XXI - It's dangerous.

1.7K 19 0
                                    

Selena


Pinunasan ko ang luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Nakakainis naman. Hindi naman ako dapat umiiyak. Hindi naman ako dapat nagseselos. Hindi naman dapat.



I shouldn't be like this. I shouldn't feel this way. Kung si Ron nga ay hindi ko naman iniyakan dahil kay Mika pero etong si Aims iiyakan ko?



This is wrong. What i'm feeling right now is wrong. Very wrong. It's dangerous.



Hindi dapat ako nagkakaganito. Ilang beses pa lang naman kami nagkakasama ni Aims pero bakit ganito na ang nararamdaman ko.



Pinunasan ko ang luha ko at tumingin muli sa mga pictures nila.



Eh ano naman kung si Kim 'yung ex ni Aims? Ano naman kung sa tingin ko ay mahal pa rin niya si Kim hanggang ngayon? Wala naman dapat akong pakialam diba? Wala naman dapat akong nararamdaman.



Pero bakit ganito? Tuwing nakikita ko ang mga pictures nila ay nalulungkot ako. At nagagalit. Nag-iinit ang mukha ko at gustung-gusto kong i-delete ang lahat ng pictures nila na nagsisilbing alaala nila. Pero hindi ko iyon gagawin. Dahil alam ko, aminado ako, wala ako sa tamang posisyon para gawin yon. Nahihibang na yata ako.



Ang saya-saya nila at mararamdaman mo agad na may maganda silang pinagsamahan. Pinikit ko ang mga mata ko. I want to know more. I want to know their story. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanila at kung bakit sila naghiwalay. Gusto kong malaman ang lahat ng detalye dahil hindi ako mapapakali kapag hindi ko nalaman yon. I want to know everything about them.



Inayos ko yung laptop sa harap ko at naghanap pa doon ng mas marami pang impormasyon. Binuksan ko ang lahat ng mga documents doon para makita kung ano ang mga laman nun. In-open ko ang lahat ng mga files na naka-save dun sa paga-akalang may makikita pa akong ibang impormasyon tungkol sa nakaraan nila pero wala akong nakita. Tanging yung pictures lang nila ang nakita ko.




Napayuko ako at naisip ko kung mahal pa kaya ni Aims si Kim. Maganda si Kim. Gaya ng una kong impression sa kanya ay mukha talaga siyang mabait. Morena siya at napakaamo ng kanyang mukha. Para bang hindi siya makabasag pinggan pero mukhang madalas rin siya sa night club at mukhang sanay na sanay na sa kahit na anong alak. Hindi naman nakapagtataka kung bakit nahulog sa kanya si Aims. Si Kim kaya yung sinasabi ni Aims na nakapagpabago sa kanya? Siya kaya yung dahilan kung bakit naging ganito ang ugali ni Aims? Ewan. Hindi ko alam. At hindi ko naman dapat alamin.



Naputol ang lahat ng iniisip ko na 'yan nang biglang nagsalita si Aims sa harapan ko. "Hey. Kanina pa ako nagsasalita dito. Tulala ka diyan."



Tapos na pala siyang maligo. Nakasuot lang siya ngayon ng shorts at white t-shirt. Tumingin ako sa mga mata niya at pilit na ngumiti. "May iniisip lang." Pagkatapos ay pinatay ko na yung laptop at itinabi ito.


"Here." may iniabot siya saaking isang dress. "Sa mom ko 'yan. She's skinny kaya naisip ko na baka kasya sayo ang mga damit niya. Eto muna ang suotin mo."


Wala sa sarili kong tinanggap ang damit na iyon at nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tignan siya ng mas matagal dahil nalulungkot ako. Naaalala ko yung mga pictures nila kapag nakikita ko siya. At ayoko nang maalala pa ang mga iyon. Mababaliw ako sa dami ng naiisip ko kapag naaalala ko ang mga iyon.



Umupo siya sa tabi ko at umusod naman ako ng bahagya dahil masyado siyang malapit sa akin. Tumingin siya sakin at kumunot ang noo niya pero binalewala ko na lang iyon. Kinuha niya ang laptop sa mesa at binuksan ito. "You can take a bath. Ako na muna ang magsisimula sa thesis natin habang hindi ka pa tapos maligo."



Naiisip ko pa lang na mas matagal kaming magsasama dahil sa thesis na iyon ay hindi ko na kaya. Ayoko na muna siyang makita ngayon. Hindi ko kaya. Nagagalit ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Naiinis ako at baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya dahil sa galit ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at masyadong maraming pumapasok sa isip ko.



Galit ako. Naiinis. Alam ko kung bakit pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko. Dahil mahirap. Delikado. Alam ko sa sarili ko na masasaktan ako kapag mas tumagal pa akong kasama siya o baka hindi ako makapagpigil at tanungin na lang siya tungkol sa mga nakita ko.




Hindi dapat ako ganito. Ang tanga tanga ko. Hindi ko dapat hinayaan ang sarili ko na mahulog ng ganun kabilis sa kanya. Kaya hanggang maaga pa lang ay iiwasan ko na lang siya.



Bumuntong hininga ako at pinilit kong magsalita. "I can't help you, Aims. May lakad kasi kami nila Tracy eh. I'm so sorry." sinabi ko iyon ng hindi tumitingin sa kanya. Tumayo ako, "Salamat sa pagpapahiram nitong dress ng mom mo. Ibabalik ko rin ito." Pagkatapos nun ay iniwan ko na siya at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Nung nakalayo na ako ay nagsalita siya pero hindi ko na naintindihan dahil sa dami ng mga naiisip ko ngayon.



Pumunta ako sa kusina at hinanap ang banyo nila. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap nito. Pumasok ako doon at nagtanggal na ng saplot.




Naisip ko na siguro ay patatagalin ko na lang ang pagligo ko para hindi na kami mag-usap pa ni Aims. Halos isang oras pa bago dumating sila Tracy. Dito na lang ako hanggang wala pa sila.



Tumapat ako sa shower at binuksan iyon. Pumikit ako at pinilit kong linisin ang mga nasa isip ko. Pinilit kong tanggalin lahat ng mga naiisip ko para pagaanin ang pakiramdam ko pero hindi ko kaya. Pinilit ko naman pero hindi ko talaga kaya.



Ano ba naman yan, Selena? Oo, matagal mo nang kilala si Aims pero iilang araw pa lang kayo nagkakasama nagkakaganyan ka na dahil sa kanya? Ganito ba talaga ang epekto niya sa mga babae?



Sumakit ang dibdib ko sa naisip ko. Babaero si Aims. Kay Kim lang siguro siya naging seryoso. Ayoko nang umasa. Please, Selena, habang maaga pa huwag ka nang umasa.



It's my fault. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nahirapan akong aminin sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Pinilit kong alisin yon sa isipan ko pero hindi pa rin ako lumayo sa kanya. Kasanalan ko 'to eh. Dahil pinalala ko pa lalo kaya ako nasasaktan ngayon.



Titigilan ko na 'to. Dahil alam kong sa huli ako lang din ang talo.



-

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon