XLI - It's just you and me now.

816 11 3
                                    


Selena



Tumakbo ako ng tumakbo. Tumakbo ako palabas ng bahay nila Aims. Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko at pilit ko lamang nilalakasan ang mga tuhod ko dahil sa sobrang sakit ng mga narinig ko ay unti-unti nang humihina at bumibigay ang mga ito.



Halos maubusan ako ng hininga sa mga nangyari at wala ako ibang nagawa kundi ang tumakbo at umalis doon. Sobrang sakit. Iba't-ibang mga bagay ngayon ang nagdudulot sa akin ng sakit.



Takbo ako ng takbo. Wala akong pakialam sa kung sino man ang makakita sa akin ngayong gabi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang maialis ako malapit kay Aims.



Nagkakarerahan ang mga luha ko sa mata ko, pinalis ko ang mga ito para makakita ako ng maayos pero bigla na lang ako napaupo sa sahig dahil sa sobrang bigat ng katawan ko at sa mga emosyon na nararamdaman ko ngayon.



Nakaupo lang ako sa gilid ng kalsada. Umiiyak. Mahina. At walang pakialam sa mga nasa paligid ko. Maya-maya lang ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumingala ako sa itaas habang nanginginig ang aking mga labi. Para bang lahat ngayon ay nakikiramay sa sakit na nararamdaman ko.



Patuloy akong humihikbi. Tumayo ako at tinanggal ang suot ko na stiletto. Binitbit ko ang mga ito at patuloy na naglakad papuntang kawalan.



Hingal na hingal ang buong katawan ko. Dagdagan pa ng lamig na dulot ng ulan.



Nagpatuloy ako sa paglalakad ng maya-maya lang ay may nakakasilaw na bagay na huminto sa harapan ko.



Tinignan ko ito at ito ay yung kotse ni Aims.



Napailing ko. Ayokong mangyari ito. Wala na akong lakas para dito.



Bumaba siya ng kanyang sasakyan at dali-daling nagtungo sa pwesto ko.



Hindi ko makita ang itsura niya dahil sa sobrang dilim.



"Selena." Tawag niya sa akin. Napapikit ako sa boses na iyon. Nanghihina ako sa tuwing naririnig ko iyon. "I am so sorry about my mother. Forgive me. She doesn't know what she's talking about. Don't try to believe whatever she told you. I'm sorry." Hinawakan niya ang braso ko.



Tinanggal ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at lumayo ako sa kanya.

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon