Chapter 23

1.4K 21 0
                                    

"Kailangan niyo ba ng quality time? Sige na umalis na kayo. Ako na ang magsasara ng shop, Tana. Ako na rin co-contact kanila Ali para sa supplies natin next week." si Eli iyon. Nabalik naman ang tingin ko kay Xyriel. At ang mokong namumula ang mukha dahil ata sa pagyakap niya sa akin.

"Ano bang gagawin mo? Hindi ka naman ata pupunta lang dito para sa wala?" ako na ang nagtanong dahil si Xyriel hindi makausap.

"Y-y-yes. P'wede ba? Ihahatid nalang kita sa inyo."  shoot. Bigla kong naalala si Xerena.

"S-sige. Basta hanggang labas ka lang ng mansion namin." I rolled my eyes. Wow simula nung umuwi ako rito, hindi na ako natigil sa pagtataray.

Hindi pa ako handa na maipakilala si Xerena sa kaniya, sa isipin na iyon baka himatayin ako.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya, grabe ang bango-bango kalat na kalat ang bulgari aqua sa loob ng kotse. Siya naman ay tensyonado na nasa tabi ko.

"Hoy, umayos ka nga riyan mamaya maaksidente tayo, Xyriel."

"S-s-sorry kinakabahan lang."

"Huwag kang kabahan ako lang 'to." umayos na ulit ako nang pagkakaupo.

"Namimiss ko na yung tawag mo sa akin." mahina niyang sabi, na akala niya ata ay hindi ko narinig pinamulahan ako ng pisngi. Ngunit hinayaan ko nalang iyon.

Dinala niya ako sa isang night market kung saan lahat ng mga street foods ay dito mo makakakain, naghanap muna siya ng table para sa aming dalawa. Kakaiba itong market na 'to dahil staff mismo ang lalapit sa'yo at may menu na agad sa table na mapipili niyo.

"Anong sa'yo?" halatang nahihiya siya sa akin. Sa ano naman? Wala naman sa akin kung dito niya ako dinala.

"Kwek-Kwek, Kikiam, at coke lang." sinagot ko nalang siya kaysa pansinin ang panginginig ng katawan niya.

"Sure. Ganiyan nalang din ang akin." nakita kong ti-nap niya yung bell na nasa gitna namin at may lumapit agad na staff.

"Two orders of Kwek-Kwek, and two orders of Kikiam, lastly two orders of coke, please."

"Sure, sir Joaquin." pinanlakihan ko siya ng mata, sakto naman na umalis na yung babaeng staff.

"Madalas ka ba rito?"

"Hmmm." tanging nasagot niya.

"Babae mo 'yon?" nakataas kong kilay na tanong nakita ko agad na nag-panic siya.

"Huh? Hindi ano ka ba naman, Katana. Ikaw lang ang gusto ko." pinamulahan ako ng pisngi.

"Umaayos ka nga engaged ka hindi ba?" nakita kong nanlaki ang kaniyang mga mata.

"How?"

"Hindi mo na kailangan pa malaman kung kanino ko nalaman, friendly date lang naman ito 'saka hiwalay na rin naman tayo."

"Hindi pa tayo hiwalay at matagal na akong hindi engage." sa sobrang inis niya napalo niya yung table namin na siyang kinagulat ko, napatingin ako sa paligid, at mukhang napukaw namin ang atensyon nila. Ito naman kasing si Xyriel talaga.

"Huwag ka ngang isip bata riyan. Nakakahiya ka, Xyriel." I rolled my eyes. Napayuko naman siya dahil na rin siguro sa kahihiyan.

Buti nalang dumating na ang mga orders namin. Nasa kalagitnaan kami nang pagkain ng may maramdaman ako na parang basa sa may dibdib ko.

"fuck."

"Why?" agad na tanong ni Xyriel.

Fuck. Oo nga pala hindi ko pa napapa-suso si Xerena simula umaga, Kailangan ko na umuwi sign na 'to.

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon