Chapter 6

1.7K 26 1
                                        

Chapter 6

unknown.
"I'll fetch you later. Birthday ni Mom and gusto niya tayong makita kaya kailangan nating pumunta."

Nakakatawang isipin na sa loob ng seven months na mag-asawa kami this is the first time na tinext niya ako. After kong magreply ng sure, with heart. Direct saved na agad ako sa number niya at nilagyan ko ng contact name na "Honey".

Gaya ng sabi niya sinundo niya nga ako at hindi ko na tinawagan pa si Eli para ayusan ako dahil may kinausap na pala siya para ayusan ko. I just wore a simple sunflower dress na lagpas tuhod at sandals na two inch lang ang taas. Nilugay lang din ang mahaba at mejo kulot ko na buhok ang theme daw kasi ay summer. Si Xyriel naman naka-sunflower polo at khaki short na white, naka-sandal lang din siya na panlalake. Hindi ko alam na couple kami tonight, siya siguro namili nitong susuotin namin, kinikilig ako sa inisip.

Dumating na kami sa house nila at as usual binati kami ng lahat. Some of them, congratulate us at nagtatampo bakit hindi namin pinublic ang kasal, at hinayaan ko nalang si Xyriel na sumagot do'n. Nakita ko pa ang Mommy at Daddy ko couple rin sila parehas silang naka-pula. I miss my mommy and daddy.

"Mommy! Daddy!" agad-agad akong tumakbo at yumakap sa kanilang dalawa.

"I miss you, Mommy and Daddy ko." para akong maiiyak after seven months nagkita rin kami.

"We missed you too, darling." Dad kissed my forehead.

"Where's your husband, anak?" agad akong tumalikod at nakita ang bulto ng asawa ko na papalapit sa amin at naka-smile. Sana nga real ang smile mo, nalungkot ako sa naisip.

"Hi, Mom! Hi Dad!" he kissed my Mom and hugged my Dad.

"Happy Birthday to your Mom, anak." bati ni Mommy.

"Thanks, Dad. Salamat po sa tulong ninyo, hindi kami na bankrupt." sabi naman ni Xyriel.

"Wala 'yon, anak. Magaling ka kasi maghandle kaya lumago. Thanks for the help din sa company namin." nakinig lang ako habang naguusap si Dad at Xyriel.

"Magkaka-apo na ba kami? It's been seven months na mula ng ikasal kayo." sabi ni Mom na nagpa-ubo sa amin.

"Mommy, busy po kasi kami kaya, wala pa po kaming balak." ako na ang sumagot dahil hindi nakasagot agad si Xyriel.

"I know. Excited lang ako dahil for sure magaganda't pogi ang magiging anak niyo, can't wait kapag nangyari na 'yon." tumigil na rin sa pangungumbinsi si Mom na mag-baby kami dahil sinaway na siya ni Daddy.

Nagsimula na ang party, nalulula ako sa mga regalo na binibigay kay Mommy Xyna. Parang kasi yung mga binibigay sa kaniya ay kayang-kaya niya naman bilhin. Nakalimutan kong nandito rin pala si Xyren ang youngest sister ni Xyriel.

"Kuya, you're here pala bakit hindi mo ako nilapitan?" Nagtataray na sabi nito nang lumapit siya sa table namin. Sobrang ganda ng batang ito, mahaba at straight ang kulay itim na buhok, maputi rin siya katulad ko.

"I'm sorry, sweetheart may pasalubong naman ang Kuya, para sa'yo." and then he kissed her forehead.

"Dapat lang." Nakita kong tinarayan niya ang kuya niya bago umupo sa tabi ni Xyriel. Ang mga magulang namin na kasama rin namin sa table ay tumayo muna para makipagsocialize sa ibang mga elites na invited ngayon. Napatingin naman sa akin ang atensyon ni Xyren.

"And you are my brother's wife?" tumango naman agad ako. Now ko nalang ulit nakita itong si Xyren, baby pa kasi siya nung pinadala siya sa states para roon palakihin.

"I thought Kuya, ang pakakasalan mo ay si ate Celine? where is she?" takhang tanong ni Xyren ng mapunta ang tingin sa kuya niya.

"Stop, Xyren have some respect nandito ang asawa ko. Wala sa Pilipinas ang ate Celine mo nasa Paris siya." doon ulit napunta ang tingin niya sa akin at tinarayan ako.

"I hate you for my brother." napahinto ako sa akmang kakain ng cupcake.

"Super duper hate. Ang pangit kaya ng ugali mo. Hindi tayo p'wede magsama kasi masama rin ugali ko." etong baliw na 'to iniiwasan ko na nga ang pagiging maldita ko pero sinusubok ako nito.

"Alam mo ba na engaged na ang ate Celine at Kuya Xy ko nung sinundan siya ni Kuya sa Paris? pumayag lang si kuya sa kasal niyo, dahil kailangan namin ng power niyo and now nakuha na namin gusto namin, kaya babalik na si Ate Celine at hihiwalayan ka na ng kuya ko." sabi nito sabay taray.

"Xyren, Stop." saway ni Xyriel sa kapatid.

"Why? she needs to know, by the way. Para alam niya kung hanggang saan lang siya." umayos na siya ng upo at napunta nalang ang atensyon sa dalang pagkain.

Hindi rin nagtagal si Xyren sa table namin dahil may dumating na chocolate fountain at iyon ang pinagtripan niya. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sa pwesto ko si Xyriel.

"About sa sinabi niya---"

"Okay lang." tinusok ko yung cupcake ng tinidor na kanina ko pa sana kinain kung hindi lang sinabi ni Xyren 'yon, tuluyan na talaga akong nawalan ng gana.

"Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin kay Mommy at Daddy yung nalaman ko, masaya pa mga kami na nakatulong kami sa inyo."

"About do'n yes, we're engaged ni Celine pero gawa lang 'yon ng impulsive decision ko hindi naman na 'yon matutuloy pa, dahil I'm married na. Pero yung sa sinabi ni Xyren na we just used your family, mali ka ng iniisip we need your family support that's it. Mom and Dad were very greatful about it."

"Hindi mo kailangan magpaliwanag." tumayo ako at nagpaalam muna na pupunta sa restroom. Sasamahan pa niya sana ako pero hindi na ako pumayag pa alam ko naman kung saan makikita ang restroom for guests.

***
New Character:

Xyren Deniel Joaquin (Xyriel's sister, 15 years old.)

*AN: Your like, comment, and share are highly appreciated! 🤍

A/N*
My Official accounts:
Twitter :
https://twitter.com/madamjathegorg?s=09
Tiktok : https://www.tiktok.com/@madamjathegorg?_t=8dGSUnEfQNM&_r=1

The Unwanted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon