Chapter 33

1.2K 19 8
                                    

Pinapunta ko si Eli rito sa mansion dahil hindi ko talaga kaya na ayusan ngayon si Xerena at para maayusan niya rin ako dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at alam kong may something na sa akin at kailangan kong siguraduhin kung tama ang hinala ko. Nasa cr ako ngayon dahil inutusan ko rin si Eli na bumili ng pregnancy test patago lang ito si Xyriel nasa labas at nag-aayos.

"I need to know kung buntis ba ako. May mga sintomas na ako ng isang buntis." kahit na natatatakot ako ginawa ko pa rin tatlong pregnancy test para sigurado.

"My love, are you okay? Kanina ka pa diyan?" kinatok na ako ni Xyriel hindi pa tapos yung three minutes ng PT.

"Love, wait lang nag-aayos ako."

"Okay love, masama kasi pakiramdam mo kahapon palang, so naisip ko kung magpa-check kaya muna tayo? gabi pa naman ang debut ni Xyren."

"No, Love. I'm okay."

"Okay, just tell me if you're not okay a."

Bumalik na ang tingin ko sa tatlong PT na tinest ko. At halos mapasigaw ako dahil lahat 'yon ay positive. Oh my goodness Xyriel anong klase ka ba ang bilis mong makabuo?! Apat na araw na nung may nangyari sa amin at hindi na nasundan malalaman ko nalang buntis na agad ako?

Tinago ko agad ang mga PT sa isang malaking box at tinago iyon sa cabinet kung saan nakalagay ang mga stocks ng mga hygiene naming mag-asawa.

"My Love?"

"Lalabas na." lumabas na ako ng CR at sinalubong ako ng halik sa noo ni Xyriel.

"Are you okay? Ang putla mo, mahal natatakot na ako."

"I'm okay. It's normal lang naman."

"Normal? every morning?" tumango ako. Nagtataka man ay pinaupo niya nalang ako sa kama at pinainom ng tubig.

"How about medicine for headache, love?" marahas akong umiling.

"Xyriel, I'm okay please." I pouted.

"Um... Okay. Bihis na tayo." tumango nalang ulit ako baka pilitin na naman ako uminom ng gamot. Buntis ako!

"Love, nasaan na yung suit mo dumating na ba?"

"Opo, sandali kukunin ko gusto mo makita?" masaya akong tumango. Kinuha niya naman ito agad at ibinigay sa akin nilatag ko ito katabi nang susuotin ko at tin-race ko ang pangalan naming dalawa ni Xerena na naka-burda rito.

"Ang ganda."

"Di ba? Palagi ko nang susuotin 'yan kahit saan ako magpunta, my love." pinalo ko ang braso niya dahil natatawa ako sa sinabi niya.

"Baliw ka. Magpapagawa nalang tayo ng marami baka sabihin nila parang baliw ang asawa mo pinapabalik-balik ang suot mo."

"I don't care, basta ikaw." he kissed my cheekbone.

"cheeky." natatawa kong komento na kinatawa niya rin naman.

Dumating na kami sa venue kung saan gaganapin ang debut ni Xyren isa ito sa mga private resort ng mga Joaquin na hindi pa nila ino-open for public siguro after this event baka p'wede na yung iba rito mag-punta. Marami ng tao nang dumating kami si Xerena buhat-buhat ni Xyriel sa kaliwang braso niya habang ang kanan naman na kamay ni Xyriel ay nasa waist ko. Sinalubong kami ng mga media syempre hawak ito nila Xyriel, dahil pagmamay-ari nila ang Joaquin's Media Corporation.

Ngayon ko lang din nalaman na two years ago may collaboration ang  Madrigal Modeling Agency kasama sila kaya karamihan ng mga guests ay mga models from our company. Ayon kay Xyriel for the past two years sila nagha-handle ng mga big events ng company namin kagaya ng mga Fashion shows. And soon naman daw kapag kaya ko na gagawan niya ako ng big comeback, matagal-tagal pa yon Xyriel kung alam mo lang.

"Are you okay?" bulong niya sa akin dahil mejo nahihilo ako sa mga flash ng camera kaliwa't kanan kasi ang mga ito.

"Mejo nahihilo ako Love, p'wede bang umupo na tayo?"

"Sure, baby," he kissed my head at dumiretso na kami sa upuan kung saan malapit sa stage at relatives ng celebrants naabutan ko na ang mga parents namin na nag-uusap na at sobrang laki ng mga ngiti nila nang makita kami.

"Darling." Mom kissed my cheeks.

"So beautiful."

"You too, Mommy."

"Xyriel you look good and Oh... nice Katana and Xerena that's cool." binasa niya ang burda sa left chest ni Xyriel.

"Thanks Mom, My wife's idea." nakangiti na sagot ni Xyriel kay Mommy.

"Kaya naman pala." binati ko rin si Daddy at Tito Daniel at Tita Xyna bago umupo dahil hindi talaga okay ang pakiramdam ko mukhang mas maselan ako magbuntis ngayon a o baka nagiinarte lang ako dahil kasama ko na ang Daddy nila?

Nagsimula na ang 18 shots ang mga kasali rito ay ang mga kaklase ni Xyren na lalaki. Sunod naman ay 18 candles kasama ako ro'n, Xerena, mga cousins nila, friends, and classmates. Third naman ay ang 18 gifts kasama kami ng kuya niya, parents ko, other relatives ng mga Joaquin, Mommy Xyna, mga friends niya, at ilan sa mga kasamahan sa industriya ng mga magulang nila. Last naman ay ang 18 roses, second to the last si Xyriel at last ang kanilang Daddy Daniel. Papasok na sana kaming lahat sa kotse nang biglang may sumisigaw ng daddy na kinagulat naming lahat.

"Daddy!" boses iyon ng bata. Hawak ni Xyriel si Xerena nang humarap kami sa bata na tumawag.

"Daddy Xyriel!" halos manigas ako sa kinatatayuan ko.

"Goodness, what is this?!" galit na sabi ni Mommy.

"Daddy bakit ka niya tawag Daddy?"

"Mommy, may sistew po ako?" hindi ako makapagsalita maging si Xyriel may namumuo na pawis sa kaniyang noo.

"Tita Xyren, sorry we're late kasi po na delayed flight namin ni Mommy."

"Kenny, antayin mo naman ako, anak. Nandito ang gift mo kay Tita Xyren mo." napahawak ako sa tyan ko nang makita ko ang babaeng tumawag sa batang Kenny na kakababa palang sa kotse nito.

"Kenned...." hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya nang makita niya ako.

"Xyriel, I'm so sorry hindi ko alam. Namimilit kasi si Kennedy na pumunta rito." napayuko si Celine.

"What happened here?" si Mommy Xyna iyon.

"Celine?"

"Lola!" agad na yumakap si Kennedy kay Mommy Xyna kitang-kita ko ang gulat sa kanilang lahat parang hindi makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito.

"Xyriel, explain this to us? Nagka-anak kayo?" tanong ni Mommy kay Xyriel.

"Mom, let me explain. Love, let me explain..." akmang hahawakan niya ako nang lumayo ako sa kaniya, muntik na akong matumba mabuti nalang nasa likod ko na si Eli.

"Xyriel, huwag muna tayong mag-usap. Xerena, sumama ka sa akin." hinila ko ang anak namin sa kaniya.

"Kanila Mommy kami mag-iistay."

"Baby, please pakinggan mo muna ako. Mali ka nang iniisip."

"Ah so ako pa ang mali?!"

"No, hindi gan'on baby naman please." naiiyak na ito.

"Bahala ka sa buhay mo, Mommy Daddy uwi na po tayo." dumiretso na ako sa van nila Mom dahil binuksan na ito ni Kuya Ton.

"Maguusap tayo ng masinsinan bukas, Xyriel." bago kami makapasok narinig ko pa na sinabi iyon ni Daddy kay Xyriel.

"Mommy, what happened po? Bakit iwan ang Daddy?"

"Xerena, I'll explain sa'yo once na lumaki ka na." wala naman na nagawa ang anak ko kundi yumakap nalang sa akin.

Paanong nangyari na kanina okay pa kami? tapos ngayon bumalik na si Celine may kasamang bata tapos tawag pa kay Xyriel, Daddy? Gusto kong umiyak sa naiisip ko paano na kami ng mga anak ko? Bakit ba hindi na ako naubusan ng problema?

A/N* hello, thank you for reading my story! Sa tingin niyo anak ba ni Xyriel si Kenny? Huwag na kayo galit. Trust me with this.

*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon