Chapter 2

1.6K 29 0
                                    

"Marami-rami naman ang nakapasa sa klase, pero ang hindi ko matanggap kung bakit may naka 20 lang sa inyo?" dumiretso ang tingin niya sa akin. Sabi ko na nga ba ako ulit, napa-pikit ako dahil sa kahihiyan.

"what happened Ms. Madrigal? talaga bang hindi mo sine-seryoso ang subject ko? Sa pagkaka-alala ko last time ikaw din ang lowest, what happened answer me?" tumayo ako kahit na nahihiya.

"Sorry Ma'am, nasagutan ko naman 'yan eh nakalimutan ko lang." bobo ng rason.

She laughed sarcastically, "Ang sabihin mo, maganda ka lang pero wala kang utak." dahil sa sinabi niya ang mga kaklase ko ay nagulat yung iba naman, sumasang-ayon sa kaniya.

Okay, what again?

"I heard na may modeling agency daw kayong pagmamay-ari, bakit hindi ka nalang magfocus do'n kesa naman na andito ka sa school? Hindi ka bagay sa course na 'to considering ang attitude na meron ka rin, bawal ka rito Ms. Madrigal." after that, umupo na ako at hindi na nagsalita pa.

Imbis na dumiretso sa cafeteria para tagpuin si Eli, nagpaalam muna ako na may gagawin muna pero ang totoo dumiretso ako sa garden ng school at doon umiyak.

"That bitch!" gigil kong sabi 'saka umiyak.

"For sure napaka-pangit ko na ngayon, stop crying na Katana Elouise Madrigal may photoshoot ka later." pagpapatahan ko sa sarili ko.

"I heard everything." natuod ako sa kinauupuan ko ng may magsalita sa tabi ko, kilala ko yung lamig na boses at amoy ng tao na 'to.

"Why are you here? isusumbong mo ba ako sa Mom and Dad ko? or sasabihin mo sa Mom mo para ipagkalat sa next event nila, at doon malalaman ng Mommy at Daddy ko?" akusa ko habang umiiyak.

"I'm not like them, Katana." sagot naman niya agad, na may halong irita.

"Then, why are you here nga?!" hinarap ko na siya dahil sa inis ayaw kasi akong sagutin.

Doon ko nalaman na kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Nakaupo kami ngayon sa bench malalaki ang mga halaman dito kaya hindi makikita kung may tao man rito, p'wede nga kayong mag-quickie rito, huy hala siya.

"Bakit hindi ka nagre-report na ilang beses ka na palang pinapahiya ni Mrs. Villanueva sa klase niyo?" dahil sa tanong niya umiyak na naman ako ng malakas. I don't know how to cry ng hindi maingay, ganito na ako noon pa. Kapag hindi ako umiyak ng walang tunog hindi ako makakampante, para akong bata na inagawan ng laruan kapag umiiyak ako. That's why my Mom and Dad, binibigay nila lahat ng gusto ko kasi naiirita sila sa akin kapag umiiyak ako.

"I don't know, I'm scared." sabi ko at umiyak na naman.

"Stop crying, may photoshoot ka pa." sabi niya sabay punas sa luha ko, bahagya naman akong kumalma kahit na nagtataas-baba ang mga balikat ko sa labis na pag-iyak.

"Tell me, anong gagawin ko kay Mrs. Villanueva?" tinitigan ko lang siya at napaka-seryoso niya.

"Bakit? gagawin mo ba?"

"Yes." may pinalidad niya na pagkakasabi.

"Ang gusto kong gawin mo ay.... wala kang gagawin." nakita ko kung paano dumilim ang mga mata niya at nagtagis ang bagang.

"I'm serious, Katana."

"I'm serious too, wala ka ngang gagawin. Alam mo ba iisipin nila kapag ikaw ang nagsumbong para sa akin? Lalo nila akong pagbubulung-bulungan and I hate that. Kaya ko naman sarili ko."

Nanahimik naman siya at hindi na nagsalita pa, totoo naman kahit na masama ugali ko ayaw ko naman na madamay pa siya sa akin, running for magna cum laude siya tapos gagawa siya ng problema ng dahil sa akin, ayaw ko no'n.

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon