XXVI - He's doing it for Kim.

1.5K 15 0
                                        

Selena



Napayuko ako at nanghina ang buong katawan ko sa sinabi na iyon ni Tracy. Napakatanga ko talaga. Hindi ko man lang naisip na kaya iyon ginawa sa akin ni Aims ay maaaring ginamit lang niya ako para makuha ang atensyon ni Kim. Hindi ko man lang naisip iyon dahil mas umasa ako na nagaalala sa akin si Aims kaya niya iyon ginawa. Mas nangibabaw sa akin ang pag-asang importante ako sa kanya kaya niya ako kinuha doon sa club. Nagpalamon ako sa pag-asang yon kaya hindi ko na nakita pa ang ibang posibilidad.







Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan ni Tiffany pero hanggang ngayon ay sina Kim at Aims pa rin ang usap-usapan nila. Gusto kong sabihin sa kanila na tigilan na nila iyon dahil nasasaktan na ako sa mga sinasabi nila at naririndi na ako pero hindi maaari. Hindi nila pwedeng malaman ang kung anumang nararamdaman ko para sa kay Aims. Hindi nila pwedeng mahalata na may pagtingin na ako sa kanya. Pero huwag silang mag-alala dahil hanggang ngayon na lang naman ito. Pinapangako ko sa sarili ko na pipilitin kong balewalain ang mga nararamdaman ko na ito at pipilitin kong iwasan si Aims para mas maging maayos na ako.







"Aims is still into Kim. Hanggang ngayon hindi pa rin pala niya nakakalimutan itong si Kim. He's really deeply inlove with her." ani Tiffany.







"Alam naman natin ang naging relasyon nilang dalawa dati. He'll do everything para kay Kim. Para mapansin niya ni Kim." sagot naman sa kanya ni Tracy.







"I clearly remember everything. 'Yung reaksyon ni Aims nung nakipag-hiwalay sa kanya si Kim. Helpless."







"But look at him now. Ibang-iba na siya ngayon. Nag-improve siya and i bet he's doing it for Kim."






"My God! How to be like Kim?!" sabi ni Tiffany pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa.







"Kaya nga naging kaibigan natin si Kim, diba?" tumingin naman si Tracy kay Tiffany at binigyan niya ito ng isang makabuluhang tingin. Para bang sa tingin nila na iyon ay nauunawaan na nila ang gustong iparating ng isa't-isa. Hindi sila tumitingin sa akin at wala akong ideya sa sinabi na iyon ni Tracy.







Nang tinignan ako ni Tiffany ay saka ko lang napansin na nandito na pala kami sa tapat ng condo ko.







"Bye, Selena." sabi ni Tracy at nginitian naman ako ni Tiffany.







I smiled back. "Bye. Thank you." yun na lang ang sinabi ko sa kanila at bumaba na ako sa sasakyan ni Tiffany.





Pagkababa ko ay nagulat ako nang bigla ulit akong tinawag ni Tracy. Binuksan niya ang bintana para makita ko siya. "Selena!"



Lumingon naman agad ako sa kanya. Nakita ko na malawak ang ngiti niya ngayon habang patuloy na akong tinitignan.



Nginitian ko siya para ipakita sa kanyang okay naman ako. Nakangiti kasi siya sa akin at parang hindi ko yata kayang ngumit ng ganun sa ngayon pero pinilit ko pa rin.




"Why, Tracy?" Tanong ko agad sa kanya.



Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Tiffany. Matapos ay ibinalik niya ang tingin sa akin at ipinilig niya ang kanyang ulo. Tinignan niya akong mabuti na para bang sinusuri niya ako. Itinaas niya ang kamay niya para makita ko iyon at itinuro niya ang dress na suot ko ngayon.




"Naalala ko na kung saan ko nakita ang dress na iyan."




Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko. Agad ko siyang tinanong, "Saan?" Hindi ko alam kung bakit parang napakaimportante ng dress na ito at kanina pa nila ito pinag-uusapan. Pero sa ngayon ay unti unti na akong nagiging curious kung ano ba ang meron dito at bakit sila pamilyar dito.




"Ang naaalala ko ay naisuot na 'yan ni Kim one time nung nag-club kami. Sila pa ni Aims noon. I don't know, pero tingin ko ay iyan iyong damit niya at naiwan lang niya kina Aims."



Tumingin si Tracy kay Tiffany at agad namang sumang-ayon si Tiffany doon.



"Yeah, naalala ko na! 'Yan nga 'yung dress na suot ni Kim noon. She likes green."



Natulala ako sa narinig ko. Matapos yun ay nagpaalam na sila at pinatakbo na ni Tiffany ang sasakyan.




Oh, right. Kay Kim pala ito. Napangiwi ako. Hindi ko lubos maisip at hindi ko matanggap na hanggang ngayon ay mayroon pa ring gamit si Kim sa bahay ni Aims. Naalala ko na noong nag club kami ay naka-green din si Kim. She really likes green.



Bumuntong hininga ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.




Wala sa tamang posisyon ang pag-iisip ko ngayon. Kakaunti lang ang mga pumapasok sa isip ko dahil masiyado na itong puno. Hindi ko na kaya ang mga kung ano-anong mga ideya na pumapasok sa isip ko. Pagod na pagod na rin ang katawan ko at nanlalata na ako sa pagod pati na rin dahil sa mga nalaman ko kina Aims at Kim ngayon. Hindi na ako makapag-isip ng tama dahil dito. Sobrang natatakot ako dahil sa iksi ng panahon na nagkasama kami ni Aims ay naging ganito na agad ang nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot ako dahil hindi ko ma-imagine kung ano na lang ang mangyayari sa akin kung naging mas matagal pa ang pagsasama namin. Hindi ko yata kakayanin iyon kaya hindi ko na kayang paabutin sa ganung sitwasyon. Kung mahuhulog man ako sa kanya ay ngayon pa lang ay dapat isalba ko na ang sarili ko dahil alam ko naman na iisa lang ang patutunguhan nito. Alam ko na sa bandang huli ay iiwan niya rin ako.







Pagod na pagod ako at parang sobrang naging matagal ang araw na ito para sa akin. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matulog at ipahinga na ang katawan ko. Parang masiyadong nagamit ang katawan ko ngayon sa pagiging emosyonal ko. Pumunta na agad ako sa condo unit ko. Kinuha ko ang susi na nasa wallet ko at ipinasok ko na agad ito sa door knob para makapasok na rin ako at makapagpahinga na. Pero kasabay ng pagpasok ko ay ang pagkagulat ko sa nakita ko sa loob ng condo ko. Agad na nawala sa akin ang ideya ng pagpapahinga dahil pakiramdam ko ay hindi pa tapos ang araw na ito para sa akin. Isinarado ko ang pinto at agad na naglakad patungo sa taong mukhang kanina pag naghihintay sa akin. Naalala ko na sa kanya ko nga pala binigay ang isa pang susi nitong condo ko. Pagod na pagod na ako pero mukhang hindi niya ako hahayaang magpahinga sa talim ng mga ibinabato niyang titig sa akin. Napakagat ako sa labi ko at lumapit sa sofa kung saan siya nakaupo ngayon at matalim akong pinagmamasdan.







"Ron."

-

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon