dad, kinuhanan kami ng photographer na kinuha nila Mom. Nakasuot ako ng sunflower dress siya naman ay naka naka-polo na white at khaki short na black nakalagay ang kanang kamay niya sa bewang ko at matamis kaming nakasmile sa picture. Ako lang may copy ng picture naming dalawa, sa kaniya ay wala napangiti ako ng malungkot. Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin din siya sa picture naming dalawa. He coughed awkward.

"Wala kang pasok ngayon, baka gusto mong sumama sa company?" dahil do'n napatingin ako sa kaniya. Seryoso ba siya?

"What?! gusto mo akong isama sa company mo, ngayon? may event ba ro'n ngayon? tell me para makapaghanda ako?" napatayo ako dahil sa gulat.

"Just wear whatever you want, as long as you're comfortable." parang naiilang niya na sabi.

"Halika na kumain na tayo." dagdag niya, tumango nalang ako at sumunod sa kaniya.

I'm now in front of my vanity mirror, I'm wearing a cream blue dress that goes past my knees, my natural wavy brown hair is also loose, I just put a headband to make my hair look clean. I only have light make-up and flat sandals. I don't know what my trip is with my look now, I want everything to be light and not heavy on the eyes. I went downstairs and found him on the sofa in the living room sitting and waiting for me. He stood up when he saw me, he was wearing a blue tux with a white polo inside, he was also wearing blue slacks. Grabe hapit na hapit sa kaniya ang suot niya, parang ang sarap hawakan ng mga biceps niya.

"You're so pretty." naiilang niyang sabi dahilan kaya namula ang pisngi ko.

"hmmm... Let's go?" tanong niya, tumango nalang ako at hinawakan ang kamay niya para alalayan ako.

Para akong alien dito sa company niya, walang nakakakilala sa akin. Lahat sila grabe makatingin nung dumating kami ni Xyriel.

"Katana, let's go to my office." sabi niya sa akin sabay hawak sa bewang ko, inaantay namin na bumukas ang private elevator niya. May mga naririnig ako na bulung-bulungan mula sa likod namin.

"Akala ko ba ang girlfriend niya ay si Ms. Celine, sino naman itong kasama niya?" napadiin ang hawak ni Xyriel sa bewang ko.

"Ang ganda naman ng kasama niya, siguro babae lang 'yan ni boss, kapag bumalik na galing Paris si Ms. Celine iiwan niya na 'yan."

"I agree. Kapag naghiwalay sila ako sasalo sa napakagandang babae na 'yan, mukhang masarap." naninindig ang balahibo ko ro'n.



*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon