XXXVIII - What have you done?

2.3K 50 42
                                    

Selena


Kinakabahan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Abot-abot ang tahip ng aking dibdib. Para bang may karerang nagaganap dito at hindi ko iyon mapigilan.



Nawala na sa paningin ko si Aims. Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon.



Napapikit ako. Hindi maganda ito. Alam ko kung ano ang iniisip ni Aims. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya. At hindi ko siya masisisi dahil kahit sino ay ganoon ang iisipin sa amin.



Sinulyapan ko si Drake na nakaupo lang sa kama at bakas ang sakit sa kanyang mukha dahil sa suntok ni Aims. Nakatingin pa rin sa akin ang ibang tao at halatang pinag-uusapan nila ako. Pero wala akong pakialam



Ang mahalaga sa akin ngayon ay si Aims. Kung paano ko siya mapapaniwalang mali ang iniisip niya.



Hindi ko kayang dahil sa kagagawan ko ay mawala siya sa akin. Hindi iyon kakayanin ng puso ko.



Bago pa man mahuli ang lahat ay nagpasya akong sundan si Aims. Magmukha man akong tanga dahil sa magiging rason ko ay sasabihin ko pa rin. Magmukha man akong desperada sa mga mata ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon ay ayos lang. Magpapaliwanag ako kay Aims.



Tumakbo ako ng mabilis at nakipagsiksikan sa mga taong nasa loob ng bahay ni Clark. Hindi ko na alintana kung sino ang mga nadadaanan ko. Ang mahalaga sa akin ay ang maabutan ko si Aims.



Narating ko ang pinto at dali-dali akong lumabas doon. Tinahak ko ang daan papunta sa lugar kung saan nai-park ni Aims ang sasakyan niya kanina. Malaki ang posibilidad na doon na dumiretso si Aims.



Hinubad ko ang sapatos ko para mas mapabilis ang takbo ko. Tinahak ko ang daan at nabuhay ang sistema ko nang nakita ko si Aims na nagmamadali sa paglalakad papunta sa sasakyan niya.



Napangiti ako at kinabahan. Hindi ko alam na kaya ko palang makaramdam ng tuwa habang halos mahulog na ang puso ko sa kaba. Ngayon ko lang nalaman na posible palang maramdaman iyon.



Mas binilisan ko pa ang takbo ko nang nakita kong nakasakay na siya sa kotse niya. Isinarado niya na ang pinto at ilang sandali lang ay napansin kong umaandar na iyon.



Binilisan ko ang takbo at sinalubong ko ang kotse niya. Takbo lang ako ng takbo habang sinasalubong ko siya. Kailangan ko siyang makausap.



Nagpatuloy ako kahit na napapapikit na ako dahil sa sobrang silaw sa mga liwanag na nanggagaling sa harap ng sasakyan niya. Papalapit na siya ng papalapit sa akin.



Napahinto ako nang mapansin kong napakalapit na ng kotse niya sa akin. Napapikit ako dahil sa sobrang liwanag. Mabilis ang tibok ng puso ko gayundin ang paghinga ko.



Unti-unting nawala ang nakakasilaw na liwanag at halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pagsarado ng isang pinto.



Tinanggal ko ang kamay na nakaharang sa mga mata ko at naaninag ko ang matikas na pangangatawan ni Aims na nakatayo sa harapan ko.



Sa isang sandali ay naramdaman kong muli ang makamundong bagay na sa kanya ko lang nararamdaman. Nawala ako sa aking sarili nang bumulaga sa harapan ko ang halos perpekto niyang katawan. Pero nawala rin ang lahat ng iyon at napalitan ng kaba nang magsalita siya.



"Ano?" nakakunot ang noo niya sa akin. "Magpapakamatay ka ba?!"



Tinignan ko siyang mabuti. Batid ko ang sakit sa mga mata niya. Mapupungay ang mga ito at parang nakakaawa. Galit na galit ang tono ng boses niya pero iba ang pinapakita ng mga mata niya. Hindi ako nakasagot.



Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon