XXXIV - Long time no see.

1.7K 24 2
                                    

Selena


Pagkalabas ni Ron ng cafeteria ay nanlamig ang katawan ko. Pansin ko ang magkahalong pagkadismaya at kalungkutan sa mga galaw niya. Hindi siya makatingin sa akin. Para bang ikinakahiya niya na kilala niya ako... na kaibigan niya ako.



Lumingon ako kina Tracy at Tiffany. Nakaupo lang sila sa lamesa at parehong nagtatawanan. Naglakad ako patungo sa kanila. Pagkaupo ko ay nakita ko si Chelsea na tumatakbo papalabas ng cafeteria na punung-puno ng mango shake ang buhok at mga damit. Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ang tingin ko sa kay Tracy na mukhang proud na proud sa ginawa ko. Nakaramdam ako ng awa dun sa Chelsea. Pero, sinunod ko lang naman ang gusto ng kaibigan ko. At, una sa lahat, ay siya naman ang unang sumugod sa lamesa namin. Ipinagtanggol ko lang si Tiffany.



Kung ano man ang gulo sa pagitan nila ay dapat hindi na ako nakialam pero hindi ko lang napigilan. Kaibigan ko si Tiffany at hindi ko maaatim na makita siyang inaaway ng kahit sino sa harap ko. Nagpatuloy kami sa pagkain.



Buong araw hindi tumitingin sa akin si Ron. Hindi niya ako pinapansin. Kahit nga noong mapagalitan ako ng professor namin at napatingin sa akin ang lahat ng kaklase ko ay hindi pa rin niya ako binigyang-pansin. Tanging si Aims lang ang nakausap ko buong araw.

 

Napangiti ako. Ang daldal niya. Kung ano-ano ang sinasabi niya sa akin kaya hindi na ako nakakinig sa guro namin. Halos sa kanya ko lang ibinuhos ang atensyon ko. Noong pagpasok ko kasi ay napansin niya yata na wala ako sa aking sarili kaya hindi niya ako tinigilan hanggang sa mapansin ko siya. Nagkwento siya ng kung anu-ano. Natawa pa nga ako sa mga reaksyon niya habang nagkukwento siya. Napalakas yata ang tawa ko kaya napagalitan tuloy ako ng prof namin.



Inirapan ko si Aims na palihim na ngumingiti at pinipigilan ang kanyang tawa. Hindi kasi siya nahuli ng prof namin. "Ikaw kasi..."




Matapos ang klase ay iniligpit ko na ang gamit ko. Namataan ko si Ron na nagliligpit din ng kanyang gamit at pagtapos ay lumabas na sa room. Binilisan ko ang pag-ayos ng mga gamit ko. Nakatingin sa akin si Aims at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Oh... ang bilis naman magbago ng mood nito.



Isinukbit ko ang bag ko. "Una na ako, Aims." sabi ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman na dapat ako nagpapaalam sa kanya.



Dali-dali akong naglakad papalabas ng room. Kailangan kong maabutan si Ron. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko sanang linawin ang lahat. Pinigilan ako ni Aims. Hinawakan niya ang mga braso ko.



Mataman niya akong tinitigan. "Where are you going?" seryosong tanong niya.




Itinuro ko ang pinto. "Aalis na?" medyo naguluhan ako sa tinanong niya.



"Bakit ka nagmamadali?" sabat niya agad. Tumaas ang kanyang kilay.



Bumuntong hininga ako. Kailangan ko nang makaalis at baka hindi ko pa maabutan si Ron. "I'll follow Ron. I want to talk to him."




"I'll go with you." walang pag-aalinlangang sinabi niya.




Agad akong umiling. "No. Wag na..." tinanggal ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "May kailangan lang akong sabihin sa kanya."




Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon