VIII - I, somehow, know Aims.

2.4K 38 1
                                        

Selena

Pumasok siya sa loob at sumunod naman ako sa kanya.



Binalewala ko na lang yung mga tumitingin saakin.



Kailangan ay iwasan ko sila.



Naupo na kami doon sa table namin kanina.



Nakabili na pala si Ron ng lunch para sa aming dalawa.



"Ron." Sabi ko.



Sasabihin ko na sa kanya kung bakit kami magkasabay ni Aims pumasok kanina.



"Bakit?"



"'Yung kanina. Kung bakit kami sabay pumasok ni Aims."



"Yeah, oo nga pala. Hindi mo pa sinasabi sakin. Tell me why."



"Kasi diba kahapon nung nandoon tayo sa bahay ni Ivan, after natin magpretend na nagsesex pinuntahan mo na si Mika."



"Sorry about that. I need to accompany her."



"No, it's okay. I understand. Nung time na 'yun, uuwi na dapat ako kaya lang hinatak ako ni Aims papunta doon sa kwarto."



Napatigil ako sa pagsasalita.



Bakit nanginginig yung mga kamay ko? Ah, malamig lang siguro kaya giniginaw ako.



Napayuko ako at tinignan ko na lang yung pagkain ko.



"And then?"



Uminom ako ng tubig at pinagpatuloy ang pagsasalita.



"Ni-lock niya yung pinto ng kwarto at tinulak ako sa kama. Then, suddenly, bigla na lang siyang nagtanggal ng damit at pambaba hanggang sa yung boxer na lang niya ang natira."



Kanina ay pakiramdam ko nilalamig ako dahil nanginginig ang kamay ko pero ngayon ay init na init naman ang mukha ko dahil namumula ito habang nagkukwento ako.



"What?!" Kinalampag ni Ron yung table namin.



Medyo napalakas pa 'yung sigaw niya kaya napalingon saamin yung mga nasa malapit lang sa table namin.



"P-pero tumakbo agad ako hanggang makalabas ako at pumara ng taxi."



Pagkasabi ko nun ay kumalma na ng kaunti si Ron pero halata pa rin ang inis niya.



"Then? Bakit nga kayo sabay pumasok nung gagong yun?"



"K-kasi, sinundan niya ako sa condo ko. A-at dun ko siya p-pinatulog."



Nagulat si Ron sa sinabi ko.



"Ano?! Bakit mo ginawa yun?!" pabulong niyang sinabi saakin para hindi na kami makaagaw ng atensyon.



"A-ang lakas kasi ng ulan kagabi. A-ano, nag-aalala ko sa kanya kasi baka maaksidente siya sa daan."



Napakagat-labi ako sa sinabi ko.



"Sana hinayaan mo na lang siya!"



"Wala naman siya ginawang masama eh!"



"Paano kung meron? Paano kung pinagsamantalahan ka nun! Kilala mo naman siya diba?! Napakagago nung lalaking yun! Lahat ng babae dito kinakama niya! Paano kung--"



Pinutol ko na siya sa mga sinasabi niya.



Hindi na tama 'yung ginagawa niya. Hinuhusgahan niya si Aims pero hindi naman niya ito kilala.



"Ron! Wala nga siyang ginawang masama! Sandali lang kami nagkasama pero nakilala ko siya. Nakilala ko si Aims. Hindi mo pa siya kilala kaya huwag mo naman siyang pagsabihan ng kung anu-ano!"



Napabuntong-hininga si Ron at tumahimik.



Kilala ko si Aims. Hindi niya 'yun ginagawa para magpakasaya o para sumikat.



May pinagdaanan siya. Nasaktan siya at ayaw na niyang maulit 'yon kaya niya 'yun ginagawa.



Nagsalita ulit si Ron, "Okay, i'm sorry. I'm just worried for you."



"I, somehow, know Aims."



"Yes, maybe you know him. And you understand him. Pero iba ang pagkakakilala ko sa kanya. Di mo naman ako masisisi."



Hindi na ako sumagot at sinimulan ko nang kainin yung lunch ko.



Walang nagsasalita saaming dalawa.



Alam ko naman na may point siya.



Kaibigan ko siya kaya siguro ay nagiging over protective siya saakin.



Naiintindihan ko 'yung reaction niya. Maski ako naman ay ganoon din ang pagkakakilala kay Aims dati.



Pero, hindi ko alam. Sandali lang naman kami nakapagsama o nakapagusap ni Aims pero parang kilalang kilala ko na siya.



Maya-maya ay may naramdaman akong lumapit sa table namin.



Itinigil ko muna ang pagkain ko at tiningala kung sino yun.



Nakatayo sa gilid ng table namin ni Ron ang dalawang babae.



Pareho silang magaganda at may korte ang katawan.



Sikat sila sa eskuwelahan na ito kaya halos lahat ay kilala sila.



Sina Tracy at Tiffany.

--

Virgin No MoreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon