XXVII - You've changed.

1.4K 15 0
                                    

Selena

"Selena." banggit ni Ron sa pangalan ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon pero batid ko na hindi maganda ang kung anumang pwedeng mangyari. Tila ibang-iba ang Ron na kaharap ko ngayon dahil napakaseryoso at mukhang galit siya. Kung ano man ang dahilan nun ay wala akong ideya.


Lumunok ako at agad na nagsalita. Pinilit kong umayos kahit na sobrang napagod ako ngayong araw na ito. "Why? What are you doing here?"



Pagkasabi kong iyon ay parang nagsilbi itong apoy na mas lalo pang nakapagpaliyab ng tingin niya sa akin. Napakapungay ng mga mata niya at nakakunot ang noo na parang nagtataka siya kung bakit wala akong ideya sa mga nangyayari o kung bakit siya nandito.



"Why am i here? What the fuck are you talking about?"


Napalunok ako. Hindi ko pa rin alam kung ano ang punto niya pero alam kong dapat ay kabahan na ako. I've never heard him curse for years!



Bumuntong hininga ako at pilit na naghanap ng mga tamang salita ng sa ganon ay hindi na mas lumala ang galit ni Ron. "Okay. Ron, calm down. I really don't know what you're talking about."


Tinanguan niya ako habang madiin na tinitikom ang kanyang mga bibig. Lumapit siya sa mesa at kinuha ang phone ko na naiwan ko dito sa condo ko kahapon.


"I've been texting and calling you all day! Simula kahapon! Hindi ka nagrereply and you're not even answering my calls! Then nakita ko na nandito pala yung phone. Where have you been, woman?!"



Nanliit ang mata ko sa nagiging reaksyon niya. Dahil doon lang? My God! I want to rest! Pagod na pagod na ako at kung pipigilan niya akong magpahinga dahil lang bubulyawan niya ako ay hindi naman yata tama iyon. Masyado nang gamit ang katawan at emosyon ko ngayong araw at ayoko ng mas lalo pang papagurin ang katawan ko.



"I'm sorry, Ron. You see, naiwan ko yung phone ko kaya hindi kita narereplyan. Kasama ko naman sila Tracy." sagot ko naman kay Ron. Pilit kong tinago ang tabang sa aking boses. Naiinis ako dahil ganoon lang naman pala kaliit na bagay ay pinapalaki ni Ron pero hindi tama na ilabas ang inis ko na iyon at sabayan ang galit niya.



"Yeah you're with them. And you do really have fun, don't you?" nakangisi siya habang sinasabi niya pero hindi maipagkakaila na may halong pagkainis ito. Nag-igting ang kanyang panga at tinitigan akong mabuti.



Dahan dahan akong tumango sa sinabi niya at umupo ako sa couch. "Yes. It was fun."



"Of course, it was really fun! Night clubbing, smoking and dirty dancing! That. was. really. fun!!" madiin ang pagkakasabi niya sa mga linya na iyon. Agad naman akong napatayo dahil doon. Paano niya nalaman?!



Gulat pa ako at naka-awang pa ang bibig ko pero nagawa ko pa ring tanungin siya. "How did you know?"



Ngumisi siya at lumapit sa akin. Kinuha niya ang cell phone niya at iniharap ito sa akin. Tumingin muna ako sa kanya at nag-iwas siya ng tingin. Inilipat ko ang mga titig ko sa cell phone niya nang narinig ko na nagsimula ng mag-play ang video. Nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko ang sarili ko sa video. Noong una ay hindi ko makilala kung sino ang babaeng iyon dahil gulo gulo ang kanyang buhok at nakasuot siya ng sobrang iksi na damit. Saka ko lang napagtanto na ako iyong nasa video na iyon. I looked so drunk and wasted! Malaswa akong nagsasayaw at iwinawagayway ang buhok ko habang ididinidikit ng lalaking kasayaw ko ang katawan niya sa akin. Humawak ako sa dibdib niya at maya maya pa ay umalis na kami at natapos na ang video.



"Where did you get that?" tanong ko sa kay Ron na ngayon ay nakatalikod na sa akin at pinipigilan ang kanyang sarili na magsalita ng masama. Nakita ko pa sa phone niya ang ilang litrato ko na naninigarilyo at umiinom ng alak.


Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon