XXXIII - Another client?

1.7K 23 10
                                    

Selena



Pagkagising ko ay wala na akong katabi. Inayos ko ang sarili ko. Sinuklay ko ng aking mga kamay ang aking buhok. Bumangon ako at nagpasyang lumabas na dito sa loob ng kwarto ni Aims. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa mga nangyayari. Tungkol sa nangyari kagabi. Hindi ko maintindihan.


Para bang kinain ko na ang mga pinangako ko sa sarili ko noong nakaraan. Alam ko noong una pa lang na ang planong pag-iwas kay Aims ay taliwas sa aking kagustuhan. Kaya naman nahirapan akong gawin iyon. Para ko na ring binitiwan ang sarili ko kapag pinagpatuloy ko iyong nais kong gawin.


Hindi ako makapagdesisyon ng maayos. Hindi ko alam ang gagawin. Pero aaminin ko na ang mas gusto ko ang kung anuman ang nangyayari ngayon. Natatakot ako kung patibong lang ba ito. Natatakot akong masaktan.


Sinabi ko na ang mga nasa isip ko kay Aims kagabi. Bumuntong hininga ako. Wala naman sigurong mawawala kung maniniwala ako sa kanya, hindi ba? Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi niya kagabi. Na hindi niya ako ginagamit. Na mahal niya ako.


Napalunok ako. Ngayon, gagawin ko muna kung ano ang gusto ko. Hindi ko na iintindihin kung ano pa ang maaaring maging kapalit nito. I am more than willing to take the risk. Ang mahalaga sa akin ay maging masaya ako. Wala namang mawawala kung magbabaka sakali ako, hindi ba? Baka sakaling totoo yung sinabi niya. Baka sakaling pwede kami.


Pagkababa ko ay nakita ko siyang nagluluto ng breakfast. Kinamusta niya ang tulog ko at pinagmasdan ko lang siya habang nagluluto siya. Hindi maalis sa sarili ko ang pagkahumaling at paghanga. Naupo ako sa lamesa at hinayaan ko siyang hainan ako ng pagkain. Malaki ang ngisi niya habang nakatingin siya sa akin. Kumain kami at pagtapos ay nagtungo na sa sala.


Pinlano kong umalis na pagtapos naming kumain pero pinigilan niya ako. Aniya ay gawin muna daw namin iyong thesis namin bago ako umalis.


"I'll drive you home later. Gawin muna natin iyong thesis natin." sumang-ayon naman agad ako sa sinabi niya. Wala pa rin kasi kaming nasisimulan sa thesis namin at tutal ay wala din naman akong gagawin sa aking condo.


Kinuha niya ang kanyang laptop at tumabi sa akin sa sofa. Napalunok ako nang may maalala ako. Nag-iwas ako ng tingin. Binuksan niya ang laptop miya at nagsimula na kaming mag-research tungkol sa napuntang paksa sa amin para sa thesis namin.


Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Hindi rin ako makapag-isip ng tama. Kumakalabog ang dibdib ko dahil kakaunti lang ang distansyang naglalayo sa amin. Nagwawala ang sistema ko at hindi ako mapakali.


Nang narami na kaming nagawa para sa thesis namin ay nagpasya akong umuwi na. Nagbihis siya at sinabi niyang ihahatid niya ako.


"No. Wag na. Kaya ko naman mag-abang ng taxi." sabi ko dahil nakakahiya na kung ihahatid pa niya ako sa condo ko.


Umigting ang kanyang panga at tumaas ang isa niyang kilay. "I'll drive you home." aniya. Hindi na ako nagreklamo pa. Ayoko nang pasiklabin pa iyong mga nag-aalab na tingin niya sa akin. Sumunod ako sa kanya at pinagbuksan niya akong ng pinto ng kanyang sasakyan. Ngumuso ako at sumakay na. Naalala ko pa noong una akong nakasakay dito. Ni hindi niya man lang ako inayang sumakay nun. Hindi niya rin ako pinagbuksan ng pinto noong bababa na ako. Kinalampag lang niya iyong pinto ng kotse niya at hinayaan akong bumaba mag-isa.


I don't really get him. Hindi ko siya makilala ng lubusan. Ang hirap niyang kabisaduhin. Noon ay medyo palabiro pa siya, minsan ay galit, minsan nakakainis, at ngayon naman ay ang seryoso niya. Inayos ko ang sarili ko at pinanood ko siya habang nililiko niya iyong sasakyan.


Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon