XVIII - What in the ever loving fuck are you wearing?

1.9K 28 1
                                    

Selena

Naglalakad na kami ngayon ni Nick patungo sa VIP room nitong club.


Ugh. Sobrang init talaga ng nararamdaman ko! Nanliliit na din ang mata ko dahil lumalabo na ang paningin ko. I'm tipsy.


"I love your dress." Narinig ko na bulong sa'kin ni Nick.


Ha! I love this dress too! I will surely buy a lot of dresses like this!

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil sobrang sakit na ng lalamunan ko. Hindi na rin ako makalakad ng maayos kaya sobrang higpit ng hawak ko kay Nick ngayon.

Basta ang alam ko na lang ngayon ay masaya ako na nakasama ako nila Tracy dito. At ngayon, kasama ko na si Nick patungong VIP room at siguradong mage-enjoy ako. This is really the best night of my life!

Naramdaman ko na mas humihigpit pa ang pagkakayakap ni Nick sa baywang ko at ngayon ay nakadiin na ang boobs ko sa katawan niya. Pero hinayaan ko na lang siya hanggang sa makarating na kami sa pinto ng room na nakuha niya.

Kinuha niya muna ang susi sa bulsa niya kaya pansamantala ay binitiwan niya 'ko. Binuksan niya ang pinto. Papasok na sana ako doon ng biglang may humila sa 'kin.

"Ugh!" kamuntikan na akong matumba sa lakas ng pagkakahila niya sa 'kin. Agad naman niyang hinawakan ng mabuti ang mga braso ko para mapigilan ako sa pagtumba.

"Hey, what are you doing?!" sabi ni Nick sa lalaking humila sa akin at pilit na inaagaw ako rito. Sobrang higpit ng hawak niya sa 'kin. Para bang ayaw niya kong pakawalan.

"Aw!" sabi ko dahil di ko nakayanan ang higpit ng pagkakahawak niya. Ang sakit na ng braso ko ngayon.



Pagkasabi ko nun ay bigla niyang niluwagan ang pagkakahawak niya sa 'kin. Hinawakan ko agad ang braso ko at tumingin sa kanya.

Hilong-hilo na ako at sobrang labo na ng paningin ko. Tinignan kong mabuti kung sino yung lalaking humila sa 'kin.

"Aims?" i shook my head. Hindi ko alam kung bakit mukha ni Aims ang nakikita ko ngayon. Lasing na yata talaga ako.

Tinitigan ko siyang mabuti. Nakakunot ang kanyang noo at para bang galit na galit.

"What?!" sabi niya sa'kin dahil kanina ko pa siya tinititigang mabuti.

Oh my God. It's really him. Well, hindi naman nakapagtataka dahil panigurado namang madalas siya sa mga nightclubs gaya nito.

Naputol ang titigan naming dalawa nang hinila ni Nick ang kamay ko para papasukin na ako sa loob ng VIP room. Pero agad din namang kinuha ni Aims ang kabilang kamay ko para pigilan si Nick sa gagawin niya.

Napatingin si Nick kay Aims dahil sa ginawa nito, "What's your problem, dude?" pagkatapos ay hinila niya ulit ang braso ko.

Pero ganun din ang ginawa ni Aims. Hinila niya ako at hindi niya ako binitawan.

Aw! Ang sakit na ng braso ko. Shit!

Tumingin ako kay Aims. Ano bang problema nito?

"Pre, ano ba?" sabi ni Nick kay Aims.

Binitawan ni Nick ang kamay ko.

Ugh. Sobrang sakit na ng braso at ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nito. Shit, nahihilo na 'ko. Malabo na din ang paningin ko at hindi na 'ko makakita ng maayos.

Naghanap ako ng pader at sumandal doon. Napapikit ako. I am trying to compose myself and then suddenly i heard a thud.

Sobrang ingay. May mga taong nagbubulung-bulungan sa gilid ko. I tried to open my eyes para makita ko kung ano ang nangyayari.

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon