XXIII - Green looks good on you.

1.6K 19 1
                                    

Selena


Nagpatuloy lang kami sa pamimili ng iba't-ibang mga damit na pwede naming gamitin sa school o kaya naman ay kapag nagpupunta kami sa mga club. Salamat na rin kina Tracy dahil kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga nakita ko kanina. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Ayoko nang isipin pa 'yun dahil wala naman iyon maidudulot na maganda sa akin at lalong hindi ako magiging masaya dahil dun. Tumingin ako kay Tiffany na sa ngayon ay may dala-dalang iba't-ibang klase ng damit at papunta sa akin para siguro ibigay ang mga ito. Napangiti ako at naisip ko na buti na lang ay mayroon akong mga kaibigan na nandito para sa'kin para maging masaya ako.



"Heto." sabi niya at iniabot niya sa akin ang iba't-ibang dress na bitbit niya. "Isukat mo lahat 'yan sa fitting room. I'm sure babagay sa'yo yan."



Nagpasalamat ako sa kanya at kinuha ko 'yung mga damit na iniaabot niya sakin. Dumiretso na ako sa fitting room at sinundan naman ako nila Tracy at Tiffany doon.



Nang makarating kami doon ay pumasok na kami at agad kong tinanggal ang dress ko para maisukat na 'yung nga napili nila Tracy.



"You're so sexy." bati ni Tiffany sa akin nang nagtanggal ako ng dress. Nakatingin kaming tatlo sa salamin. "Have you ever had a boyfriend?"



Nginitian ko siya sa tanong niya na iyon at umiling. "Hindi pa ako nagkaka-boyfriend."



Napatingin ako kay Tracy at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "What? Why?" tanong niya sakin.



Kumunot ang noo ko sa naging ekspresyon niya at nagkibit-balikat. "I don't know? Saka wala kasi talaga sa isip ko 'yan eh."



"So, who's the guy you had sex with?"



Nagulat ako sa tanong ni Tiffany na iyon. Lumingon ako sa kanan ko para harapin siya. "What? Had sex with?"



Tumingin naman siya sa 'kin na para bang naguguluhan siya sa itinanong ko. Napangiwi siya at nagsalita, "Yeah? Nung birthday ni Ivan?"



Napasapo ako sa noo ko at tumingin muli sa salamin nang naalala ko kung sino ang tinutukoy niya. Oo nga pala. Ano ba yan!



"Oh. He's Ron. Friends lang kami."



Tumango-tango naman si Tiffany sa naging sagot ko, "You already forgot about him? Wow, you're really one of us!" pagkatapos nun ay natawa silang dalawa ni Tracy sa sinabi niya.



Ano? Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Tumingin ako sa kanila nang nakakunot ang noo para ipakita na wala akong ideya sa sinabi ni Tiffany. Nahalata naman nila iyon kaya nagsalita agad si Tracy.



"We're getting laid at least once a week. And the thing is, after that, hindi na namin naaalala kung sino ba ang naka-sex namin unless may nagpaalala samin."



Tumaas ang kilay ko sa narinig ko. Kaya naman pala. Nagbuntong hininga ako. Hindi naman na ako nagtataka kung bakit sila ganun. Sanay na ako sa kanila kaya hindi na ako nagugulat pa sa mga sinasabi nila.



Matapos yun ay kumuha na ako ng isang damit at isinukat ito. Ang gaganda talaga ng mga damit na nakuha nila Tracy. Nakaka-excite tuloy na suotin ang mga damit na ito. Starting tomorrow ay magsusuot na ako ng ganito para marami mas makakuha ako ng atensyon at para na rin makisabay sa ibang mga babae sa school namin. Ngumiti ako sa naisip ko na 'yon. Natitiyak ko na mas magiging masaya ako kapag nangyari iyon.



I faced the mirror and my smile grew wider when i saw myself wearing this petite black turtle-neck dress na napili ni Tiffany. Gustong-gusto ko ito.



Tumingin naman ako kina Tracy na sa ngayon ay pinagmamasdan ako at nakangiti. Tumango sila sa akin indikasyon na bilhin ko ito at bagay ito sa 'kin.



Kinuha ko pa ang ibang mga dress at isinukat ito. Lahat naman ng mga ito ay nagugustuhan ko at pinupuri rin ito nila Tracy at sinasabi na bumabagay naman sa akin ang kahit na anong damit dahil maganda ang pangangatawan ko. Itinabi ko ang mga ito at nagpasya ako na bibilhin ko ang lahat na 'to.



Napatingin ako sa mga damit na iyon at napansin ko na mayroon pa palang isa na hindi ko pa nasusukat. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Napangiti ako dahil sa ganda ng kulay at ng design nito. Nagmadali akong isuot ito upang tignan kung babagay ba saakin ito at laking pasasalamat ko nang naging sakto ito sa katawan ko at bagay-bagay sa akin. Napangiti naman si Tiffany at pumalakpak si Tracy.



"Wow! That looks great! Bagay na bagay siya sa'yo."



Tumango ako sa sinabi ni Tracy. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang saya ko dahil nararamdaman ko na unti-unti na akong natutulad kina Tracy at alam ko na magandang indikasyon ito. Ibig sabihin nito ay mas mapapalapit pa ako sa ibang school mates ko at magiging katulad na rin ako ng ibang babae sa school namin. Hindi na ako mahihirapan pa at mas ramdam ko na isa na ako sa kanila. And that's a great idea. Ibig sabihin na 'yon ay mas makikilala ako at hindi na magiging mahirap sa akin ang makisalamuha sa kanila.



Bagay na bagay talaga sa akin ang suot ko ngayon. I'm wearing this green lace-sleeved mini dress na napili ko kanina.


"Green looks good on you." sabi pa ni Tiffany bago ako magpalit ng damit.


Tumango naman si Tracy sa sinabi ni Tiffany. I like green, really.


"She's right. Bagay nga sa'yo ang green. Just like Kim."


Tumango ako sa kanila pero hindi ibig sabihin nun ay sang-ayon ako sa kanila. Hindi. Mas maganda si Kim. Mas maganda ang katawan niya. Mas bagay sa kanya ang green.



Kim is just perfect. Pakiramdam ko ay hindi ako kailanman hihigit sa kanya. Tanggap ko iyon dahil iyon ang totoo. Maganda siya. Kaya naman hanggang ngayon ay siya pa rin ang gusto ni Aims.


Umiling ako dahil sa naiisip ko. Nagpasya ako na tanggalin na agad ito sa isip ko bago pa man lumala at kung ano lang ang maramdaman ko.



Hinubad ko na ulit ang dress na iyon at isinuot ko ulit yung green na dress na pinahiram sa akin ni Aims at matapos 'yun ay lumabas na kami sa fitting room.

-

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon