Lumipas ang mga linggo at hindi naging madali ang pagbubuntis ubod ako ng arte ngayon! Noong pinagbubuntis ko si Xerena hindi naman ako ganito ka-arte kahit ako naaawa na sa asawa ko. Paano ba naman kasi ngayong gabi ayaw ko siyang katabi matulog pero dapat magi-istay lang siya rito sa kwarto kasi mamimiss ko siya kapag hindi ko siya nakikita!
"Xyriel! Ayaw kita katabi, please umalis ka sa kama tumayo ka lang sa may pinto!"
"But baby, alas tres na ng madaling araw, inaantok na ako," pagmamakaawa nito sabay kuha ng unan niya at iniwan ako sa kama mag-isa.
"Matulog ka kahit saan basta huwag kang lalabas ng kwarto kung ayaw mong umiyak ako!" nakatayo lang siya sa pintuan ng kwarto at nakatingin sa akin.
"But baby, gusto kita katabi." ngumuso pa ito na nagmamakaawa na huwag ko siyang palipatin na naman, naaawa naman ako kaso ayaw ko talaga siya katabi ngayon.
"Ayaw ko matulog ka na, gusto mo riyan ka sa sofa malaki naman 'yan!" bumalik na ako sa pagkakahiga at nagtaklob ng kumot, naramdaman ko naman na kumilos na si Xyriel papunta sa sofa at sumalampak doon. Tatlong araw na ganito ang set-up namin naaawa na ako sa kaniya kasi palagi ko siyang ginigising para palipatin.
Buong akala ko ay makakatulog na ako kapag wala siya sa tabi ko pero sinusumpong na naman ako.
"Love?" mahina lang na pagtawag dahil umiiyak ako.
"Love, are you still awake?"
"Namimiss na kita." ayaw kong marinig niya ako na umiiyak dahil ngingiting aso na naman 'yan at yayabangan ako na kahit na anong pagtataboy gawin ko, babalik pa rin ako sa kaniya.
"hmmm..." ayon sumagot siya!
"Balik ka na rito." mahina pa rin pero alam ko narinig niya ako nagbibingi-bingian lang siya.
"Anong kailangan ng baby ko?" my goodness ang morning voice niya talaga! Parang binabasaan ako ng panty.
"You." pagkasabi ko no'n naramdaman ko ang paglubog sa tabi ko at iniangat yung kumot saka siya pumasok at niyakap ako. Nilapit ko naman ang mukha ko sa leeg niya at doon sumiksik.
"Hmm... you smell so good, love."
"You too, baby. Let's sleep na it's getting late na rin." he kissed my forehead and then we both fall asleep.
"Ayaw ko nga ng sopas! Palitan mo 'yan gusto ko ng afritada for breakfast pero dapat yung nasa delata!" naiinis na talaga ako a. Bakit ba kasi luto siya nang luto ng mga ganiyan hindi ko naman sinabi!
"Baby, enough na sa mga instant foods kahapon pinagbigyan na kita na mag-milktea at kumain ng loaded para sa lunch mo."
"e iyon nga ang gusto ko Xyriel Diego Joaquin!" nakita kong napapikit siya dahil sa frustration.
"Okay, calm down. Bababa ako at maghahanap kung may stock pa ng gusto mo na delata kung wala ito ang kakainin mo."
"What?! Hindi ka nag-grocery?! Akala ko ba namili ka pinasulat mo pa sa akin mga gusto ko! I hate you!" wala na umiyak na talaga ako.
"Baby, we have stocks. Malakas ka lang talaga kumain, and I'll make sure rin na nakahide siya you know Mom, ayaw niya na kumakain ka ng mga ganoon."
"Bilisan mo na Xyriel! Gusto kong kumain no'n."
"Drink your milk muna, bago ako bumaba." agad ko kinuha yung gatas na tinimpla niya sa akin, alam niya kasi na ayaw ko ng sobrang mainit kaya ginagawa niya mixed of warm water and hot water at he make sure na siya talaga nagpeprepare ng gatas ko. Tinitignan ko lang siya habang iniinom ko yung gatas.
"Bakit hindi ka pa rin bumababa?" tinaasan ko siya ng kilay.
"I'll get your food once you finish your milk." inirapan ko lang siya grabe ka-istrikto a. Nakapamewang lang siya sa harapan ko habang inuubos ko yung gatas na binigay niya. Minadali ko na pag-ubos kasi natatakam na talaga ako sa Afritada sa delata.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love
RomanceSi Katana Elouise Madrigal ay may matagal nang pagtingin sa kaniyang kababata na si Xyriel Diego Joaquin, ngunit ayaw sa kaniya nito. Isang problema ang magiging dahilan kung bakit sila magkaka-lapit. Magiging worth it nga ba kung paiiralin niya ang...