HIS POV (Part 1)

1.2K 16 0
                                    

A/N* hi everyone! dahil mahaba ang POV ni Xyriel. I decided nalang na gawin siyang two parts. Enjoy.

Inis na inis ko na hinubad ang polo ko pagdating sa kwarto dahil narinig ko na naman yung rumor na ia-arrange marriage ako nila Mom and Dad kay Katana. I thought it was a rumor pero goodness gracious nung sa kanila ko na narinig parang nabingi ako. Paano ko gagawin 'yon mahal na mahal ko si Celine, napapasaya niya ako. And that girl na kababata ko what is her name again? aaa Katana she always talking to me i don't know ba bakit siya lapit nang lapit sa akin knowing na hindi ko nga siya kinikibo. Well she's pretty but I really don't like her attitude at all.

Kasalukuyan ako ngayong SSG President ng school at palagi ko nalang siyang naaabutan sa labas ng hall siguro may pinapagandahan 'to?

"Hindi ka pa ba papasok, Ms. Madrigal? School hour na pero nasa labas ka pa rin ng hall?" tanong ko rito nakita ko siyang nagulat pero umayos din ng tayo saka ako tinaasan ng kilay. Maldita talaga.

"Ano naman sa'yo kung late na ako? eh kakarating ko lang kaya, pinagagalitan mo na agad ako?!" talaga lang huh, ikaw pa may ganang mairita sa akin, kung dati hindi ko siya kinakausap ngayon na SSG ako wala akong magawa kundi kausapin siya.

"Pumasok ka na habang hindi pa kita binibigyan ng Warning slip, Katana." that was the first time I called her name kahit siguro siya nagulat sa pagtawag ko sa pangalan niya.

"K." tanging nasagot niya at tinarayan ako. Aba talaga naman.

I heard na mababa ang naging score niya sa exam at pinahiya siya ng teacher niya hindi ko alam pero kumulo ang dugo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ba may ganoong teacher hindi nalang sabihan ng maayos at bakit kailangan pang ipahiya sa klase. Sa sobrang kaba ko kung kumusta na ba siya hinanap ko agad siya, hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero inisip ko nalang dahil may pinagsamahan naman kami dahil magka-babata kami.

"For sure napaka-pangit ko na ngayon, stop crying na Katana Elouise Madrigal may photoshoot ka later." rinig ko na pagpapatahan niya sa sarili niya wala sa sariling napangiti ako.

"I heard everything." nakita kong nanigas siya sa presensya ko.

"Why are you here? isusumbong mo ba ako sa Mom and Dad ko? or sasabihin mo sa Mom mo para ipagkalat sa next event nila, at doon malalaman ng Mommy at Daddy ko?" hindi ako gano'n, Katana what happened here, stay here.

"Bakit hindi ka nagre-report na ilang beses ka na palang pinapahiya ni Mrs. Villanueva sa klase niyo?" umiyak na naman siya ng napakalakas sanay na ako rito sa kaniya, masama kasi sa kaniya na kinikimkim ang nararamdaman niya siguro para sa kaniya ito yung best time to cry the frustration that she felt.

"I don't know, I'm scared." iyon lamang ang tanging nasagot niya.

"Maldita ka pero hindi mo kayang magsalita para sa sarili mo." bulong ko rito.

"Bakit ka ba nandito? At saka bakit ba palagi kitang nakikita?" nagtataka na tanong niya.

"Seriously Katana? malamang you're crying, that's why I'm here." sagot ko naman at i-comfort ka.

"I won't take that as your answer, sagutin mo ako ng totoo." pamimilit niya sa akin.

"Tito Louis and Tita Katrina told me na bantayan kita, palagi" doon siya natigilan siguro kasi baka iniisip niya na I like her and hindi niya inaasahan yung naging sagot ko kaya umalis nalang siya.

Sobrang saya ko dahil ngayon sasabihin yung engagement namin ni Celine sa party, tho may plano na akong magpropose pero okay na rin ito para secured na. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Sobrang ganda niya nakasuot ito ng backless na black long gown na may high-slit, mas nae-emphasize nito ang mala-coke niya na katawan at makinis at maputi na balat. Parang nasaktan siya na makita kaming magkasama ni Celine.

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon