XLV - I guess I'm virgin no more.

1.5K 22 1
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS SPG SCENES. READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU.



Selena



Hindi tumigil ang malakas na ulan. Masyado ng gabi. Ilang sandali lang ay nagsabi si Aims na magpunta doon sa bahay kubo sa malapit. Sumunod naman ako sa kanya.



Huminga ako ng malalim ng makarating kami doon. Niyakap ko ang sarili ko dahil basang basa ako at nilalamig. Mukhang matatagalan pa bago kami makaalis dito. Wala kaming phone na available at wala masyadong sasakyan na nagdadaan. Hindi ko alam kung saan ba kami napadpad.



Tinignan ko si Aims. Kumuha siya ng isang lamp na nandoon para magsilbing ilaw. Inayos niya ang upuan at isang maliit na kama na nandito sa kubo. Tinignan niyang mabuti ang buong kubo.



Naupo ako sa isang upuan na malapit sa akin. Pinagmasdan ko lamang si Aims sa lahat ng bagay na ginagawa niya.



Hinubad niya ang kanyang damit at naupo doon sa kama. Napalunok ako.



Halos hindi ako makahinga sa napakagandang tanawin sa harap ko. Muli ay nakita ko na naman ang napakisig na katawan niya. Ang perpektong mga dibdib at iyong mga malalaking braso niya. Kinagat ko ang labi ko at nakramdam ako ng mga malilikot na bagay sa tiyan ko.



Hindi ko maalis ang mga titig ko sa kanyang katawan.



Bigla siyang napatingin sa amin. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung dahil pa ba sa lamig o dahil sa mga kung ano anong bagay na parang nagtatakbuhan sa loob ng katawan ko nang makita ko si Aims.



Nag-iwas siya ng tingin at tila ba nag-isip ng ilang sandal. Humugot siya ng malalim na hininga. "Come here." Aniya.



Nagulat ako sa sinabi niya. Ilang segundo akong naestatwa bago ko tuluyan narealize ang sinasabi niya. Nagdalawang-isip ako pero lumapit din ako sa kanya. Tumabi ako sa kanya sa kama.



Napalunok ako.



Tinitigan ko si Aims. Nakatingin siya sa akin. Kita ko ang concern sa mga mata niya.



Hindi ako gumalaw. Hindi ako nagsalita.



Ilang segundo lang ay lumapit pa siya lalo sa akin at hinawakan niya ang aking baywang. "I'm sorry, too." Aniya. "Because I gave up." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "But that won't happen again. Right?" paninigurado niya.

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon