Chapter 18

1.4K 28 0
                                    

"May nangyari po ba sa Pilipinas?" agap kong tanong. Parehas silang hindi nakapagsalita agad.

"Wala naman. Yung magaling mo lang na asawa, hinahanap ka pa rin." napatingin ako sa pwesto ni Mom.

"Magaling na asawa? sa pagkakatanda ko hiwalay na kami three years ago?"

"Ikaw sumagot niyan, Darling." turo ni Mom kay Dad. Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya.

"Hindi pinirmahan ni Xyriel ang annulment paper niyo. Hanggang ngayon kasal pa rin kayo." halos malaglag ang panga ko sa aking nalaman.

"Dad?!"

"Anak, maniwala ka sa akin. Ginawa ko ang lahat mapirmahan niya lang 'yon. I even blackmailed him pero ang ungas ayaw talaga magpatinag. Halos malugi na nga ang kompanya nila no'ng umalis kami as big shareholder. Ang sabi niya lang gagawin niya ang lahat magiging perfect siya para sa'yo, hanggang sa bumalik ka. Dumating sa point na halos linggo-linggo nagpapadala ng rosas para sa amin ng Mom mo. He even celebrated your birthday kahit wala ka. Ang mabuti na nga lang kahit na kinukulit niya kami lagi ay hindi siya namimilit alamin kung saan ka hahanapin." kalmadong sagot ni Dad. Parang may malaking tinik na tumusok sa puso ko.

"Alam niya po ba na may anak kami?" mahina kong tanong.

"Of course not, Anak. Mas lalong hindi ka makaka-recover kung malalaman niya." agap na sagot ni Mom.

"Kaya anak kung gusto mo bigyan ng chance yung tao. He's good now." sabi ni Dad na kinalukot ng noo ko. What is he doing?

"Is he married?" maingat kong tanong.

"Ang alam namin he's engaged pero until now, wala naman nagaganap na kasal." si Mom ang sumagot.

"Engaged? with whom?" bigla akong kinabahan.

"with Celine." shoot. Celine again.

"But why? I thought they love each other?" takhang tanong ko.

"Ayon din ang alam namin, pero simula nong umalis ka halos sa labas na 'yan ng mansion tumira."

Dahil sa sinabi ni Mommy and Daddy, hindi ko tuloy magawa na matulog ngayong gabi. Kasama nila sa guest room si Xerena. Kaya mag-isa lang ako na nasa kwarto ngayon. Nang biglang tumunog ang phone ko.

"Unknown caller ID?"

"Sino naman ang tatawag ng ganitong oras, gabing-gabi na." wala na akong choice kundi sagutin na lamang ito.

"Hello?"

"Thank God! Sabi ko na ikaw 'yan, Katana." nagulat ako sa biglang pagsagot.

"Excuse me? kilala ba kita?"

"Ouch. Grabe ka na Katana, tatlong taon lang nakalipas nakalimutan mo na ako? Ni hindi ka nga nagpaalam sa akin na pupunta ka ng Canada." pagtatampo nito sa kabilang linya, kumunot ang noo ko at unti-unting nakilala rin kung kanino ang boses na iyon.

"Juancho?" napatayo ako dahil sa gulat, hindi sa kaniyang pagtawag, kundi sa kung paano niya nalaman ang number ko.

"Yes, ako nga 'to. Finally naalala mo ako." tuwang-tuwa niya na sabi sa kabilang linya.

"Where do you get my number?"

"Ay hindi ba sinabi sa'yo ng mga staff mo? Si Ali siya nagbigay ng contact mo sa akin. Sinabi ko kasi na friend kita. Ako rin pala yung um-order ng 500 pcs ng full set accessories mo, para sa 50th wedding anniversary ng parents ko." halos malaglag ang panga ko.

"Paano mo nalaman na andito ako sa Ottawa at akin yung shop?"

"Wala lang, nasa bakasyon kasi ako tapos sabi ko maglilibot lang ako sa Canada napunta ako ng Ottawa tapos nakita ko yung jewelry shop mo, pumasok ako at habang naglilibot ako sa shop mo nakita ko yung picture mo na nakapatong sa cashier, tinanong ko yung bantay sabi ikaw daw may-ari. Gusto kita makausap pero ang sabi ng mga staffs mo late ka raw pumupunta ro'n, madalas hindi na nga. Kaya kinuha ko ang number mo."

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon