"Yes, Sir. Inaantay na po nila kayo sa taas. Sigurado na po ba talaga kayo sir na ibebenta niyo na ito?" narinig ko ang malungkot na boses ng guard.
"Stop, Simon. Hindi mo na mababago pa ang..." naputol ang sinasabi ni Xyriel nang makita niya kami ni Eli na nakaupo sa sofa sa tapat ng hagdan.
Halos parehas kaming unstable ang paghinga. Fuck this reunion. Hindi niya maalis ang tingin sa akin, gan'on din ako.
"Sir Joaquin? Ma'am?" nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
"Kuya Simon, baba po muna tayo. Mukhang kailangan nilang mag-usap." si Eli iyon at hinawakan sa balikat si Simon yung guard.
"Pero bakit? Hindi kaya...." nakita ko sa peripheral vision ko na isang tango lang ang binigay ni Eli at lumaki ang mga mata ni Kuya Simon.
"I knew it! Sinasabi ko na nga ba sa baba palang nung nakita ko si Ma'am, naisip ko na agad na siya ang ex-wife ni sir." sabi nito na halatang natutuwa.
"Simon, bumaba ka na." si Xyriel iyon.
"Yes, Sir. Goodluck sa reunion niyo. Sana maging okay na kayo at huwag na maibenta pa sa iba ang shop na ito. Alam ko ang effort niyo rito Sir. Halos dalawang taon din kayong nagpintura ng buong shop." dahil do'n napunta ang tingin ko kay Kuya Simon at bumalik kay Xyriel na ngayon ay namumula na. Totoo ba iyon?
"Please, Simon. No need to mentioned that. Ibaba mo na siya, Miss." nakita kong tumango si Eli at hinila na pababa si Kuya Simon.
At ngayon kaming dalawa nalang ni Xyriel ang natira. Ilang minuto lang ang nakakalipas inayos niya ang kaniyang polo shirt at umupo sa harapan ko na sofa.
Walang gaanong nagbago sa mukha niya sobrang gwapo niya pa rin. Pero sa katawan mas lumaki ito teka nag-gy-gym na ba siya ulit?
"Uhmmm..." umubo siya at halata sa itsura niya ang pagkabigla. Ako rin kaya, hello.
"Long time no see, How are you?" tanong niya sa akin pero hindi siya nakatingin sa akin. Tumingin ako sa kamay niya na nakapatong sa legs niya may iniikot-ikot siya ro'n at laking gulat ko nang makita na wedding ring niya iyon. Napataas ang tingin ko sa leeg niya at doon nakalagay ang wedding ring ko, ginawa niya itong kwintas niya.
"Katana, how are you?" pag-uulit niya ng tanong dahilan kaya napabalik ako sa ulirat ko. Parang gusto kong umiyak sa nakikita ko.
"Xyriel, how are you too?" mahina kong tanong. Ano ba't nagtanong pa ako. Totoo ba na hindi mo pinirmahan ang annulment natin? Kasal pa rin ba talaga tayo? Pero syempre hindi ko 'yon tinanong sa kaniya sa sarili ko lang.
"Not so good, I missed you, baby." halos magliparan ang mga butterflies sa tyan ko. Bakit ba sobrang honest niya?
"Bakit mo ako tinatawag na baby? Hindi na tayo mag-asawa." maang-maangan ko.
"I'm still your husband and you are my wife, baby." nakita ko ang eagerness sa kaniyang mga mata.
"Hindi ko pinirmahan iyong annulment paper na binigay mo, siguro naman sinabi sa'yo nila Mom and Dad, right?" aba, Mom and Dad pa rin ang tawag niya sa parents ko.
"Baby, fucking three years. Ito na yung inaantay ko bumalik ka na. I want to hug and kiss you right now. Pero ayaw ko na mabigla kita." may namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
"Baby, kahit na alam ko na alam nila Mom and Dad kung saan ka hahanapin. Baby, hindi ako namilit. Gusto ko na ako mismo ang maghahanap sa'yo. Baby, binigyan kita ng time to heal yourself kasi iyon ang kailangan mo dahil sa mga naging kasalanan ko sa'yo, kahit na ako nalulugmok na dahil miss na miss na kita araw-araw. Kahit sinapak na ako ng Dad mo nang ilang beses dahil halos araw-araw nasa labas ako ng bahay niyo. Nag-aantay sa'yo kung babalik ka na. Baby, hindi ko pinagsisisihan ang lahat nang iyon at patuloy ko iyong gagawin." there, nagpapaligsahan ang aking mga luha dahil sa mga naririnig ko mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love
RomanceSi Katana Elouise Madrigal ay may matagal nang pagtingin sa kaniyang kababata na si Xyriel Diego Joaquin, ngunit ayaw sa kaniya nito. Isang problema ang magiging dahilan kung bakit sila magkaka-lapit. Magiging worth it nga ba kung paiiralin niya ang...