II - Well, Virgin no more.

4.9K 65 5
                                    

Selena



Mabilis lang na natapos ang klase. Wala kaming ginawa kundi ang makinig at magsulat ng iilang notes. Tahimik ko iyong ginawa habang ang katabi ko naman na si Aims ay nakapangalumbaba lang. Minsan ay yumuyuko siya at minsan ay ipinupukol niya ang tingin niya sa banda ko. Hindi ako tumitingin sa kanya. Ugh! Ewan ko pero naiinis ako sa kanya!




Ang tamad kasi. Palibhasa ay hindi siya kayang pakawalan ng eskwelehan na ito dahil isa ang pamilya niya sa mga may-ari nito. Iresponsable. Napairap ako.




Halfday lang kami kaya na-dismiss kami kaagad kahit na 11:30 pa lang. Wala na kaming susunod na klase. Umuwi na agad ako sa condo ko at nagpahinga. Naalala ko 'yong hinihinging pabor ni Ron. Ngayon na niya balak gawin ang plano. Ilang oras na lang ay pupunta na kami sa birthday ni Ivan at doon iyon mangyayari. Umupo ako sa sofa. May natitirang sandali pa naman ako para magpahinga. Sinabi sa akin ni Ron na 4:30 daw ay dapat nandoon na 'ko sa bahay nila Ivan.




Hindi niya ako masusundo. Nalungkot ako sa naisip ko. Syempre, hindi niya ako masusundo dahil si Mika ang susunduin niya.




Naidlip ako sandali at nagulat ako nang pagkagising ko ay 3:30 na. Dali-dali akong bumangon. Nagpunta ako sa kwarto ko. Gumayak na ako para hindi ako ma-late. Nagmamadali akong namili ng aking susuotin. Simple lang ang mga pananamit ko. Pinagmasdan ko ang buong closet ko. Simple lang lahat ng narito pero ayos na iyon sa akin.




Nagsuot lamang ako ng isang plain red na dress dahil wala naman akong balak na maligo sa pool. Pool party kasi ang mangyayari dahil mayroong pool sa bahay nila Ivan. Inaasahan din nila na ang mga dadalo ay magsusuot ng mga damit na panligo. Pero hindi na ako magsusuot ng ganoon. Ang dahilan lang naman ng pagdalo ko doon ay ang gagawin ko para matulungan si Ron.




Nang nakapag-ayos na ako ay lumabas na ako ng bahay. Pumara na ako ng taxi at tinuro kung saan ang punta ko. Pagdating ko ay kahit nasa labas pa lamang, tanaw ko na ang dami ng mga tao. Halos lahat ay may maninipis at maliliit na saplot lang sa katawan. Basa na ang ilan at ang iba naman ay naka-casual na kasuotan pa lang.




Nahihiya akong pumasok sa loob ng bahay ni Ivan. Napalunok ako. Hindi ko alam kung welcome ba ako dito. Hindi ko mapigilan ang kabahan kahit na lahat naman daw ng school mates niya ay welcome dito. Kinakabahan ako dahil baka may mang-bully pa sa akin dito. Pero laking tuwa ko nang pagpasok ko doon ay walang pumansin sa akin at nagpatuloy lang sila sa mga ginagawa nila.




"Oh! Selena..." nagulat ako nang pagpasok ko pa lang ay bumungad na agad sa akin si Ivan. "Mabuti ay nakarating ka dito." Nginitian ko siya at nagliwanag ang kanyang mukha. "I'm glad you're here."




"Happy Birthday, Ivan." bati ko sa kanya.




Nagulat ako dahil sa biglaang paglapit niya sa akin. Nakangiti siya at bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Marahil ay ganoon na lang ang pagkatuwa niya dahil maraming dumalo sa kanyang kaarawan.




Si Ivan ay ang kilala kong pinakamalapit na kaibigan ni Aims. Sikat din siya sa school namin dahil sa pagiging pasaway at alam niyo na... magaling sa kama. Umismid ako.




Hindi kami masyadong nag-uusap ni Ivan. Hindi ko siya kaklase. Hindi ko rin alam na kilala niya pala ako. Kaya naman ganoon na lang ang aking gulat nang bigla niya akong yakapin. Well, siguro nga ay sobrang naging masaya siya dahil marami ang nandito para samahan siya sa birthday niya.




"Thanks, Selena." sabi niya. Magsasalita pa sana siya pero bigla na lang may humatak sa kanya na isang grupo ng mga lalaki na may dala-dalang iba't-ibang klase mga inumin. Sumama na siya rito at nakipag-inuman.




Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon