Chapter 34

1.2K 20 6
                                    

Nasa dati kami ngayong kwarto ni Xerena, tulog na siya nag-iiyak mga dahil she wants her father. Hindi ako makatulog dahil na rin sa kakaisip kay Xyriel. Tawag din kasi siya nang tawag sa akin, gusto kong sagutin dahil namimiss ko na siya! Oo na dahil sa pregnancy hormones ko 'to! Namimiss ko ang Daddy ng mga anak ko, but how?! shit, kaninong anak ba yung Kennedy?

Nasa gitna ako nang pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan ng dati kong kwarto niluwa no'n si Mommy may dala siyang gatas.

"Kumusta ka anak?" umupo siya sa tabi ko.

"Ito gatas mabuti sa buntis." aabutin ko na sana yung gatas nang huminto ang kamay ko.

"Mom?"

"Don't lie to me. I know everything."

"Mommy..." ito na naman ang traydor ko na luha lumalabas na naman.

"Paano niyo po nalaman?"

"Dahil kay Eli nadulas siya sa akin kanina. Nabanggit niya kasi na masakit daw ulo mo ang sabi ko tatawagan kita para uminom ng gamot, grabe yung reaksyon niya. So alam ko na agad."

"Mommy, ano pong gagawin namin?"

"Sssh... Calm down. Magiging maayos din ang lahat, anak. Kakausapin ng Daddy mo si Xyriel hangga't hindi naayos itong sigalot na ito hindi ka uuwi sa inyo."

"But Mommy, I miss him so much." namimiss ko na siya. Anak naman galit dapat tayo kay Daddy mo! Natawa si Mommy dahil sa reaksyon ko.

"Pregnancy hormones nga naman kapag umatake.

"Bakit po parang hindi kayo apektado?" pinunasan ko ang luha ko.

"Um... Siguro kasi naniniwala ako kay Xyriel na hindi sa kaniya yung bata."

"Paano po?"

"Anong paano? Remember what we told you last time? Halos sa labas na ng gate tumira ang asawa mo, araw-araw pagkauwi niya ng trabaho inaantay ka makauwi. Sige nga paano 'yan makakabuo ng ibang bata sa loob ng three years kung ikaw ang inaantay at ginugugol ang buhay sa pagpa-paint ng mukha mo."

"Pero kahit na kailangan muna na maayos ito. Hindi ka namin pababayaan, anak."

"Mommy ko...." I hugged my Mom. Sana nga tama si Mom nang hinala niya. Sana nga Xyriel hindi ikaw ang ama ng anak ni Celine.

Busy ako sa pag-aayos ng mga damit na naiwan namin dito sa dati kong kwarto, pinaiwan talaga ni Mom para may magamit kami once na dadalaw kami tignan mo nga naman at nagamit nga namin.

Dapat talaga galit ako Xyriel pero hindi namimiss ko siya. Miss na miss! Nasa kalagitnaan ako nang pag-aayos ng makareceive ako ng text.

Unknown.

Hello. Sorry for disturbing you. But can we talk?

Katana.

Who are you?

Unknown.

Oh, I'm sorry nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. I got your number from your husband, Xyriel.

"Sino 'to?"

Katana.
Can you please tell me your name?"

Unknown.
It's me, Celine. But don't worry hindi ako makikipag-away o agawan sa'yo basta magkita lang tayo. I'll send you the address.

Wala naman masama kung itatry ko di ba? Baka naman mag-eexplain siya?

Katana.
Sure.

Kinakabahan man pumunta pa rin ako sa address na sinabi niya isa itong mini café na dalawang kanto lang ang layo sa bahay. Nagsuot lang ako ng makapal na jacket dahil pagabi na at nilalamig ako nasa labas palang ako pero tanaw ko na si Celine. Ngayon palang kami magkakausap ng maayos ni Celine dahil dati naman kumustahan lang kami o ngitian.

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon