"Katana, anak tubig." inabutan ako ng tubig ni Yaya Lisa, kumalma naman ako pagkatapos kong uminom. Pinagsaklop naman ni Eli ang mga buhok ko at saka inipitan. Pinunasan din nila ang aking mukha, dahil sigurado ako na namumugto na ang aking mga mata at pulang-pula na ang buo kung mukha dahil sa kaiiyak.
"Tatawagan ko si Xyna, hindi ito p'wede." akmang tatawagan ni Mommy si Mommy Xyna pero pinigilan ko siya.
"Mommy, please don't. I don't want them to know especially Xyriel, that we will have a baby together. Mommy, he doesn't want my child. He loves Celine so much. To the point that he hasn't been coming home for three weeks. I can't do anything about that, Mommy. I can't change his feelings towards me. Mommy, Daddy please.... Let's, let them be happy. I'm the only one who entered the scene. Just keep me away from him.."
Nakita ko ang pagbaba ng phone ni Mom at ang kaniyang mga mata na ngayon ay lumuluha na.
"Oh my dear. Napakalambot ng puso mo. Hindi mo deserve lahat ng ito, anak ko. Kasalanan namin ito ng Daddy mo." Mommy kissed my forehead.
"I'm going to take all our shares on their company. Wala akong pakialam kung magalit ang mga Joaquin sa akin." parehas kaming napatingin ni Mommy kay daddy na ngayon ay sobrang seryoso na, namumula ang kaniyang mga mata halatang pinipigilan niya na umiyak.
"Pero Joaquin? Ako ang nag-offered ng shares na 'yon at isa pa malaki ang naging tulong ni Xyriel sa company din natin?" alangan na tanong ni Mom.
"Wala akong pakialam Katrina. Yung simpleng hiling lang naman natin sa kanila ay huwag nilang sasaktan ang anak natin. Hindi nila tinupad. Kaya quits na kami kapag binawi ko ang shares natin sa company nila, tutal tayo naman ang big shareholders nila." hindi na kami pa sumagot ni Mommy dahil alam naming mainit ang ulo ni Daddy. Bilang unica hija my Mom and Dad wants the best for me ika nga nila kahit maubos ang kayamanan namin maibigay lang nila ang mga gusto ko.
"So tell me, anak. What do you want?" seryosong tanong ni Dad sa akin.
"I-annul ang kasal namin."
"How about the unborn baby, darling?" agap na tanong ni Mom kaya napatingin din ako sa kaniya.
"Bubuhayin ko po siyang mag-isa. Pag-aaralan ko po Mommy na maging isang independent woman para mabuhay ko si baby. Paalisin niyo lang po ako ng pilipinas." nagmamakaawa kong sagot.
Nakatinginan si Mommy and Daddy, at nakita kong tumango si Dad mukhang ayon din siya sa gusto ko.
"Masama sa kaniya ma-stress dahil buntis siya. Hindi ko akalain na magkaka-apo ako sa walang kwentang tao pa na 'yon. Tsk. Ayusin na ang mga papeles ni Katana at dadalhin natin siya sa Canada, sumama ka Elisha kay Katana para may kasama siya ro'n." nakita kong nagulat si Eli pero wala na siyang nagawa kundi tumango nalang.
Sa mansion ako nila Mom natulog. Hindi ako umuwi, hindi ko kaya. Kung tatanungin ako tungkol sa desisyon ko ito na yung mabuti para sa amin ni baby. The last thing, I need to do ay makipaghiwalay sa kaniya. Kinausap ko sila Mom na 'saka ako makikipaghiwalay kapag na-process na ang mga papeles ko sa pag-alis hindi ko naman akalain na sobrang bilis nila Dad na magagawa ito.
"Here's the annulment paper, Katana just sign it at makipag-hiwalay ka na sa magaling mong asawa. Mga tangina nila, talagang nag-celebrate pa sila ng birthday kasama yung Celine na 'yon, hindi man lang tayo inisip?"
I hold the annulment paper at binasa ang mga nakapaloob do'n. Nakalagay din sa usapan na bawal na makipagkita sa akin si Xyriel kailan man at kung lumabag siya magbabayad siya ng karampatang multa. Nakakapagtaka dahil walang nakalagay about sa anak namin.
"How about my baby, Daddy?"
"Hindi ko na inilagay diyan, kapag nalaman niya na may baby kayo baka hindi siya pumayag na makipaghiwalay. Ako ang bahala sa'yo Katana, you don't need him. Kami ang mag-aalaga sa'yo at sa magiging apo namin ng Mommy mo." parang hinaplos ang puso ko sa narinig na iyon.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love
RomanceSi Katana Elouise Madrigal ay may matagal nang pagtingin sa kaniyang kababata na si Xyriel Diego Joaquin, ngunit ayaw sa kaniya nito. Isang problema ang magiging dahilan kung bakit sila magkaka-lapit. Magiging worth it nga ba kung paiiralin niya ang...