XXV - You're so dumb.

1.5K 17 0
                                    

Selena

Alam ko na magagalit sila kapag nalaman nilang unti-unti na akong nahuhulog kay Aims. Magagalit sila dahil madadagdagan na naman ang karibal nila at ako pa na kaibigan nila. Magagalit sila sa akin kapag nangyari iyon kaya ngayon pa lang ay tinatanong at sinisiguro na nila ako. Nagsisinungaling ako sa kanila dahil ang totoo ay may nararamdaman na ako para kay Aims. Pero hindi ko ginagawa ito dahil alam kong magagalit sila. Ginagawa ko ito para sa sarili kong kapakanan. Hindi lang ako sa kanila nagsisinungaling pero pati na rin sa sarili ko. Niloloko ko ang sarili ko sa sarili kong nararamdaman. Pero para sa akin ay ito na ang pinakamagandang pwede kong gawin sa ngayon. Dahil para na rin sa akin ito, kapag patuloy ko itong ginawa ay mas mapapadali ang pagkalimot ko kay Aims. Kapag pinagpatuloy ko ito ay mawawala na sa isipan ko si Aims at magiging masaya na ako. Yun ang gusto kong mangyari. Dahil ngayon pa lang ay gusto ko nang iligtas ang sarili ko sa kapahamakan na maaaring idulot ni Aims sa akin. Inilalayo ko na ang sarili ko sa patibong para na rin sa kaligtasan ko. Dahil ayokong mahulog. Ayokong masaktan sa bandang huli.



"That's good. Marami na siyang nasaktan at pinaiyak na mga babae." ani Tracy.



Tumango naman ako sa sinabi niya dahil alam naman naming lahat na tama 'yung sinabi niya.



"Ang dami niya nang sinaktan and worse, marami pang naga-away just for him pero wala lang siyang pakialam." dagdag pa niya.



Kung siguro ay hindi ko idinidistansiya ang sarili ko ngayon kay Aims. Kung siguro ay hindi ko nakita 'yung mga litrato nila ni Kim. Siguro ay hindi ako sumasang-ayon sa mga sinasabi nila. Siguro ay ipagtatanggol ko pa si Aims at sasabihin na kaya lang siya ganun ay dahil sa nasaktan na rin siya dati. Siguro hindi ako maniniwala sa mga sinasabi nila.



"Marami na ring friendships na nasira dahil sa kanya." sabat naman ni Tiffany at tumingin kay Tracy. Sumang-ayon naman doon si Tracy.



"Alam mo naman siguro 'yun diba? I know you're very much aware of that dahil sikat naman si Aims sa school. Lahat ng nakakarelasyon niya ay hindi nagtatagal. Lahat sila ay nasasaktan lang sa bandang huli."



"Yes. Alam ko 'yun." nginitian ko sila at itinutok ko na lang ang tingin ko sa baso ng tubig na nasa harapan ko.



"Close ba kayong dalawa? Or magkakilala ba kayo?" tanong naman ni Tiffany sa akin.



"We're not close. I just know him."


Tumango siya sa naging sagot ko, "Nagtataka lang ako kung bakit ka niya sinundo sa club last night? I mean, bigla na lang siya sumulpot. I want to ask this kanina pa pero ngayon lang ulit pumasok sa isip ko."



Nagkibit-balikat ako. Maski naman ako ay hindi ko rin alam kung bakit. Pero may parte sa akin na nagsasabing kaya niya ako sinundo kagabi sa club ay dahil naga-alala siya sa akin. Pero agad ko namang tinanggal iyon sa isipan ko. Hindi pwedeng ganito ang iniisip ko lalo na't ngayon ay pilit ko pa rin siyang kinakalimutan. "I don't know. Kahit ako ay hindi ko rin alam." sagot ko sa kanya.



"That's why i asked you. Kasi bigla ka na lang niya kinuha palayo dun sa lalaking kasayaw mo."



"Uhh, siguro ay naawa siya sa akin dahil lasing na ako nun?" yun na lang ang naisagot ko at nag-isip pa ako ng ibang maaaring maging dahilan kung bakit sumulpot si Aims doon sa club kagabi. "O baka naman trip lang niya? O baka kaaway niya talaga 'yung lalaki na 'yun?" sabi ko. Hindi ko alam. Wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit. Pero siguro ay isa diyan ang tama. Malamang ay trip lang niya iyon o kaya ay kagalit niya yung lalaking nakasayaw ko kagabi na hindi ko na maalala ang pangalan ngayon.



Tumango naman si Tiffany sa naging sagot ko sa kanya. "Yeah. Siguro nga."




Napansin ko naman na bahagyang natawa si Tracy sa aming dalawa. Tumingin ako sa kanya at napansin ko ngang bahagya siyang nakangiti ngayon. Nagsalita siya, "You're so dumb." sabi niya habang nakatingin kay Tiffany. Iniangat ni Tiffany ang ulo niya nang marinig niya iyon at ibinaling ang tingin kay Tracy. Kumunot ang noo niya at pareho kaming nagtaka sa sinabi ni Tracy.



"What did you just say?"



"I said you are so dumb!" nginitian niya si Tiffany matapos niyang sabihin ito. "Can't you figure it out? Kung bakit kinuha ni Aims si Selena sa club?"



Tumingin ako ng mabuti kay Tracy at hinintay kung anuman ang sasabihin niya. Kumunot ang noo ko habang naghihintay. Gusto kong malaman kung bakit. Gusto kong marinig mula sa bibig ni Tracy kung bakit iyon ginawa ni Aims. Dahil umaasa pa rin ako. Na baka kaya niya iyon ginawa ay dahil naga-alala siya sa akin. Na baka ayaw niyang mapahamak ako kaya niya iyon ginawa. Na gusto niyang maging ligtas ako kaya niya ako sinundo doon sa club kagabi. Gusto kong marinig iyon mula sa bibig ni Tracy para malaman ko na hindi lang ako ang nagi-isip ng ganong posibilidad. Dahil pag sinabi iyon ni Tracy ay mas lalaki ang posibilidad na baka iyon nga ang dahilan. Na baka naga-alala nga si Aims sa akin.



"Why?" tanong sa kanya ni Tiffany.



"Because we're there."



"And?"



"Kim was there, too."



"So?" tanong ni Tiffany na parang naiinip na sa sagot na manggagaling kay Tracy.



"Alam mo naman ang naging relasyon nila dati, diba? And we know na hindi pa nakakamove-on si Aims doon. Alam ni Aims na nandoon si Kim sa club kagabi kaya ginawa niya iyon kay Selena para pagselosin si Kim. That's it! You're so dumb, Tiffany!"



Shit. Oo nga. Bakit hindi ko naisip yun? Kaya niya iyon ginawa para pagselosin si Kim. Dahil nandoon si Kim. Dahil iyon kay Kim at hindi para sa akin! Ang tanga ko. Fuck, i'm so dumb!

-

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon