Special Chapter 🎀

341 1 0
                                    

Nakahiga na kami ngayon ni Xyriel sa kama, dahil napatulog ko na ang mga bata siya naman ay kakauwi lang galing trabaho.

Naka-unan ako sa braso niya dahil kasalukuyan kaming nanonood ngayon ng k-drama, drama ito ni lee minho at kim goeun.

"Love?" tawag ko dahil mukhang busy na busy siya sa pinapanood namin.

"Hmm?" he kissed the tap of my head.

"Sa tingin mo ba maganda parin ang katawan ko ngayon?" dahil sa tanong ko na 'yon ay nakuha ko ang atensyon niya.

"What are you trying to say? I love your body, love." he kissed my shoulder hay naku sobrang addict sa kiss!

"I know. I mean how about from the other people point of view?" ngayon naman ay nakakunot na ang noo niya at mataman akong tinitignan.

"Pinanood ko kasi yung bagong launch niyo ni Daddy, six years na rin naman na ang nakakalipas p'wede pa kaya ako mag-model katulad nila? Oo, alam ko na kasal na ako at may mga anak na rin, pero kung hindi ka papayag, love hindi na la-----" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil hinalikan na ako sa labi ni Xyriel.

"You don't need to asked me, love. Before naman talaga ay modeling na ang work mo and I don't have any problem with that mas magiging proud pa nga ako na asawa ko ang naglalakad sa runway." he smiled.

"So, papayag ka, love?" hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Yep. You have my 101% support, love. Six years na rin naman ang nakakalipas we need a come back"

"OMG! Thank you, love!" sa sobrang tuwa ko napatayo ako sa kama at pinatungan ko siya tsaka ko pinaulanan siya ng halik dahilan kaya napatawa siya.

"Sa tingin mo okay lang sa mga anak natin?" tanong ko ulit.

"Maiintindihan ni Xere, love pero si Xylo baby pa 'yon dede lang alam no'n." napawi ang ngiti ko nang maisip ko ang bunso namin.

"Paano si Xylo? breastfed ko siya?"

"May problema ba ro'n?" inayos niya ang mga takas na buhok sa mukha ko at inipit sa aking tainga.

"Oo naman. Syempre sa akin kumukuha ng nutrition ang anak natin 'no."

"love, p'wede ka naman maging partime model lang, hindi mo kailangan mag-fulltime dahil may mga anak na tayo. Ako ang bahala sa schedule mo parang nakalimutan mo ata na ako ang owner ng Joaquin's Media at CEO ng Madrigal's modeling agency aside sa Mommy and Daddy mo na owners." he kissed my cheekbone, right! oo nga pala pagmamay-ari namin ang mga 'yon.

"Hindi ba magiging bias 'yon? baka awayin ako ng mga models." I hugged him because of frustation.

"Love, everyone knew na ikaw ang asawa ko at nag-iisang heir ng Madrigal's, kung sino man ang lalapat sa balat mo makikita nila ang hinahanap nila, kaya stop worrying na. I'm always here for you." niyakap niya na ako ulit.

Kinabukasan, tinawagan ko na agad si Eli para sabihin sa kaniya na babalik na ako sa pagmomodel, habang pinapa-dede ko si Xylo.

"Seryoso ba, Tana?"

"Oo, Eli. Kaya nga sobrang saya ko. P'wede ka ba ulit maging MUA ko? pero kung hindi naman maghahanap nalang ako."

"Hoy, para ka naman others sa akin. Sure ako na. Sabi mo naman ay partime ka lang alam mo naman may shops pa tayong inaasikaso."

"Oo, partime lang tsaka plano ko na ako na mismo ang gumawa ng endorsement sa mga jewelries ko, okay lang ba 'yon, Eli?"

"Sounds good, Tana. The best marketing 'yan dadami ang kahati ng asawa mo sa'yo."

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon