XXXVI - I gave in.

1.9K 24 3
                                    

Selena



Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil. Bumuntong hininga ako. Kumikirot ang puso ko sa mga naiisip ko.





Iniwan ko silang lahat doon. Nagpunta ako dito sa cr at ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang ginagawa nila ngayon. Lalong kumikirot ang puso ko kapag naiisip ko na posibleng nagkakatuwaan sila doon sa sofa ngayon at posibleng sabay-sabay na nilang sinasariwa ang nakaraan nila Aims at Kim.





Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon nila kanina. Kahit si Aims ay hindi ko makuha. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya noong mga oras na iyon. Hindi ko alam kung anu-ano ba ang pumapasok sa isip niya habang nagsasalita si Cherry kanina. Hindi ko alam at tingin ko ay hindi ko na gugustuhing malaman pa.





Humugot ako ng malalim na hininga at tinitigan kong mabuti ang sarili ko sa kaharap kong salamin. Unti-unti kong pinakalma ang sarili ko.





Inayos ko ang sarili ko. Dapat ay hindi nila malaman na nasasaktan na ako. Dahil una sa lahat ay biro lang naman ang mga iyon at pangalawa ay sa tingin ko wala ako sa tamang pwesto para magalit o mainis nang dahil lang doon.





Naghilamos ako ng aking mukha at inayos ko ang buhok ko. Hinanda ko ang sarili ko at papalabas na sana ako ng CR nang biglang may pumasok dito at hinarangan ako sa paglabas.





Hingal na hingal siya na parang kakatapos lang makipag-karera. Mapupungay ang mga mata niya at namumula ang kanyang mukha. Maigting ang kanyang panga ngunit nang namataan niya ako ay biglang nanlambot ang ekspresyon niya. Napalunok siya at humakbang papalapit sa akin.





Isinarado niya ang pinto ng banyo na para bang kanya ito. Hindi ko alam kung bakit nandito siya sa pang-babaeng CR. Nagtaka rin ako kung bakit hingal na hingal siya. Kanina pa ako nandito sa CR at hindi ako maniniwala kung sasabihin niyang hinabol niya ako pagkaalis ko pa lang sa pwesto namin kanina.





Hinawakan niya ng marahan ang mga braso ko. Pinagmasdan niya ako at hinintay kung ano ang magiging reaksyon ko.





Hindi ako nagsalita. Kahit na ang dami kong gustong isumbat ay pakiramdam ko ay hindi tama na gawin ko iyon. Dahil iyon ay tungkol na sa nakaraan niya. Sa kanya na lang iyon at kay Kim. Hindi na ako kasali doon. Wala akong karapatan para makisali doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang nakaraan nila ay sa kanila lang at may mga bagay talaga na hindi ko na dapat pina-pakialaman pa.





Marahan ang hawak niya sa mga braso ko. Para bang iniingatan niya ito at ayaw niya itong higpitan dahil baka masaktan ako. Pinagmamasdan niya ako ng maigi na tila naghihintay na malungkot o magalit ako sa kanya.





Inayos ko ang sarili ko at dahan dahan akong ngumiti sa kanya. Ngumiti ako. Ngumiti ako kasi ayos naman ako. Wala namang problema doon. Nakaraan na iyon at hindi na dapat problemahin. Hindi dapat ako nagkakaganito.





Kumunot ang kanyang noo. "Are you okay?" nahimigan ko ang sinseridad at pag-aalala sa boses niya.





Tumango ako ng nakangiti. "Yes."





Hinawakan ng dalawang kamay niya ang aking mga pisngi. Pinilig niya ang ulo niya na para bang may hinahanap siya sa mga mata ko. "I'm sorry..." sabi niya.





Nagulat ako sa sinabi niya. "For what?" sabi ko.





Isinandal niya ako sa pader at kinulong niya ako gamit ang dalawang braso niya. Hindi niya inaalis ang mga titig niya sa mga mata ko. Naiilang ako pero hinayaan ko siyang gawin iyon.





Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon