Chapter 7

1.3K 18 0
                                    

Pagkatapos kong mag-restroom nakakita ako ng Alcohol area. Namiss ko na rin uminom kaya agad-agad akong lumapit do'n.

"What would you like to drink, Ma'am?" agad na tanong ng bartender. Gwapo ito and I think same sila ng age ni Xyriel. Abo ang mga mata nito at mahaba ang buhok.

"Can I have one mojito? Please?"

"Sure." while he was preparing my drink, I looked around the entire garden of the Joaquin family's house.

"Here's your drink, Ma'am." I looked back at the bartender.

"Thank you." agad ko iyon tinikman good thing may kasama itong straw.

"You are Xyriel's wife, right?" natigilan ako sa pagsimsim ng mojito at napabalik ng tingin sa kaniya.

"Yes, ako nga. Bakit mo ako kilala?"

"I also study where you study." ah we are schoolmates. There was a long silence around us as he just watched me drink.

"Ah baka natatakot ka, by the way. My name is Juancho Sarmiento. Kaibigan ko dati ang husband mo, now hindi na." natawa siya ng mahina.

"Kaibigan ka ni Xyriel? Anong nangyari bakit kayo natigil na mag-usap?"

"Dahil sa babae." natigilan ako. Babae?

"Ako ang boyfriend ni Celine, bago siya. Akala niya kasi gusto kong makipagbalikan kay Celine, pero ang totoo ay hindi. Si Celine ang nakipag-kita sa akin no'n para sana maging maayos ang break-up namin pero iba ang inisip ni Xyriel so ayon, bigla nalang niya ako hindi kinausap. That's it."

"Aaah."

"May gusto akong iba, kaso kasal na siya ngayon." napabalik ang tingin ko sa kanya.

"At ngayon tuwang-tuwa ako dahil nasa harapan ko na siya ngayon." nag-init bigla ang mga pisngi ko.

"Kakakilala lang natin Juancho." naiilang kong sabi.

"Yeah. Sorry natutuwa lang talaga ako. Alam kong hindi mo naaalala pero ilang beses na ako ang humawak sa mga photoshoots mo na ginawa sa school, sobrang lungkot ko nga ng tumigil ka na sa pagmomodelo."

"Sorry. Hindi kasi ako nagbibigay atensyon sa iba."

"Alam ko. Kasi lahat ng atensyon mo nasa kaniya 'di ba?" parang nag-init ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Pakialam mo ba." natawa lang siya sa naging sagot ko.

"Oops! Mukhang masusuntok na naman ako." natatawa niyang sabi napunta ang tingin niya sa likod ko. Kaya napatingin din ako, at nakita ko ang bulto ng asawa ko na paparating sa pwesto ko at madilim ang kaniyang awra.

"Akala ko ba sa restroom ka lang, anong ginagawa mo rito?" but he wasn't looking at me, but at Juancho, he immediately put his right hand on my waist.

"Oops. Labas ako riyan nagpunta siya rito kasi gusto niya uminom, wala akong ginawa sa kaniya." nakataas kamay na sabi ni Juancho kay Xyriel.

"Let's go." bulong sa akin ni Xyriel kaya inubos ko muna ang inumin ko at nagpasalamat kay Juancho.

"Salamat, Juancho." akmang tatalikod na ako ng biglang hinawakan ni Xyriel ang braso ko.

"Huwag kang lumapit sa asawa ko." mahinang sabi ni Xyriel sapat na para marinig namin ni Juancho. Si Juancho naman natatawa na naman.

"Hindi ka pa rin, nagbabago Xy! Hanggang ngayon insecure ka pa rin sa akin."

"Hindi ako insecure sa'yo, gago!" akmang susuntukin niya si Juancho pero pinigilan ko.

"Stop, honey."

"P'wede ba Xy, hayaan mo na ako maging masaya ikaw na nga pinili ng lahat ng mga babae na nagustuhan ko 'di ba?" I can see the sadness in his eyes. It's true. first Celine, now me, because she confessed to me earlier. Juancho looked at me.

"I'm here Mrs. Joaquin if you want my help." I nodded but Xyriel didn't like that.

"She doesn't need your help." Xyriel said firmly. But Juancho ignored him because someone had ordered.

Hinila na ako ni Xyriel papunta sa table namin nakabalik na pala ang mga magulang namin kasama si Xyren.

"What happened, son?" tanong ng Mom niya.

"Nothing Mom, let's eat."

Natapos ang gabi, nasa kotse kami ngayon at pauwi nasa mansion namin ni Xyriel. Ngunit hindi ako kinikibo ni Xyriel talagang nagalit siya ro'n?

"Honey, I'm sorry hindi ko alam na kakilala mo siya." mahina kong sabi.

"Anong sinabi niya sa'yo?" tanong niya sa akin na hindi man lang tumitingin sa akin kundi sa kalsada lang.

"ex-boyfriend daw siya ni Celine, at dati mong kaibigan, and....." hindi ko alam kung sasabihin ko ba 'yon sa kaniya.

"And? what's next, Katana?" nag-red ang traffic lights kaya napunta ang buong atensyon niya sa akin.

"And he confessed that he liked me." Xyriel hit the steering wheel hard, which surprised me.

"Putangina talaga niyan! Tell me naniwala ka naman?" agap niyang tanong at umiling ako. Mukhang sapat na 'yon dahil huminahon na siya at nag drive nalang ulit.

When we got home he didn't go straight to his room but to the wine pantry of the house. He took a full wine and immediately drank it.

"Xyriel, pagod ka na huwag ka nang uminom."

"Xyriel? You just talked to that idiot, you stopped calling me Honey, like you always did?" he laughed sadly before drinking again.

"Honey... tama na 'yan, matulog ka na." mahina kong sabi hindi ko alam bigla akong nahiya na tawagin siyang honey pagkatapos ng mga nalaman ko kanina.

After ng ilang ulit na pakiusap tumigil na rin siya kakainom yung isang litro ng alak ay nakalahati niya na, at mukhang lasing na ito.

"Akin na 'yan, lasing ka na." inagaw ko ang alak sa kaniya at binalik sa pantry. Buong oras na ginagawa ko 'yon, ay nakatingin lang siya sa akin.



*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon