XXII - Good for you.

1.6K 21 0
                                    

Selena


Pinagpatuloy ko lang ang pagligo ko at pilit kong inilipat sa ibang bagay ang atensyon ko. Matapos kong maligo ay pinatay ko na ang shower at kinuha yung tuwalya na nadoon at pinatuyo ang aking sarili. Matapos ay nagbihis na ako sa loob ng banyo.




Palabas na ako ng pinto nang may kumatok dito. Binuksan ko ito at nakita ko si Aims.




Natulala ako sa pigura ng mukha niya. Pinagmasdan ko iyon. Yung matangos niyang ilong, manipis at mapulang labi at yung malalalim niyang mga mata na kahit sinumang babae ay mahuhumaling. Perpektong perpekto ang pagkakahulma sa kanya.




Yumuko ako sa naisip ko na 'yon at para na rin hindi mahalata ni Aims na nakatulala ako sa kanya




"They're here. Sila Tracy. They're waiting for you outside."




Tumango ako sa kanya at nilagpasan siya. Bumalik ako sa taas para kuhanin ang wallet ko at para ayusin ang aking sarili bago ako umalis. Humanap ako ng salamin sa kwarto ni Aims at doon nagsuklay. Nang ayos na ang aking itsura ay sinuot ko ang heels na pinahiram sakin ni Tracy at binitbit ko yung dress at iba pang palamuti na pinahiram din niya.





Lumabas ako ng kwarto ni Aims at bumaba na. Nakita ko siya na nakaupo sa sofa at nanonood sa tv.




"Una na ako, Aims. Salamat." sabi ko at nagmamadali na akong umalis.




Tumayo pa siya at sinubukang habulin ako. Narinig ko din na sinabi niya na ihahatid na daw niya ako sa labas pero mas binilisan ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa makalabas ako sa gate nila. Nakita ko naman agad ang sasakyan ni Tiffany at sumakay na agad ako doon.




Pagkasakay ko ay agad rin naman na pinaandar ni Tiffany ang sasakyan. Mas mabuti na rin para hindi na ako abutan ni Aims.



Lumingon ako sa likod ng kotse upang tignan yung pinanggalingan namin. Nakita ko na kalalabas lang ni Aims sa bahay nila at palingon-lingon siya sa labas. Nang makita niya sa hindi kalayuan ang sasakyan kung saan ako nakasakay ngayon ay tinignan niya lang ito at pumasok na ulit siya sa loob.




Deja vu? Parang nangyari na ito nung nakaraan lang, ah? Pero this time ay hindi ko magawang ngumiti. Sorry Aims pero kailangan kong gawin ito. Kailangan na kitang iwasan dahil alam kong walang patutunguhan ang kung anuman ang nararamdaman ko para sa'yo.




Bumuntong hininga ako at lumingon kina Tracy na kanina pa pala nakatingin sa akin. Si Tiffany naman ay pasulyap-sulyap din habang nagda-drive siya.





"Are you okay?" tanong sa akin ni Tracy.




"Yes. I am." sabi ko at ngumiti sa kanila. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanilang hindi ako okay.




"Wait... Kaninong dress 'yan?"




Tumingin ako sa dress ko at sinagot 'yung tanong ni Tracy. "Pinahiram sa akin ni Aims. Sa mommy niya."




"Talaga?" tumango-tango pa siya habang sinasabi yun. Nakakunot ang mga kilay niya at parang naguguluhan siya. "It looks familiar."




Tumingin ako sa dress na suot ko ngayon. Maganda itong dress na ito at sobrang komportable suotin. Sleeveless ito at kulay dark green na may cut sa lower right side.




"Yeah. Parang nakita ko na rin 'yan dati." sabi naman ni Tiffany.




"Baka sa mall?" suggest ko naman sa kanila.




Nagkibit-balikat lang silang dalawa at hindi na ulit ako tinanong tungkol doon.




Nagpatuloy lang sila sa pagkukwentuhan tungkol sa mga paborito nilang movies at tungkol sa mga boyfriends nila. Nagsasalita lang ako kapag nanghihingi sila ng opinyon ko o kaya naman ay pag may gusto silang itanong sa akin.





Ayoko muna kasing magsalita. Hindi ko pa rin maialis ang mga bumabagabag sa isipan ko. Nalulungkot pa rin ako tungkol sa mga nakita ko kaya pinilit ko na lang na huwag magsalita dahil baka makahalata lang sila. Tumahimik na lang ako at hindi naman na bago yun sa kanila.





Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa mall. Nag-park lang si Tiffany pagkatapos ay dumiretso na agad kami sa pagbibilhan namin.




Pagpasok na pagpasok ko sa mall ay nagpasya ako na hindi ko muna hahayaang maabala ang isipan ko dahil sa nararamdaman ko. Pipilitin ko munang tanggalin ito at sa ngayon ay makikisama muna ako kina Tracy. This is it! Makakabili na rin ako ng mga damit at accessories na gusto ko.



Pinuntahan namin agad yung mga dress na naka-display doon. Hindi naman ako inosente pero ngayon ko lang kasi naramdaman yung kagustuhan na makuha ang mga damit na iyon. Dati ay wala naman akong pakialam sa mga ito.




Kumuha kami ng kumuha ng mga damit na nagugustuhan namin. Alam na alam na nila kung nasaan yung mga magagandang damit. Nagpatulong din ako sa kanila sa pagpili ng mga damit. Kadalasan ay mga maiiksi ang napipili nila. Sumasang-ayon naman ako sa mga iyon dahil magaganda naman ang mga napipili nila.





"Ito, selena, bagay sa'yo 'to!" iniabot sa akin ni Tiffany ang isang dress na nakuha niya. It's a brown leopard-print mini dress. Fitted iyon sa akin at sa tingin ko naman ay babagay ito sa katawan ko.




"Here. Eto pa. This is perfect kapag nagnight club ulit tayo." sabi naman ni Tracy sabay bigay niya sa akin ng isang black na off-shoulder chain strap na dress. Nginitian ko naman siya. "I'm so happy." dagdag pa niya.




Nag-pout siya at tinitigan ako ng mabuti. Ngumiti siya at nagsalita ulit, "I'm so happy kasi may new member na naman kami." tinuro niya ako. "Mas dumami pa kami and i think mas magiging masaya kami because of you."




"Ako rin naman. I'm so happy and hindi ko pinagsisisihan na tinanggap ko 'yung offer niyo." sagot ko naman sa kanya.




Nginitian naman ako ni Tiffany at naghanap na siya ng iba pang dress habang si Tracy ay nagpatuloy pa rin sa pagsasalita, "And you're so beautiful! Sinasamahan mo pa kami sa mga hilig namin. Like clubbing, shopping, you know."





"I'm thankful dahil na-experience ko 'yon. Best night of my life, indeed!"




"Really?" mukhang nagulat at natuwa siya sa sinabi ko.




Tumango ako sa kanya at humarap sa mga nakasabit na dress para mamili ulit. "Yes. It was very fun. Hindi naman pala ako dapat kabahan kasi masaya naman doon."




"Good for you. So, sama ka na sa amin ulit next time?"




Tumingin ako sa kanya. Nakataas ang kilay niya at naghihintay sa sagot ko. "Of course. Anytime."





She hugged me tight. She acts like a kid. At nakakatuwa iyon. Ngayon ko na lang kasi naranasan ulit na magkaroon ng kaibigang babae. Masaya rin pala silang kasama.




Pinakawalan niya ako at nagsalita ulit siya. "And one more thing, promise me na susuotin mo sa school itong mga pinamili nating mga damit, ha? Para mas maganda ka na sa school and pare-pareho na tayo."




Sumagot naman agad ako sa kanya. "Oo naman. No problem."





Nginitian niya ako at naghanap na ulit ng mga magagandang dress.




Wala naman talagang problema kung magsusuot ako ng ganito sa school diba? Ganito naman ang suot ng karamihan doon. Komportable naman ang mga ganitong damit at isa pa, gusto ko rin makisabay sa mga school mates ko lalo na kina Tracy.


-

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon