Chapter 19

1.3K 23 0
                                    

"May balak pa ba kayo na bumalik sa Pilipinas?" sa pangalawang pagkakataon tinanong niya na naman ako ng may pag-iingat.

"I'm still debating kung babalik kami mag-ina. Bakit ba ano bang meron? just straightforward, Juancho."

"Baka lang gusto mo. P'wede naman akong maging Daddy ni Xerena." my jaw dropped.

"Seriously, Juancho? Until now, you still like me?" gulat kong tanong.

"Why? May problema ba ro'n?" maang-maangan niya na tanong.

"Single ka, single ako."

"There's nothing wrong naman. Ang akin lang hindi na ako katulad dati Juancho, may anak na ako iyan oh, nasa tabi ko." nakita ko naman ang mariing titig ng anak ko kay Juancho parang jinu-judge niya na ang buong existence ng kaharap namin.

"Ikaw ba weason, why mommy ko laging iyak evewy night?" nakita kong namumula na ang mga mata ng anak ko at any time p'wede na siyang umiyak.

"Oh no, Xerena. It's not me, sweetheart mabait si Tito Cho, actually your Mommy and I we're friends before, stop crying sweetheart please." depensa agad ni Juancho at inaamo ang anak ko.

"No, baby. Hindi siya 'yon. Stop crying. Mommy's here." kinuha ko siya sa high-chair at nilagay sa aking kandungan para patahanin. Isinuksok naman niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at doon humihikbi.

"Stop crying, my angel. Friends kami ni Tito Cho mo." I kissed her hair.

"I'm sorry." napatingin ako sa direksyon ni Juancho.

"It's okay." I mouthed.

"Mommy, whewes my daddy?" nag-angat bigla ng tingin sa akin ang aking anak, pulang-pula na ang kaniyang mga pisngi kakaiyak. Napansin ni Juancho na hindi ko magawang sagutin ang sariling anak kaya tumayo siya at kinuha sa akin si Xerena.

"Sweetheart, our foods is here. Let's eat first. But before that, Tito Cho will wipe your tears." kumuha siya ng tissue at pinunasan ang pisngi ng aking anak.

This is the first time, na naghanap siya ng Daddy. I think dahil na rin sa presence ni Juancho kaya napatanong si Xerena.

"Pasensya na talaga kanina, Tana. Na-triggered ko ang emotions ni Xerena." hingi ng sorry ni Juancho sabay tingin sa anak ko na kandong ko habang natutulog. Hinahatid kami ngayon ni Juancho pauwi ng bahay.

"Okay lang. Kahit ako hindi ko inaasahan 'yon. Ngayon ko lang din siya narinig na naghanap ng Daddy."

"Iba na talaga ang mga bata ngayon, sa murang edad nakakaintindi na sila." hindi na ako sumagot sa komento ni Juancho dahil totoo naman.

Kakaiba na ang mga bata ngayon. Mabilis nilang maintindihan ang mga sitwasyon na para sa ating mga matatanda ay akala natin hindi nila kayang intindihin, pero kabaliktaran pala.

"Salamat, Juancho. I'll call you once na umuwi kami sa Pilipinas. Promise ko 'yan." uuwi na kasi siya, last day niya na rito sa Canada.

"Sure. Basta call me whenever you need me." ginulo niya ang buhok ko bago bumalik sa sasakyan niya at umalis.

"Ate Katana, hindi niyo na kailangan mag-worry pa rito kami na pong bahala sa shop niyo." ani ni Zia.

"Yes, ate kahit sa ipapatayo niyo sa Toronto, maniwala po kayo sa akin, aalagaan ko po iyon." si Ali naman ito.

"Nakokonsensya ako kasi business ko 'to pero inaasa ko sa inyo."

"Ate Katana naman, p'wede ka naman bumalik-balik dito kasi businesses mo 'to. At saka sabi naman ni Ate Eli babalik-balikan niya kami kung magiging busy kayo sa shop na ipapatayo niyo sa Pilipinas, nakakakilig nga po lumalago na tayo." tuwang-tuwa na komento ni Ali.

"Okay lang ba talaga sa inyo?" malungkot kong tanong.

"Oo naman po. Wala pong problema sa amin, basta may trabaho kami. Dito na rin po kasi nakatira ang buong family namin sa Canada, kaya hindi rin po kami makakapag-stay doon sa Pilipinas. Kung magbabakasyon ay okay lang po." sagot naman ni Zia.

"Okay, ibibigay ko na sa inyo ang pangangalaga ng dalawa kong branch dito sa Canada pero dadalaw-dalaw pa rin ako rito kasi hindi ko naman kayo p'wedeng pabayaan nalang, palagi niyong iopen ang lahat ng socmed accounts natin para ma-contact ko kayo kung may problema man, at report sa sales, at kapag tinawagan ko kayo na umuwi ng Pilipinas kasi may okasyon bawal tumanggi, ha?" I glared both of them, na kinatawa naman nila.

"Sure ate. Excited din kami na bumalik ng Pilipinas, 'di ba Ali?"

"Yes, Ate. Minsanan lang kami makabalik doon, ngayon ata mukhang mapapadalas na kami sa pagbisita sa Pilipinas, dahil sa amo namin na mabait." natawa naman ako, kahit kailan talaga itong Zia loka-loka.

Inayos ko na lahat nang kailangan ayusin, nagbigay na rin ako ng advanced na 5 months na allowance para kanila Ali, Zia, at sa factory ko para kahit wala ako may pang-gastos sila bago dumating ang araw ng sahuran. Binayaran ko na agad ng full-payment yung engineer na kinausap ko para mapabilis ang paggawa ng second branch ko sa Toronto, nangako naman si Ali na bibigyan niya ito ng pansin at bibigyan ako ng weekly update sa progress at mga nagastos.

Kasalukuyan ako ngayong nag-aayos ng aming mga gamit. Alam kong napaka-impulsive decision nang gagawin ko. Pero anong magagawa ko pa ba kung sarili ko ng mga magulang ang nakikiusap sa akin na bumalik na ako ng Pilipinas dahil hindi na sila pabata gusto nila kaming makasama nang mas matagal. Natutulog na sa kaniya-kaniya nilang kwarto sila Mom at Dad, at Eli Kuya Ton, and Yaya Lisa. Kaming dalawa rito ni Xerena ay busy pa. Unting gamit lang ang dadalhin ko since babalik pa rin naman kami rito, lalo na si Eli kasi siya ang pupunta rito para i-check ang mga shops ko kung sakaling busy ako.

"Xere, anak matulog ka na. Aalis na tayo bukas." pakiusap ko sa anak ko na hanggang ngayon nakatutok pa rin sa kaniyang IPad.

"Mommy, whewe awe we going?"

"Uuwi na tayo sa bahay nila Grandma at Grandpa." nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya.

"Weally? MOMMY?! YES!!" nagtatalon-talon siya sa kama namin.

"Yes. Kaya, matulog ka na."

"Okay, Mommy good night." aba sa sobrang excited ng anak ko, pagkasabi niya ng good night. Natulog agad siya.



A/N* masunurin naman si Xerena kahit puro ka-malditahan lang ang alam niya hihihi, anw excited na ba kayo mag-kita sila? yieeee me too.

*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon