Chapter 1

2.1K 25 0
                                    

"Ma'am Katana, tapos na po ba kayo mag-ayos? kanina pa po kayo inaantay ng Mommy at Daddy niyo." paulit-ulit na tanong ni Yaya Lisa.

"Sandali lang naman Yaya, nagpa-plantsa nalang ako ng buhok ko!" after I said that, I rolled my eyes because of irritation.

"Antayin ko nalang po kayo Ma'am Katana, mapapagalitan po ako kung bababa ako na hindi ulit kayo kasama."

" ah! whatever! Yaya come here, help me para matapos na ako rito!"

"Yes, Ma'am." pumasok siya sa kwarto ko.

"Alam mo ba kung paano gumamit nito? Bakit naman kasi ngayon pa umalis si Eli, wala akong taga-ayos!" kidding lang, alam ko naman na nag-aaral din siya.

"Sorry po Ma'am, may aasikasuhin daw po kasi sa school nila." yes, anak niya si Elina or Elisse, ang tawag ko sa kaniya ay Eli lang.

"Ah whatever, tapusin mo na 'yan, nangangalay na ako." I rolled my eyes again.

"Tana, palagi ka nalang late sa breakfast natin, anak." sabi ni Daddy pagkatapos magsimsim ng kaniyang kape.

"I'm sorry Daddy, wala kasi si Eli wala akong taga-ayos." sabay tingin sa tabi ko kung nasaan si Yaya Lisa, and I rolled my eyes.

"So sino ang nag-ayos sa'yo, anak?" tanong agad ni Mommy bago sumubo ng toasted bread.

"Sa akin? sa make-up ko, ako Mommy. Sa hair naman nagpatulong ako kay Yaya." dahil talagang likas na sa akin ang pagiging tamad si Yaya Lisa na rin ang kumuha ng mga pagkain para sa plato ko. Alam niya kasi kung hanggang saan lang ang kaya kong ubusin.

"Wow! Mag-ina talaga kayo ni Elisha, Lisa. Parehas kayo na magaling sa ganiyang gawain, next time ako naman ang ayusan mo." sabi ni Mommy.
So Elisha pala ang name ni Eli, all this time akala ko Elina or Elisse, sasambunutan ko talaga 'yon.

"Talaga po ba Ma'am Katrina? salamat po Ma'am sa pagpuri, next time po magpapaturo pa ako kay Elisha para maayusan ko po kayo." tuwang-tuwa na sabi ni Yaya Lisa.

"Sure."

Bakit kaya ang bait nila? saan ba ako nagmana ng ugali ko. Matagal ko ng alam na mejo hindi kagandahan ang ugali ko pero yung mga magulang ko mabubuti talaga sila.

After ko kumain, hinatid na ako ng asawa ni Yaya Lisa sa school. Yes, you read it right, buong pamilya ni Yaya Lisa sa mansyon namin nakatira at nagtatrabaho, narinig ko kasi na magkababata si Mommy at Yaya at kahit noon pa talaga raw mababait at masipag na ang mag-asawa.

"Thank you po, Kuya Ton." pagkababa ko ng sasakyan.

"ingat po kayo, Ma'am."

"K." as I rolled my eyes again. Aalis na sana ako nang biglang may maalala.

"by the way, Kuya Ton ask your daughter naman na i-check yung message ko, today kasi yung photoshoot ko ngayon dito sa school para sa pagoopen ng new sem, sabihin mo kailangan ko ng new set ng uniform and PE, and make-up na rin."

"sure po, Ma'am." pagkasabi niya umalis na agad ako sa harapan niya.

Hindi pa ako nakakapasok ng room nang may sumisigaw na naman na maiingay.

"Tana girl!!"

"Here we go again." I rolled my eyes 'saka ko sila hinarap.

"What is it again?" nakataas kung kilay sa kanila.

Sila Bea at Alyssa ito mga friends ko kuno raw pero alam ko naman na pinaplastic lang nila ako sa mga ganitong sitwasyon nga lang nila ako kinakausap kaya hindi ko sila kino-consider na mga kaibigan ko, gusto kasi nila na maging model ng agency namin, mga inggitera. The fuck bitch, kung kaya nila akong plastikin, syempre ako rin.

"Narinig namin na may photoshoot you later, p'wede ba kami sumama ni Aly?" right? tama ako.

"Please, bff manonood lang kami." bff mo your face.

"Okay." sinabi ko nalang para matapos na.

Tinalikuran ko na sila dahil nakakahiya, nagtititili sila. Confident lang ako maglakad hanggang sa nakita ko ang isang pamilyar na bulto. Kahit kailan talaga hindi siya nagfail na pahintuin ang paghinga ko. Sino pa nga ba e 'di yung kababata ko na si Xyriel, ang crush ko at SSG President ng school namin. To be clear, magkababata kami pero hindi kami close. Sobrang seryoso niyan, at hindi niya matagalan ang kaartehan at kamalditahan ko. Lagi ko siyang kinakausap kapag may event ang mga pamilya namin, pero hindi niya ako matagalan kausapin. Masakit 'yon for me ako na nga nagfi-first move. I heard last time nagka-girlfriend siya pero hindi ko nalang alam ngayon, kaya siguro lalong kumunot noo niyan kasi break na sila.

Nagtagpo ang mga mata namin, tinignan ako ng mataimtim ng hazel brown eyes niya, grabe rin yung haba ng mga pilikmata niya, idamay mo pa yung pointed nose at red smooth lips niya. Ay ano ba stop Katana Elouise Madrigal. Stop! Huminto siya sa harapan ko.

"Hindi ka pa ba papasok, Ms. Madrigal? School hour na pero nasa labas ka pa rin ng hall?" napabalik lang ako sa wisyo dahil sa malamig niya na boses. Teka nga pinagagalitan niya ba ako? Kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ano naman sa'yo kung late na ako? eh kakarating ko lang kaya, pinagagalitan mo na agad ako?!" nagclose siya ng mata dahil sa irita. Bakit ba hindi ako matagalan nito.

"Pumasok ka na habang hindi pa kita binibigyan ng Warning slip, Katana." nanigas ako. That is the first time na tinawag niya ako sa first name ko. Kahit sa mga event Madrigal or minsan wala pa nga siyang tinatawag sa akin.

"K." I rolled my eyes again, para hindi niya mahalata na kinilig ako ro'n.

"Pasok na." turo niya sa pinto ng room ko.

"Bakit ba hindi ka makapag-antay? Papasok din naman ako." sabat ko pero parang ayaw niya magpatinag.

"Katana, pasok." madiin niyang sabi.

"K." pumasok nalang ako, at umalis na rin siya. Luminga-linga ako sa paligid marami naman siyang students na dinaanan pero ako lang sinaway niya? baliw ba siya? Huling-huli niya ang inis ko.

Nagsimula na ang class namin, pero lumabas muna saglit ang prof ko para kunin ang result ng exam namin last week. Sakto naman naka-receive ako ng text.

"Tana, nandito na ako sa cafeteria niyo, dala ko na yung mga gamit mo para sa photoshoot na gagawin mamaya." si Eli pala.

"Thanks. Wait me nalang." sakto pagka-sent ko dumating na yung prof ko kinabahan ako dahil hindi naman ako nag-review dito. Ito pa naman na prof yung uunahin bigkasin yung lowest kaysa sa highest.

*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon