Selena
Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto ay nagtungo na agad ako sa banyo para maligo at makapagpalit ng damit. I will wash this dress tonight and i'll give it back to Aims tomorrow. Hindi ko naman pagmamay-ari ito. At panigurado, ay nagsisisi na si Aims ngayon kung bakit niya pinahiram sa akin ang dress ni Kim.
So much for this day. Bumuntong-hininga ako at nagpasya na kalimutan muna ang mga nangyaring iyon ngayong gabi. Gusto ko nang magpahinga at alam kong hindi ko magagawa iyon kung patuloy na bumabagabag sa akin 'yung mga kaganapan ngayon. Matapos kong maligo ay nag-ayos ako ng sarili ko at tumuntong na kama. Ipinahinga ko ang katawan ko habang hawak ko ang phone ko. Binuksan ko ito at nagulat ako sa sobrang daming text at missed calls dito. Tinignan ko ang mga iyon. Galing ito kina Tracy, Toby, Ron at sa isang unregistered number. Nakapag-usap naman na kami ni Toby at Tracy kaya hindi na ako nag-abala pa na mag-reply sa kanila. Ganoon din naman kay Ron. Binuksan ko ang 17 na mensahe na pinadala niya sa akin. Bakas dito ang pag-aalala. Maraming beses niya akong tinanong kung nasaan daw ba ako o kung okay lang ba ako. Hindi na ako nag-type ng message para sa kanya dahil nakapag-usap na rin naman kami.
Kumunot ang noo ko sa unregistered number na may 21 texts at 5 na missed calls. Binuksan ko ang mga mensahe na iyon. Nagtaka ako kung sino ba itong nagtext sa akin. Nag-aalala siya sa akin.
Where are you?
Hey, you okay?
Sel, answer me.
Why didn't you wait for me outside? Bigla ka na lang sumama kina Tracy.
I'm worried.
Napalunok ako. Ilan lamang iyan sa mga text niya. Hindi ko naman na kailangan maging genius para mahulaan kung sino itong nag-text sa akin. Saan niya naman nakuha ang number ko? Napasinghap ako. Gusto kong ngumiti at gusto kong maging masaya dahil sa mga mensahe niya pero hindi sa ganiton pagkakataon. Kung ano man ang balak niya ay wala akong ideya doon. Hindi ko pwedeng paniwalaain ang sarili ko na totoo itong pinapakita niya. Hindi pwede, dahil lugi ako. He's a pro, i'm a beginner.
Umayos ako ng pagkakahiga at niyakap ko ang unan ko. Dapat ba akong mag-reply sa kanya? Ano ba ang dapat kong gawin? Pumikit ako at sinisi ang sarili ko sa mga nangyayari. Nakakainis. Sa simpleng mga mensahe lang niya ay natataranta na ako? Shit!
Nalulungkot ako at nakakaramdam ako ng guilty tuwing naaalala ko na bigla ko na lang iniwan si Aims doon sa kanila. Ni hindi man lang ako pormal na nakapag-paalam dahil nagmadali ako masyado. Ni hindi man lang ako nakapag-pasalamat para sa pagpapatuloy sa akin sa bahay niya.
Bumalikwas ako sa pagkakahiga at tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko. Hindi ko matiis na hindi magbigay ng mensahe kay Aims. Hindi ko maatim na hindi siya mag-bigay ng reply sa kanya. May utang na loob ako sa kanya at pakiramdam ko ay hindi ako patutulugin ng konsensya ko kung hindi ko bibigyang-pansin ang mensahe na iyon. Alam ko na nagdesisyon ako na simula sa ngayon ay hindi ko na siya papansinin at ilalayo ko na ang loob ko sa kanya pero hindi muna sa ngayon. Promise this is the last. May kung ano sa akin na hindi ko makontrol kapag si Aims na ang usapan. May kung sa akin na nahihirapan akong pigilan kapag tungkol na kay Aims. Pero huli na ito. Pangako ko sa aking sarili na pagkatapos nito ay tuluyan ko nang ilalayo ang sarili ko sa kanya.
Nakatulala akong sa phone ko at hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Nakaka-ilang type na ako ng message pero nawawalan ako ng lakas ng loob na i-send ito at hindi ko rin naman alam kung tama ba itong mga sinasabi ko. Pero sa huli ay naglakas-loob na ako na i-send kaagad iyong mensahe na nitype ko.
"I'm okay. Nothing to worry about. Sorry dahil nagmamadali ako. And, thank you sa pagpapatuloy mo sa akin sa bahay mo."
Yun ang mensahe na pinadala ko sa kanya. Tinignan ko ang oras sa phone ko. 9 pm na. Maaga pa naman pero malamang ay abala siya ngayong gabi. Baka nasa bar o kung saan kaya hindi na ako umasang magre-reply pa siya. Humiga na ulit ako habang hawak ko pa rin ang phone ko. Bumaling ako sa aking pagkakahiga para mas maging komportable ako. Pinikit ko na ang mga mata ko nang bigla kong naramdaman na nag-vibrate yung phone ko. Napaawang ang bibig ko at agad-agad ko iyong binuksan. Pagbukas nito ay nakita ko ang mensahe na galing kay Aims na ngayon ay unregistered pa rin. Napaisip ako kung ire-register ko ba siya sa contacts ko o hindi. May parte sa akin na nagsasabing ito na siguro ang huling pag-uusap namin kaya dapat ay hindi na iyon ilagay sa contacts ko pero nanaig pa rin sa akin iyong parte na baka magamit ko ito balang araw. God, bakit hindi ko mapigilan! Ilalagay ko lang ang ngalan ni Aims sa contacts ko pero hindi na ako aasa pang magtetext ulit siya sa ibang araw. Hindi na ako aasa.
Matapos kong i-save iyon ay binuksan ko na ang mensahe niya. Napalunok ako noong nabasa ko ito.
Aims: My God, i'm glad you're okay! I got worried! Hindi ka nagrereply.
Nakatulala lang ako sa mensahe na pinadala niya sa akin. Ngumuso ako at pinipigilan ang sarili ko na matuwa dito dahil hindi dapat ako natutuwa! Hindi totoo itong pinapakita niya at iyon dapat ang lagi kong alalahanin! Nagulat ako ng may natanggap ulit akong message mula sa kanya.
Aims: Are you home now? Sel, i need your reply.
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko maiwasan ang matuwa at umasang baka nag-aalala nga siya sa akin. And, Sel? Bakit sel ang tawag niya sa akin? He even created a nick name for me! Marahan akong pumikit at nagpasya na mag-type ng mensahe sa kanya. Salungat ito sa ipinangako ko sa sarili ko but i really can't help it! Hindi ko magawang hindi siya pagtuonan ng pansin.
To Aims: Yes, i'm home. I am really okay.
Ilang sandali lang ay nagreply na siya.
Aims: I got nervous. Akala ko ay kung saan kayo nagpunta. I'm terrified, Sel.
This is not true, Selena. This is not true. 'Yan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko habang binabasa ang mensahe na iyon ni Aims.
To Aims: I'm tired. Good night.
Pagkatapos kong i-type ang mensahe na iyon ay nagdesisyon akong hindi na sagutin ang mga texts niya. Binasa ko ang reply niya.
Aims: Let's talk tomorrow. Get your rest well, Sel. Good night.
Hindi ko nag-abala pang mag-type ng reply at pinanindigan ko na na kunwari ay tulog na ako. At ano naman ba ang dapat namin pag-usapan? Hindi kasi malinaw sa akin ang lahat. Ang malinaw lang sa akin ay wala naman kaming dapat pag-usapan. Hindi ko rin siya gustong makaharap.
Maya-maya pa ay nag-text ulit siya.
Aims: I think you're mad. I don't know what i did. I'm getting crazy thinking about what i have done.
Itinabi ko na ang phone ko at hindi na pinansin ang huling mensahe na iyon. I'm not mad. Hindi ako galit sa kanya. Noong una, oo, may parte sa akin na galit sa kanya pero napagtanto ko na ako lang naman ang may kasalanan dito. Dahil ako iyong umasa at nagbigay ng ibang kahulugan sa mga ginawa niya para sa akin. Sarili ko ang dapat kong sisihin dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko. Kaya naman ako nasasaktan ngayon ay dahil pa rin sa akin. Huminga ako ng malalim. Pinikit ko ang mga mata ko. Gusto ko nang matulog.
-