V - I chose to be heartless.

3.1K 45 0
                                    

Selena


Kinabukasan ay na-late na ko ng gising.


The eff. Thirty minutes na lang mala-late na ko sa school!


Pagkabangon ko ay agad akong naligo at nag-ayos ng katawan.


Hindi na 'ko makakapag-breakfast dahil wala pa akong mailuluto at wala na rin namang oras.


Noong nasigurado kong ayos na ko at handa ng pumasok ay lumabas na 'ko ng kwarto ko.


Naglakad lang ako hanggang sa sala at doon ay nakita ko ang isang lalaki na mukhang naiinip na.


"Tss. Ang tagal mo gumising!"


Si Aims.


Nakalimutan ko na naman. Dito nga pala siya nagpalipas ng gabi.


Pagkatapos nung nangyari kagabi ay nagwalk-out na lang siya kaya dumiretso na ko sa kwarto ko.


"Iniintay mo ba ko? At bakit naman? Saka di ka ba magbibihis?! Hindi ka maliligo?!"


Sabi ko dahil kung ano yung suot niyang damit kahapon ay siya pa ring suot niya ngayon.


"Papasok ka ba? Ikaw na nga 'tong hinintay parang galit ka pa. Sa school na ko magbibihis. May damit naman ako don saka para san pa yung shower room? Engot."


"Ano?! Engot? Ako?!"


Pero imbis na sumagot saakin ay inirapan na lang ako at saka lumabas ng condo ko.


Taray ah! Akala mo kung sino!


Siya na nga lang nakitulog dito sa condo ko eh! Bwisit siya! Sinabihan pa ko ng engot?! AAAAHHHH! Kainis!


Sinundan ko siya sa labas.


Nakita ko siya doon na binubuksan ang pintuan ng kotse niya.


Dumiretso ako papunta sa kanya at walang alinlangan na pumasok sa passenger's seat ng kotse niya.


Aba! May utang na loob siya sakin! At saka mala-late na ko.


"What the?! Labas! Ang kapal mo ah!"


Nagkunwari akong walang narinig at naghanap ng makakalkal sa drawer ng kotse niya.


"Hoy! Sabi ko labas! Are you deaf?! Sinabi ko bang pumasok ka?!"


Nakita ko doon sa drawer ang iPhone niya. Agad ko itong kinuha at binuksan.


"Aba. Hoy babae akin na nga yan! Pakialamera! Akin na!"


Pilit niyang inaabot yung phone niya pero tinalikuran ko siya para mailayo ito sa kanya.


Pumasok na siya sa loob ng kotse at sinarado ang pinto.


"Akin na sabi!"


Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon