I - Okay, Ron. I'll do it.

8.3K 76 4
                                    

Selena

Huminga ako ng malalim at inilapag sa sahig iyong mga gamit na dala ko. Nilalaman nito ang aking mga damit at iba pang mga pag-aari. Naglayas ako sa bahay namin. Tumakas ako. Dahil ayoko na doon, hindi ko na kaya.





Nandito ako ngayon sa condo ko. Thank God, dahil may mga appliances na dito. Si Mama ang nagbigay sa akin ng condo na 'to. Nasa ibang bansa na siya ngayon kaya naiwan ako sa tatay ko. Sumakit ang dibdib ko. Naiwan ako sa tatay kong walang ibang ginawa kundi gastusin ang perang pinapadala ni Mama sa alak, sugal at babae niya.





Noong una ay wala naman sa akin iyong mga bisyo niya. Pero noong nalaman ko na may ibang babae si papa at inuuwi niya pa ito sa bahay namin ay talagang hindi ko na kinaya. Nahirapan ako. Nasaktan rin ako lalo na para kay Mama. Naghihirap si Mama sa pagtatrabaho abroad para sa amin. Hindi niya deserve ang maloko ng ganoon.





Kinontra ko si Papa. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng hinanakit ko. Pero wala siyang pakialam sa akin at mas pinili niya iyong babae niya. Nagalit ako. Matagal na panahon akong nagtiis pero hindi pa rin siya nagpatinag sa mga ginagawa niya





Sinabi ko kay Mama ang lahat ng nakita ko. Sinabi ko ang tungkol sa mga babae ni Papa. Pero hindi siya naniwala sa akin. Nagtaka ako sa naging reaksyon niya. Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat pero hindi pa rin siya naniwala. Aniya ay hindi daw kayang gawin ni Papa iyon sa kanya. Mahal daw siya ni Papa at mahal rin niya ito. Nginitian niya ako para kumbinsihin akong tama siya. Kita ko ang kasiguraduhan sa mga mata niya. Hindi ko akalain na malaki pa rin ang tiwala niya kay Papa kahit na sinabi kong kitang-kita ko ang lahat ng mga nangyari.





Tinitigan ko ang buong condo unit na ito. Gusto ko na maging independent. Gusto ko na ng maayos na buhay. Sigurado naman ako na hindi ako hahanapin ni Papa dahil wala na siyang concern sa akin. Wala din naman siyang alam na may iniregalong condo sa akin si Mama.





Ako si Selena Murphy. Lumaki ako nang halos mag-isa lang. Bata pa lang ako noong umalis si Mama. Ang tanging nakakasama ko lang ay ang isa kong matalik na kaibigan. Lumaki akong kulang sa atensyon. Kumaki akong gutom sa asikaso. Hindi ako masyadong malapit sa iba dahil iyon ang nakasanayan ko.





Hangad ko noon pa man na magkaroon ng maraming kaibigan. Gusto kong mapansin ako ng ibang tao. Pero kahit ano yatang gawin ko ay walang makapapansin sa akin. Kaya naman pinipilit ko ang sarili ko na makuntento na sa kung ano ang meron ako ngayon.





Bumuntong hininga ako. Literal na mag-isa na nga lang talaga ako. Kailangan ko nang maghanap ng trabaho para sa mga pangangailangan ko. Lalo na para sa tuition ko. Second year college pa lang ako at accountancy ang kinukuha kong kurso.





Naupo ako sa sofa at ipinahinga ko muna ang aking sarili. Biglang may nagtext sa phone ko. Sinilip ko ito at nakita ko ang isang text message na galing kay Ron.





Ron: Papunta ko sa condo mo. Will bring snacks (:





Alam na ni Ron ang tungkol dito sa paglalayas ko. Di naman siya tumanggi dahil alam niyang mas magiging ayos ako sa desisyon kong ito. Siya si Ron Valdecantos. Siya ay naging bestfriend ko na simula pa lang elementary. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa akin dahil siya lang naman ang kilala ko na pwede kong pagsabihan ng lahay ng ito. Siguro ay kami lang talagang dalawa ang nagkakasundo kaya ganoon.





Napangiti ako. Matagal na rin akong humahanga sa kanya. Noong una ay nahihirapan at naiilang ako. Hindi ko kasi alam kung tama ba ito. Kaya lang hindi ko iyon masabi sa takot na ayawan niya 'ko. Natatakot rin akong mawala ang friendship namin.





Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon